CHAPTER 17

536 26 2
                                    

TAHIMIK lamang ako sa puwesto ko habang nasa labas ng bintana ang paningin ko. Sobrang lakas ng buhos ng ulan. Kung hindi niya ako pinasakay, malamang na basang-basa na ako ngayon. Banayad akong nagpakawala nang buntong-hininga ’tsaka pasimpleng sinilip siya sa gilid ng kaliwang mata ko. Tahimik lamang din siyang nagmamaneho. Hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa isipan ko kung bakit niya ako pinasakay sa kotse niya at ihahatid sa apartment ko?! I guess. Kasi saan niya naman ako ihahatid kun’di roon lang naman. Liban na lamang kung may balak siyang masama sa akin kung kaya’t pinasakay niya ako.

Bigla akong natigilan dahil sa isiping iyon. Wala sa sariling napalingon na rin ako sa kaniya. Napatitig ako sa naka-side view niyang mukha.

Oh, holy lordy! Hindi nga kaya ay may balak siyang masama sa akin ngayon kaya pinasakay niya ako sa kotse niya? Galit siya sa akin dahil sa pag-aakala niyang piniperahan ko ang Don Felipe. Hindi malabong iyon ang plano niya sa akin ngayon!

Jesus! Bigla akong sinalakay ng kaba sa aking dibdib. Bakit hindi ko naisip ’yon kanina bago ako sumakay sa sasakyan niya? Sabagay, nabigla lang din ako dahil sa pagbuhos ng ulan.

“What are you staring at?”

Napakislot ako dahil sa baritino niyang boses. Dahil sa pagkakatitig ko sa kaniya, hindi ko na namalayan na nakatingin na rin pala siya sa akin.

“W-wala po,” sabi ko at mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Sa labas ng bintana muli kong itinuon ang paningin ko habang kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko sa mga sandaling ito. Kagaya na lamang sa, paano kung i-salvage niya ako ngayon? Paano na lamang kung chop-chop-in niya ang buong katawan ko at itapon sa kung saan-saan? Diyos na mahabagin! Huwag n’yo naman po akong pabayaan kung iyon man po ang pinaplano nitong sungit na ito sa akin. Alam n’yo naman pong wala akong ginagawang masama. Hindi totoo ang mga ibinibintang niya sa akin tungkol kay Don Felipe. Huwag n’yo po akong hahayaan na mamatay ng ganito kaaga. God, hindi pa nga po ako nagkakaroon ng love life, e! Hindi ko pa po nagagawa ang mga pangarap ko sa buhay! Lihim na dalangin ko.

Sunod-sunod akong napalunok ng laway ko at tumikhim. Palihim ko rin siyang sinisilip sa gilid ng mata ko. Gusto ko lang maging alisto sa mga maaari niyang gawin sa akin.

Dahil nasa kandungan ko ang dalawa kong bag, palihim kong hinawakan ang door handle ng sasakyan niya. In case na may gawin siyang hindi maganda, tatalon na lang ako rito. Hindi naman naka-lock ang pintuan. Okay ng mabalian ako ng buto kaysa ang mamatay ng maaga.

Pero mayamaya, nang mapansin kong pamilyar naman ang dinadaanan namin... ’tsaka lamang ako nakahinga nang maluwag. Malapit na kami sa apartment ko. Wala naman pala siyang binabalak na masama sa akin, ako lamang itong nag-iisip ng masama. Well, hindi ko naman masisisi ang sarili ko. Galit siya sa akin; galit kami sa isa’t isa.

Ilang saglit lang ay tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng apartment ko.

Saglit akong tumikhim ulit at nag-aalangang tinapunan siya ng tingin. “T-thank you,” sabi ko. Akma ko na sanang bubuksan ang pinto na nasa tabi ko, pero nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang isang braso ko. Dahilan upang mapalingon ako sa kaniyang muli. Ewan ko ba, pero hayon na naman ang puso kong labis kung kumabog. Hinawakan niya lang naman ako sa braso ko, pero bakit ganito agad ang epekto sa akin? Tila ba nakuryente rin ako dahil sa pagdadaiti ng mga balat namin. My God, ang sabi ko dapat hindi ko na siya magustohan dahil sa ugali niya, pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? I know mas malakas ang kabog ng puso ko ngayon kumpara no’ng nakaraan. Ang balak kong pag-uncrush sa kaniya mukhang hindi mangyayari. Traydor naman kasi itong puso ko. Ayaw makisama! Masama na nga ang tingin ng lalaking ito sa akin, pero ito namang puso ko kumakabog pa rin para sa kaniya.

“I...”

Napatitig ako sa mga mata niyang nakatitig din sa akin. Nagsalita siya pero hindi rin niya itinuloy.

BELONGS TO HIM ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon