CHAPTER 46

453 22 1
                                    

KANINA pa humahaba ang leeg ko at panay ang lingon ko sa kaliwa’t kanang bahagi ng garden. Pero hindi ko naman makita si Kidlat. Kanina ko pa siya hinahanap at gustong makausap kasi sigurado akong narinig niya ang announcement ng itay kanina, pero hindi ko alam kung nasaan siya ngayon.

“Psyche!”

Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ko ang boses ni Natalija. Nakita ko naman itong nagmamadaling lumapit sa akin.

“Natalija,” sabi ko. Saka sinalubong na rin ito.

“Hoy bes! Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko kanina. Grabe! Anak ka pala ni Don Felipe! Bakit hindi mo sinabi sa akin?” saad kaagad nito nang makalapit na ito sa akin.

Ngumiti ako kasabay niyon ang pagpapakawala ko nang malalim na buntong-hininga. “Mahabang kuwento, Natalija.” Ani ko.

“Handa akong makinig kahit gaano pa kahaba ’yang kuwento mo. Gulat na gulat lang talaga ako! Hindi ako makapaniwala. Ang buong akala ko talaga ay nurse ka lang ni Don Felipe, pero...” Bigla itong tumigil sa pagsasalita at huminga rin nang malalim. “Hiningal naman ako sa mga pinagsasasabi ko,” wika pa nito na ikinatawa ko. “Waiter, pahingi ako ng isa.” Ani nito nang may dumaang waiter sa tapat namin. Walang pang-aalinlangang kumuha ito ng isang maliit na baso sa tray at kaagad na ininom. Napangiwi pa ito bigla at halos maduwal pa. “Ang pakla! Ano ba itong inumin mo?” tanong pa nito sa waiter.

“Vodkha po ’yan, Ma’am.”

“Huh? Ano’ng bodka?”

“Nako! Hindi ka kasi nagtatanong muna at umiinom ka lang nang basta-basta,” sabi ko. “Alcoholic drink ’yon.”

“Ang panget ng lasa! Akala ko kasi tubig.”

Natawa na lamang ako dahil sa hitsura nitong hindi maipinta. Parang masusuka na iwan.

“Gusto n’yo pa po, Ma’am?” tanong pa ng waiter.

“Nako! Hindi na. Sige na umalis ka na.” Saad ko sa waiter na kaagad namang umalis. “Okay ka lang ba?” tanong ko naman kay Natalija nang balilangan ko ulit ito ng tingin.

“Ang init ng lalamunan ko, bes. Pati ang mukha ko.” Ani nito at ipinangpaypay pa ang dalawang kamay sa mukha nito saka umupo sa silyang nasa likuran nito.

“Ikaw naman kasi, e! Hindi ka muna nagtatanong at basta ka na lang dumadampot ng maiinom.” Paninisi ko pa rito.

“Saglit nga lang. Gagamit lang ako ng banyo. Mamaya na lang tayo mag-usap. Nasusuka ako.” Saad nito saka muling tumayo at nagmamadaling nagkakad palayo sa akin.

Napailing na lamang ako habang sinusundan ko ito ng tingin. At mayamaya ay muli kong iginala ang aking paningin sa buong paligid. Hindi ko pa rin makita si Kidlat.

“Nasaan na kaya ang lalaking ’yon?” buntong-hiningang tanong ko sa sarili at saka naglakad na rin ako upang hanapin kung nasaan na ang lalaking ’yon.

Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Basta naglakad lang ako nang naglakad. Hanggang sa makapasok ako sa sala at nakita ko siyang naglalakad papunta sa office ng itay. Nagmamadali naman akong sinundan siya.

“Kidlat!” Tawag ko sa kaniya nang buksan ko ang pinto at pumasok ako roon. Iginala ko ang aking paningin sa loob ng opisina ng itay. At nakita ko naman siyang nakatayo sa gilid ng bintana habang nakatanaw siya sa labas at may hawak-hawak siyang baso. Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kaniya. “Hi.” Mahinang bati ko sa kaniya.

Bumuntong-hininga naman siya saka dinala sa kaniyang bibig ang baso at saglit na uminom doon. Mayamaya ay pumihit siya paharap sa akin. Seryoso ang kaniyang mukha.

BELONGS TO HIM ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon