HINDI ko alam kung bakit kusang pumikit ang mga mata ko habang magkahinang ang mga labi naming dalawa. Ramdam ko ring saglit na huminto sa pagtibok ang aking puso. Parang pati ata ang buong paligid ko ay huminto dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin. Oh, God! Why did he kiss me? Wala akong ibang magawa kun’di ang manatiling nakatuod sa kinatatayuan ko. Parang nawala bigla ang lakas ng buong katawan ko sa mga sandaling ito. I can’t even move my fingers. Naparalisa ang buong katawan ko dahil sa halik niyang ito.
Hindi ko alam kung ilang minuto ng magkahinang ang mga labi namin. Basta nang maramdaman ko ang pagkilos ng kamay niya sa likod ng ulo ko, doon lang ako bumalik sa sarili ko. Bigla akong napamulat. Nanlalaki pa ang mga mata ko nang makita kong nakapikit din siya habang sakop pa rin ang mga labi ko. Bahagya akong kumilos para sana lumayo sa kaniya ngunit bigla namang humigpit ang pagkakahawak niya sa batok ko.
Oh, damn it! Bakit ba niya ako hinalikan?
Mayamaya, biglang tumibok nang mabilis ang puso ko. Sa labis na pag-aalala ko dahil sa nararamdaman ko ngayon, inipon ko ang buong lakas ko at mabilis na umangat ang dalawa kong kamay; malakas ko siyang itinulak sa kaniyang dibdib dahilan upang makawala ako sa kaniya.
“Bastos!” singhal ko sa kaniya kasabay nang malakas na sampal na ibinigay ko sa kaniya.
Gulat naman siyang napahawak sa pisngi niyang nasaktan ng palad ko.
Matalim na paningin ang ipinukol ko sa kaniya. “How dare you?”
“Why did you slap me?” galit na tanong niya sa akin. Kitang-kita ko pa ang pag-igting ng kaniyang panga.
“Bakit mo ako hinalikan? Manyak ka!” hindi ko pa rin mapigilan ang pagpupuyos ng galit ko sa kaniya. God! That was my first kiss. “Napakawalang-hiya ka!” galit pa ring sabi ko at walang anu-ano’y pinaghahampas ko ang kaniyang dibdib. “Walang-hiya ka!”
“Stop it!”
“Bastos ka! Manyak!”
“I said stop it!” hinawakan niya ang mga kamay ko upang pigilan ako sa ginagawa kong paghampas sa kaniya.
“Bitawan mo ako!” mariin ko ring binawi sa kaniya ang mga kamay ko. Muli, matalim na titig pa rin ang ibinigay ko sa kaniya.
“Why are you acting like that? Why are you mad at me for kissing you? Hindi ba’t iyan naman ang trabaho mo? Iyan ang ginagawa mo para akitin ang matandang ’yon? Even Arwin, right?”
Nagpantig na naman ang mga tainga ko dahil sa mga sinabi niya. Diyos na mahabagin! Kaawaan n’yo po ang lalaking ito sa mga maling iniisip at pinaparatang nito sa akin. Alam n’yo pong walang katotohanan ang mga sinasabi niya laban sa akin.
“Don’t tell me you didn’t like my kiss?” ngumisi pa siya ng nakakaloko.
Sumusobra na talaga ang lalaking ito!
“Why? Kasi wala kang makukuhang pera—”
“Tumigil ka na!” singhal ko sa kaniya. Hindi ko na rin napigilan ang mga luhang bumalong sa gilid ng mga mata ko. Saglit kong kinagat ang pang-ilalim kong labi upang pigilan sana ang mga luha ko, pero hindi naman iyon nangyari. Nagtuloy ang mga iyon sa pagpatak. “Wala akong ginagawang masama. Kahit kailanman hindi ko hinuthutan ng pera ang Don Felipe! Kahit kailanman hindi sumagi sa isipan ko ang landiin o akitin ang Don Felipe para lang makakuha ng pera mula sa kaniya gaya nang iniisip mo sa akin. Ngayon, kung ayaw mong maniwala at gusto mong paniwalaan ’yang maling iniisip mo... hindi ko na problema ’yon!” Mariing sabi ko sa kaniya habang nag-uunahan pa rin sa pagpatak ang aking mga luha. Umangat ang isang kamay ko upang punasan ang mga pisngi ko. “Alam ng Diyos na wala akong ginagawang masama kay Don Felipe, o kay Sir Arwin man.” Pagkasabi ko niyon ay kaagad akong tumalikod at nagmamadali ng naglakad palayo sa kaniya. Sinamantala ko na ang saglit niyang pagkatulala upang makalayo sa puwesto niya.
BINABASA MO ANG
BELONGS TO HIM ✓
RomansaGiulio 'Kidlat' Ortiz-Navarro & Psyche Goncalves HIM SERIES 1 *** "I believe I was made for loving you." When Psyche meet Kidlat Ortiz-Navarro, ang inaanak ng Don Felipe na siyang tumulong sa kaniya upang makapagtrabaho sa hotel na pag-aari nito, bi...