CHAPTER 34

482 26 0
                                    

ANG gaan ng pakiramdam ko nang gumising ako kinabukasan. Although, hindi na naman ako nakatulog nang maayos sa nagdaang gabi dahil laman pa rin ng isipan ko ang mga nalaman ko no’ng umaga, pero parang feeling ko saktong-sakto ang tulog ko. Ang saya ng pakiramdam ko. Hindi pa man ako nagmumulat ng aking mga mata ay nakangiti na ako.

Isang mahabang paghinga ang pinakawalan ko sa ere saka umupo sa kama ko. Inilibot ko ang aking paningin sa buong kuwarto ko na haggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang sa akin nga talaga ito.

“Good morning, myself!” Masiglang bati ko sa sarili ko bago tuluyang bumangon at naglakad papunta sa banyo. Sa tapat ng lababo ako tumayo at pinakatitigan ang sarili ko sa malaking salamin. Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko ang maaliwalas kong mukha. “Ang saya mo ngayon, Psyche a?!” saad ko. “Well, sino ba naman ang hindi magiging masaya gayo’ng alam mong gusto ka rin pala ng crush mo.”

Oh, really? Para naman akong baliw nito at kinakausap ko na ang sarili ko ngayon!

Ganito nga ata talaga kapag in love, nababaliw at kinakausap ang sarili.

“Mmm~”

Mayamaya ay nag-humming na rin ako ng kanta habang naglalagay ng toothpaste sa toothbrush ko. God! Para akong nasa cloud nine ngayon. Parang nakalutang ang mga paa ko sa alapaap.

Nakangiti lamang ako hanggang sa matapos akong mag-toothbrush at maghilamos. Pagkatapos ay saka ako lumabas sa kuwarto ko upang puntahan sa silid niya si Don Felipe. Pero nang makapasok ako roon, masarap pa itong natutulog. Alas syete y medya na pero hindi pa ito gising.

Hinayaan ko na muna ito at muli akong lumabas ng silid at tinungo ang kusina.

“Good morning po, Nanay Sabel!” Bati ko sa matanda nang madatnan ko ito roon at nagluluto ng almusal.

“Magandang umaga rin sa ’yo, hija.”

“Si Natalija po?” tanong ko.

“Nasa hardin at nagdidilig ng mga halaman,” sagot nito. “Halika at mag-almusal ka na muna,” sabi pa nito.

“Mamaya na lang po, Nanay Sabel. Pupuntahan ko lang po sa garden si Natalija.”

“Siya sige.”

Muli akong lumabas sa kusina at tinahak ang daan palabas ng bahay, hanggang sa makarating ako sa garden. Naroon nga si Natalija.

“Good morning!” nakangiting bati ko rito.

Saglit naman itong tumigil sa ginagawa at binalingan ako ng tingin. “Good morning, amiga!” ani nito. “Mukhang masaya ang gising natin ngayon, ah?” punang tanong pa nito sa akin nang mahalata nito ang kakaibang ngiti sa mga labi ko.

Muli akong nagpakawala nang malalim ngunit banayad na paghinga. “Well,” sabi ko at pinagsalikop ko pa ang aking mga palad at nagkibit ng aking mga balikat.

Pinatay ni Natalija ang hose na hawak nito at kunot ang noo na humarap sa akin. “May gusto ka bang i-share sa akin na magandang nangyari sa ’yo para ngumiti ka ng ganiyan kaganda?” curious na tanong nito.

Saglit naman akong nagpalinga-linga upang tingnan kong may ibang tao roon, nang masiguro kong kami lang ni Natalija ang naroon ay muli akong tumingin dito.

“May sasabihin nga ako sa ’yo, bes,” sabi ko na hindi na rin nakaligtas ang kilig sa boses ko.

“Okay, saglit lang.” Ani nito at nagmamadaling inilagay sa balde ang hose at lumapit sa akin. Walang sabi na hinawakan nito ang kamay ko at hinatak ako palapit sa lounge chair na naroon sa gilid ng swimming pool at magkatabi kaming umupo roon. “Ano ang sasabihin mo sa akin bes? Ready na ako!” ani nito.

BELONGS TO HIM ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon