KULANG na kulang ang dalawang araw na bakasyon namin ni Kidlat kasama ang mga kapatid at kaibigan niya. Pero kahit ganoon pa man ay labis akong nag-enjoy sa bakasyon naming iyon. Lalo pa at nag-uumapaw sa kaligayahan ang puso ko dahil sa pagpo-proposed sa akin ni Kidlat. Kung sana nga lang ay wala pa akong pasok sa school, maglalambing ako sa kaniya na manatili pa kami sa isla ng ilang araw pa. Pero kailangan na naming umuwi.
Gabi na nang makarating kami sa mansion. Excited na excited akong makausap si itay dahil sa nangyaring proposal sa akin ng irog ko.
Nang makababa kami ni Kidlat sa kotse niya, kaagad na sumalubong sa amin si Natalija. Malapad ang ngiti sa mga labi ko nang yakapin ko ito.
“Ang saya-saya mo yata ngayon, amiga?” kunot ang noo pero nakangiti namang tanong nito sa akin.
“Masaya kasi ang bakasyon namin ni Kidlat,” sabi ko at binalingan ng tingin si Kidlat na nasa likuran ko. “Si itay pala bes, nasaan?” tanong ko.
“Nasa silid niya na. Nagpapahinga na yata.”
“Pupuntahan ko muna siya,” sabi ko. “Babe, mauna ka ng pumanhik sa kuwarto mo. Pupuntahan ko lang si itay,” wika ko pa kay Kidlat.
Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang baywang ko. “Ayaw mo bang samahan kita?” tanong niya.
Umawang ang labi ko. Gusto ko sanang sumama rin siya, pero naisip ko, ako na muna ang kakausap kay itay. Puwede naman silang mag-usap bukas patungkol sa napag-usapan nila nang dumating siya galing Spain.
“Puwede bang ako na lang muna?” malambing na balik na tanong ko sa kaniya.
Ngumiti naman siya sa akin ng matamis at masuyong pinisil ang baba ko. “Alright,” sabi niya.
Napalingon naman kami kay Natalija nang mayamaya ay tumikhim ito. “Ang sweet nila, o! Kaunting respeto naman sa single na nasa tabi-tabi,” ani nito at kunwari ay inismiran kami ni Kidlat. “Ako na nga ang mag-a-adjust. Makaalis na nga.” Mabilis itong tumalikod at naglakad palayo.
Nagkatinginan naman kami ni Kidlat at pagkuwa’y sabay na natawa.
“Ang bitter talaga ng babaeng ’yon!”
“Arn likes her.”
“Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ko. Wala akong idea tungkol doon, e. I mean, napapansin ko na ang mga tinginan ni Arn kay Natalija sa tuwing magpupunta rito sa mansion si Arn, pero hindi ko naman iyon binigyan ng pansin, lalo pa at may kalandian si Natalija na classmate namin.
Tumango si Kidlat. “Torpe lang talaga ang isang ’yon,” sabi niya.
“Ayon lang,” sabi ko. “Sige na, babe. Umakyat ka na lang sa kuwarto mo. Susunod ako. Pupuntahan ko lang si itay.” Mayamaya ay saad ko.
“Alright.” Binitawan naman niya ang baywang ko saka ako naglakad papunta sa kuwarto ng itay.
Pagkapasok ko sa silid ng itay, nakita ko naman siyang nakahiga na pero hindi pa naman natutulog. Nakatitig lang ito sa kisame at tila ba hinihintay ang pagdating ko.
“Itay!” tawag ko rito.
Nagbaling naman agad ng paningin sa akin ang itay. Mabilis na sumilay ang ngiti sa mga labi nito.
“Sweetheart. Narito ka na pala!”
“Bakit gising ka pa po, tatay ko?” tanong ko.
“I was waiting for you.”
Nang makalapit ako sa kama nito ay umupo ako sa gilid niyon. Akma na sanang kikilos ang itay para bumangon, pero pinigilan ko. “Huwag na po kayo umupo, itay.”
BINABASA MO ANG
BELONGS TO HIM ✓
RomanceGiulio 'Kidlat' Ortiz-Navarro & Psyche Goncalves HIM SERIES 1 *** "I believe I was made for loving you." When Psyche meet Kidlat Ortiz-Navarro, ang inaanak ng Don Felipe na siyang tumulong sa kaniya upang makapagtrabaho sa hotel na pag-aari nito, bi...