ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere nang makalabas kami ni Sir Arwin sa isang restaurant na nasa loob ng mall. Nag-aya kasi itong kumain na raw muna kami bago umuwi sa mansion. Tatanggi na sana ako tutal naman at hindi pa ako nagugutom, at tatlong oras na lang ay maghahaponan na rin kami. Kaso hindi pa man ako nakakapagsalita bigla na nitong sinabi na he didn’t take no for an answer daw. Kaya hayon, napilitan na rin akong sumama rito nang pumasok ito sa isang mamahaling kainan. Medyo awkward lang sa pakiramdam. Kasi... kakaiba ang mga kilos nito ngayon. I mean, masiyadong showy, caring, ganoon. Nakakailang. At isa pa, naalala ko bigla ang date na inaalok nito sa akin nang nasa casa pa ako. Siguro, kunwari isinama ako nito rito sa mall at sinabing may bibilhin lang ito pero ang totoo ay gusto talaga ako nitong i-date. Ayokong mag-assume, pero iyon ang naglalaro sa isipan ko simula pa kanina. Although, may binili nga ito kanina.
“Are you okay?”
Napalingon ako rito nang marinig ko ang tanong nito.
“Are you tired?” tanong pa nitong muli at hinawakan ang braso ko.
“Um,” bahagya akong ngumiti. “Hindi naman po, sir. Okay lang po ako,” sabi ko. “Uuwi na po ba tayo?” Tanong ko pa.
Saglit nitong itinaas ang braso upang tingnan ang suot nitong wristwatch. “Well, gusto ko pa sanang maglibot muna tayo saglit bago umuwi.” Anito.
Right. This is a date. Pinlano ito ni Sir Arwin!
“Pasensya na po kayo sir, a! Pero, kailangan na po nating bumalik sa mansion.”
“Come on. One hour pa then we’ll go home. Gusto ko lang na makasama ka pa ng—”
“Sir Arwin,” sabi ko upang putulin ang pagsasalita nito. “Sorry po. Pero, nakakahiya po kay Don Felipe. Nagtatrabaho po ako sa lolo ninyo. Baka kung ano pa ang isipin sa akin ng Don. Oras po kasi ngayon ng trabaho ko pero heto at narito ako sa mall kasama ka. Pinagbigyan ko na po kayo na samahan kayo rito.” Saad ko pa.
Hindi naman ito agad nakapagsalita at tinitigan ako sa mga mata ko.
“Kung gusto po ninyo, mauuna na lang po ako sa inyo. Magta-taxi na lang po ako.”
Nagbuntong-hininga naman ito at pilit na ngumiti kahit bakas sa mukha nito ang pagkadismaya na hindi na ako pumayag ngayon sa gusto nito.
“Alright.” Anito. “I’m sorry kung mapilit ako.”
Tumango na lang ako at hindi na nagsalita. Nagpatiuna na akong naglakad. Umagapay naman agad ito sa akin.
“Arwin!”
Napalingon ako sa babaeng tumawag sa pangalan ni Sir Arwin. Matangkad ito, sexy, maputi at kulay blonde ang buhok na nakapusod naman. Fitted dress na kulay pula ang suot nito at ilang inches na heels. In other word, magandang babae ang tumawag kay Sir Arwin. Nang balingan ko naman ito ng tingin, biglang sumilay ang malapad na ngiti nito sa mga labi.
“Luana!” Anito at kaagad na sinalubong ang babae. Nagyakap silang dalawa pagkatapos ay nagpalitan ng halik sa pisngi. “How are you?”
“I’m good. How about you?”
“I’m fine. Wait, kailan ka pa dumating dito sa Pilipinas?”
“Yesterday.” Nakangiti pa ring sagot ng babae.
Oh, she’s pretty. I mean, mukhang perfect ang babaeng ito. Mula sa maliit nitong mukha, pointed nose, rosy checks, red and kissable lips, long lashes, perfect eyebrows. Parang model ata ito sa abroad. Sa tindig pa lamang nito, e! Ang liit-liit ng baywang at walang puson. Long legged pa.
Lihim akong napabuntong-hininga nang malalim matapos kong suyurin ng tingin ang babae. Hindi naman ako na-insecure sa ganda nito. Ano lang... mukha kasi itong walking doll. Ang akala ko ay sa palabas lang ako makakakita ng ganitong kasing ganda na babae, pero mayroon din pala sa personal.
BINABASA MO ANG
BELONGS TO HIM ✓
RomanceGiulio 'Kidlat' Ortiz-Navarro & Psyche Goncalves HIM SERIES 1 *** "I believe I was made for loving you." When Psyche meet Kidlat Ortiz-Navarro, ang inaanak ng Don Felipe na siyang tumulong sa kaniya upang makapagtrabaho sa hotel na pag-aari nito, bi...