MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Kidlat sa ere matapos niyang inisang lagok ang alak na nasa baso niya. Nasa sulok siya ng garden. Kanina, bago pa man magsimula ang celebration ng birthday ng kaniyang ninong ay umalis na siya sa kaniyang puwesto. Ewan, pero mas pinili pa niyang magmukmok sa gilid ng mag-isa kaysa makisalamuha sa mga taong naroon. At paalis na rin sana siya kanina nang marinig naman niya ang speech ng kaniyang ninong kaya nagdesisyon siyang manatili muna roon upang makinig.
At iyon nga, kagaya sa mga bisitang naroon ay nagulat din siya nang malaman niyang may anak palang babae ang kaniyang Ninong Felipe!
What does he mean? E, simula’t sapol ay wala naman siyang nakita o nakilalang anak nitong babae. Ang tagal-tagal na niyang nakakasama ang kaniyang Ninong Felipe pero ni minsan ay wala itong nabanggit sa kaniya tungkol sa anak daw nitong babae.
“And now that she’s with me, wala na akong ibang mahihiling pa sa buhay ko kun’di ang makapiling siya hanggang sa malagutan ako ng aking paghinga.”
Mas lalong nangunot ang kaniyang noo at mula sa kaniyang kinatatayuan ay bahagya niyang iginala ang kaniyang paningin sa mga bisitang naroon. Halos isa-isahin pa nga niya ang mukha ng mga taong naroon upang sinuhin niya ang mga ito. At halos lahat ng taong naroon ay kilala niya at nakita na niya dati pa man. Wala siyang nakitang mukha na naroon na hindi familiar sa kaniya. So, sino ang tinutukoy nitong anak?
“Everyone, met my daughter, my one and only princess, Psyche Goncalves Da Silva.”
Gulat at hindi siya makapaniwala nang marinig niya ang pangalang binanggit ng kaniyang Ninong Felipe.
Mula sa pagkakatitig sa matandang Da Silva, nalipat ang kaniyang paningin sa dalagang ngayon ay nakatayo na sa puwesto nito.
What? Anak si Psyche ng kaniyang Ninong Felipe? How did that happen? Hindi siya makapaniwala. Kaya pala ganoon na lamang ang concern ng kaniyang ninong kay Psyche kasi anak nito ang dalaga! Kaya pala ganoon ang mga kinikilos at salitang binibitawan nito tungkol kay Psyche. And all these time, pinag-iisipan niya ng kung anu-ano ang kaniyang ninong dahil ang buong akala niya ay pumatol nga ito sa babaeng parang anak na nito sa laki ng age gap ng dalawa. At si Psyche, pinag-isipan at pinagbintangan niya ang dalaga na pera lamang ang habol nito sa matandang Da Silva kaya nito pinatulan ang kaniyang ninong. Pero wala siyang kamalay-malay o hindi manlang sumagi sa kaniyang isipan na mag-ama pala ang dalawa.
Fuck.
Parang gusto niyang takasan ng ulirat sa mga sandaling iyon. Nahihiya siya sa kaniyang Ninong Felipe. Maging kay Psyche man. Ano na lamang ang mukhang ihaharap niya sa dalaga ngayong nalaman na niya ang totoo?
Hindi naman siya masisisi kung bakit ganoon ang inisip niya, dahil wala naman siyang alam. At isa pa, hindi naman sinabi sa kaniya ni Psyche ang totoo na ama nito ang Don Felipe.
BANAYAD NA BUNTONG-HININGA ang pinakawalan ko sa ere. Kahit kinakabahan man ako ngayon at ramdam ko ang unti-unting panglalambot ng aking mga tuhod ay pinilit kong ngumiti sa mga taong nakatuon sa akin ang paningin.
Mayamaya ay naramdaman kong may kamay ang humawak sa baywang ko. Nang lumingon ako sa tabi ko, ang nakangiting mukha ni Arwin ang nakita ko.
“Let’s go.” Ani nito sa akin.
Saglit akong napatingin kay itay na nakangiting nakatingin pa rin sa akin. At no’ng tumango ito, dahan-dahan akong humakbang. Mabuti na lamang at nasa tabi ko si Arwin at hawak-hawak ako sa baywang ko. Dahil kung hindi, malamang na kanina pa ako natumba sa damuhan.
Habang naglalakad kami ni Arwin palapit kay itay, nakasunod sa amin ang paningin ng mga bisitang narito.
At alam ko, sa klase ng mga histura nila ngayon, hindi pa rin nagsi-sink in sa utak nila ang mga sinabi ng itay kanina.
BINABASA MO ANG
BELONGS TO HIM ✓
RomanceGiulio 'Kidlat' Ortiz-Navarro & Psyche Goncalves HIM SERIES 1 *** "I believe I was made for loving you." When Psyche meet Kidlat Ortiz-Navarro, ang inaanak ng Don Felipe na siyang tumulong sa kaniya upang makapagtrabaho sa hotel na pag-aari nito, bi...