“SALAMAT po Mang Oscar,” nakangiting sabi ko sa driver ng Don Felipe bago ako bumaba sa front seat at binuksan ang pinto sa backseat. Kinuha ko roon ang dalawa kong bag na may lamang mga damit at ibang gamit ko. Kanina kasing hapon, bago mag alas sinco, nagpaalam ako sa Don na uuwi muna ako sa apartment ko para kunin ang mga damit ko. Hindi naman ako nakapagdala kaninang umaga dahil hindi rin naman ako sinabihan ng Don kahapon na stay in pala ako sa trabaho kong ito. Magta-taxi na lang sana ako pauwi, pero igiinit naman nito na ihahatid na lamang ako ni Mang Oscar para hindi na ako mahirapang mag-commute.
“Akin na hija at tutulungan na kitang magbuhat niyan.”
“Nako, okay lang po Mang Oscar. Kaya ko naman po. Salamat po!”a Sabi ko rito nang akma na nitong kukunin sa akin ang mga bitbit ko. “Salamat po ulit sa pagmamaneho.” Nakangiti pang saad ko.
“Walang anuman hija. Siya at ako’y nasa quarters lang. Kung may kailangan ka pang puntahan, sabihan mo lang ako.”
“Wala na po Mang Oscar. Salamat po ulit.” Pagkasabi ko niyon ay tumalikod na rin ako at pumasok sa main door at diretso akong umakyat sa mataas na hagdan. Ngunit, nakakailang akyat pa lamang ako sa baitang nang makita kong palapit naman sa may puno ng hagdan si sir sungit. Bigla akong kinabahan nang makita kong seryoso siyang nakatitig sa akin. Bigla na naman akong sinalakay ng hiya kaya mabilis din akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Hindi ko malaman kung tutuloy ba ako sa pag-akyat ko o bababa ulit at hihintayin muna siyang makababa?! Pero mapaghahalataan naman akong umiiwas sa kaniya kung gagawin ko iyon. Kaya sa huli, wala na rin akong nagawa. Nakayuko akong dahan-dahan na pumapanhik, hanggang sa magsalubong na kami. Laking pasalamat ko na lamang din at nilagpasan niya lang ako. Ang buong akala ko kasi ay kukumprontahin niya na ako dahil sa narinig niyang pag-uusap namin ni Natalija kanina. Nang marinig niyang pinagchi-chismisan namin siya. Ang akala ko nga kanina ay pagagalitan niya kami ni Natalija... mabuti na lamang at hindi. Dahil kung nagkataon, nako, ewan ko na lamang kung ano’ng mukha ang ihaharap ko kay Don Felipe. Baka isipin pa ng Don na pati ba naman sa pamamahay nito ay dala ko ang gulo.
Nang makarating ako sa itaas ng hagdan, pasimple ko siyang nilingon sa ibaba. Dire-diretso naman ang lakad niya hanggang sa makalabas siya ng main door. Doon lamang ako nakahinga nang maluwag saka naglakad na rin papunta sa kwartong gagamitin ko sa pananatili ko ng dalawang buwan dito sa mansion. Medyo nahihiya pa rin ako sa totoo lang na gamitin ang silid na ito. Paano ba naman kasi, masiyadong malaki at maganda ang kwarto para sa isang katulad ko na trabahante lang naman ng Don. Parang masiyadong special ang dating para sa akin. Puwede naman ako sa maids quarter na lang. Maayos din naman doon. Dinala ako ni Natalija roon kanina at ipinakita nito sa akin kung saan natutulog ang mga kasambahay ng Don. At in fairness, maganda rin. Parang hindi maids quarters. Para kang nangungupahan sa mga studio type na bahay. Kumpleto rin sa kagamitan. Mas maganda pa nga ang puwesto nila kaysa sa apartment na inuupahan ko, e!
Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga nang makaupo ako sa gilid ng malapad at malambot na kama. Inilapag ko rin sa ibabaw ng higaan ang dalawa kong bag saka muling pinasadahan ng tingin ang malawak at magandang silid.
“Kausapin ko kaya ang Don Felipe mamaya na lumipat na lang ako sa maids quarter?!” saad ko sa sarili ko. “Nakakahiya kasi talaga kung dito ako matutulog. Ang laki-laki. Ang ganda-ganda. Baka ako pa ang sisihin kapag may nasirang gamit dito...” saglit akong tumigil sa pagsasalita ng mag-isa. Hinaplos ko ang cover ng kama na tila mga balahibo ng manok. Ang lambot. Ang sarap sa kamay. “Siguro, masarap matulog dito?” tanong ko pa sa sarili ko. Tila may tinig naman sa likod ng ulo ko ang nagsasabing subukan kong humiga para madama ko ang malambot na kama. Mayamaya, dahan-dahan nga akong tumagilid at iniunat ko ang braso ko at humiga. Napangiti akong bigla ng malapad nang maramdaman ko sa pisngi ko ang nakakakiliting mga balahibo na iyon. “Ang sarap nga. Nakaka-relax.” Muli akong humugot ng malalim na paghinga at dahan-dahang pinakawalan iyon sa ere. Ipinikit ko ang aking mga mata at mas lalo pang dinama ang kinahihigaan ko. Nako, parang hihilain ata ako ng antok ko ngayon. Nararamdaman ko kasing parang unti-unting bumibigat ang nakapikit kong mga talukap.
BINABASA MO ANG
BELONGS TO HIM ✓
RomanceGiulio 'Kidlat' Ortiz-Navarro & Psyche Goncalves HIM SERIES 1 *** "I believe I was made for loving you." When Psyche meet Kidlat Ortiz-Navarro, ang inaanak ng Don Felipe na siyang tumulong sa kaniya upang makapagtrabaho sa hotel na pag-aari nito, bi...