CHAPTER 65

357 8 0
                                    

NAPAUNGOL ako nang bahagyang kagatin ni Kidlat ang pang-ilalim kong labi. Tila nanggigigil siya. Pero hindi naman ako nasaktan. Hinawakan niya ang mga kamay ko at dinala niya iyon sa itaas ng ulo ko. Mayamaya ay malalim at mabigat na paghinga na may kasama pa ring ungol ang pinakawalan ko nang bitawan niya ang mga labi ko at bumaba ang halik niya sa baba ko, papunta sa leeg ko. Damn. Mag-iisang taon na lamang kaming magkarelasyon ni Kidlat, pero ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Feeling ko ay unti-unting nilalamon ng init ang buong katawan ko. Ang paraan ng pag-angkin niya sa mga labi ko ay kakaiba sa paraan ng mga halik na ibinibigay niya sa akin dati. Para bang ingat na ingat siya dati dahil alam nga niyang hindi pa ako handa na gawin namin ang bagay na ito. Pero ngayong ako na mismo ang nagbigay sa kaniya ng go signal na handa na akong isuko sa kaniya ang bataan ko, ibang level ng halik ang ibinigay niya sa akin. Kumbaga, from level 10 to level 100 agad.

Muli akong napaungol nang maramdaman kong binitawan niya ang kamay ko at bigla niyang hinawakan ang kanang dibdib ko. Shit. For the first time nahawakan ni Kidlat ang korona ko. At bigla akong nakiliti na nahiya dahil sa ginawa niyang iyon.

“Ohhh, Kidlat!” muli akong nagpakawala ng malalim na paghinga.

“Do you like it, baby?” tanong niya sa gitna ng paghalik niya sa leeg at ibabaw ng dibdib ko.

Hindi ko nagawang magsalita upang sagutin ang tanong niya dahil sa kakaibang sensasyong nararamdaman ko ngayon, pero tumango ako.

Mayamaya ay tumigil siya sa paghalik sa akin at umangat siya. Malapad ang ngiti sa mga labi niya nang titigan niya ako.

“Are you sure you’re ready for this, baby?”

Nakagat ko naman ang ilalim na labi ko at ngumiti sa kaniya at masuyong tumango.

“Oh, damn it. Wala ng bawian, Psyche. Ang tagal kong naghintay at nagtiis para mangyari ito.”

Mas lalo akong napangiti. “Thank you sa paghihintay at pagtitiis, mahal ko.”

“Because I love you.”

“At mahal na mahal din kita, Kidlat ko.”

Muli siyang dumukwang sa akin at muling inangkin ang mga labi ko. Mas lalo akong nakadama ng kakaibang init sa katawan ko dahil sa klase ng mga halik ni Kidlat sa akin. Isama pa ang matigas na bagay na bahagya niyang idinidiin sa ibabaw ng puson ko. Damn. Is that his little buddy? Parang ang laki naman yata? Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na kabahan... and at the same time, excited din naman ako para sa bagay na ito. It’s my first time kung—

“Oh, shit. I’m sorry.”

Bigla naghiwalay ang mga labi namin ni Kidlat at napatingin kami sa bumukas na pinto.

“Guilherme?” anang Kidlat.

Bigla namang sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi ni Ulap. “I’m sorry,” nakangiting sabi nito.

Damn. Bigla akong nahiya! Nakita ni Ulap ang ginagawa namin ni Kidlat. Oh, holy lordy! Parang gusto ko tuloy lumubog sa kama para mawala ako sa paningin ng kakambal ni Kidlat. Hiyang-hiya ako! Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha ko dahil sa pagkapahiya. My God! Bakit nakalimutan naming i-lock ang pinto? Paano pala kung pareho na kaming nakahubad ni Kidlat? Diyos na mahabagin.

“Fuck, Guilherme! What are you doing here?” galit na tanong niya sa kaniyang kapatid, pagkuwa’y umalis sa ibabaw ko.

Ako naman ay napapahiya pa ring tumagilid upang tumalikod at itago kay Ulap ang namumula kong mukha.

“Sebas told me na narito ka raw. Pero hindi niya naman sinabi sa akin na kasama mo pala si Psyche.”

Hindi ko man makita ang hitsura ngayon ni Ulap, pero alam ko na nakalolokong ngiti ang nakasilay sa mga labi nito habang nakatingin sa amin ni Kidlat.

BELONGS TO HIM ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon