PAGKAMULAT pa lamang ng aking mga mata, ang nakangiting mukha agad ni Luana ang una kong nakita. Nakaupo ito sa silyang nasa tapat ko.
“Hello, Psyche!”
“L-Luana?” mahinang sambit ko sa pangalan nito. Akma na sana akong kikilos sa puwesto ko, pero hindi ko naman iyon nagawa. At nang yumuko ako para tingnan ang sarili ko, ganoon na lamang ang labis na pagsasalubong ng aking mga kilay nang makita kong nakatali pala ako sa upuan. “A-Ano... Ano ang ginawa mo sa akin, Luana? Nasaan ako?” tanong ko at nag-umpisa nang salakayin ng kakaibang kaba at takot ang puso ko lalo na nang makita ko ang nakalolokong ngiti sa mga labi nito.
“Relax, Psyche! Huwag ka munang mag-panic diyan. Wala pa naman akong ginagawang masama sa ’yo.”
“Hayop ka!” pagmumura ko. “Wala akong ginawang kasalanan sa ’yo para gawin mo ito sa akin at sa tatay ko.”
“Yeah, I know,” sabi nito. “Wala ka talagang kasalanan sa akin, Psyche. Pati na rin si Tito Felipe. Gusto mo bang malaman kung bakit ko ito ginawa sa ’yo at kay Tito Felipe?” tanong pa nito at mas lalong lumapad ang nakalolokong ngiti nito sa mga labi. Mayamaya ay tumayo ito mula sa pagkakaupo sa puwesto nito. Nagparoo’t parito ito nang lakad at pagkuwa’y nagbuntong hininga nang malalim. “Well, I really love Kidlat. I know I made a mistake before. Kasalanan ko kung bakit nagkahiwalay kami noon. But I regret it kaya pinilit ko siyang magkabalikan ulit kami, pero hindi na siya pumayag, lalo na no’ng magkakilala na kayong dalawa. I did everything to win his heart back pero walang nangyari. So, I came up to this idea. Inutusan ko si Gloria na patayin si Tito Felipe at i-set up si Kidlat para kapag malaman mo na siya ang may kasalanan sa pagkamatay ng tatay mo, magagalit ka sa kaniya at kamumuhian mo siya at makikipaghiwalay ka sa kaniya. So in that way, hindi na kayo magkakabalikan at nandito naman ako para damayan si Kidlat at samantalahin ang pagiging malungkot niya dahil sa paghihiwalay ninyo. But...” ani nito at tumigil sa pagsasalita. Bumuntong hininga pa itong muli at tumigil sa paglalakad at humarap sa akin. Matalim na titig ang ipinukol nito sa akin. “Pero hindi nangyari ang plano ko dahil nagkausap na kayo kanina. So I guess I need to make my second plan. Ang patayin ka na lang din para wala na akong problema sa ’yo at madali ko na lamang magagawa ang mga plano ko kay Kidlat.” Ngumisi ito sa akin.
“Napakasama mo talaga, Luana!” tiim bagang na saad ko. “Unang beses pa lang na nakita kita sa mall, alam ko ng masama ang ugali mo, Luana.”
“Great. At least nabasa mo agad ang totoong ugali ko.” Nakangiting saad nito.
“Hayop ka! Pati ang tatay ko na walang kasalanan sa ’yo ay idinamay mo pa. Itinuring ka pa ng itay na parang anak niya tapos ito lang ang gagawin mo sa kaniya? Napakasama mo, Luana!”
Pinaikot naman nito ang mga mata at namaywang. “Wala akong pakialam kung naging mabait man sa akin si Tito Felipe. Ang mahalaga lang naman para sa akin ay mabawi ko si Kidlat. Makuha ko ulit ang puso niya at matuloy ang dapat at kasal namin noon.”
“Sa tingin mo ba, sa mga ginawa mo ngayon ay babalikan ka pa ni Kidlat, Luana?” tanong ko sa kaniya. Umiling-iling pa ako. “Kahit kailanman ay hinding-hindi ka na babalikan ni Kidlat, lalo na riyan sa ugali mo, Luana.”
Biglang naglaho ang ngiti sa mga labi nito at muling tumalim ang titig sa akin.
“Kahit patayin mo pa ako, hinding-hindi mo na makukuha si Kidlat. Dahil hindi ka na niya mahal. Ako na ang mahal ni Kidlat.”
Nagtiim bagang ito at malalaki ang mga hakbang na lumapit sa akin at walang anu-ano’y sinampal ako nang malakas. Pakiramdam ko ay nabasag bigla ang eardrum ko nang tumama sa tainga ko ang palad nito. Sobrang sakit ng pisngi ko dahil sa ginawa nito. Hindi pa ito nakuntento sa isang sampal at sinundan pa ng dalawang beses sa kabilang pisngi ko naman.
BINABASA MO ANG
BELONGS TO HIM ✓
RomanceGiulio 'Kidlat' Ortiz-Navarro & Psyche Goncalves HIM SERIES 1 *** "I believe I was made for loving you." When Psyche meet Kidlat Ortiz-Navarro, ang inaanak ng Don Felipe na siyang tumulong sa kaniya upang makapagtrabaho sa hotel na pag-aari nito, bi...