“HELLO PO SIR ULAP!” nakangiti at masiglang bati ng babae na nakapuwesto sa tapat ng isang mesa. Inayos pa nito ang buhok at tumayo sa puwesto nito.
“Hello there... sexy, Aly,” sabi ng binata na may matamis ding ngiti sa mga labi nito. Kinindatan pa nito ang babae.
Kinikilig namang nagtakip ng bibig ang babae. “Nako, si Sir Ulap po talaga. Alam ko naman pong sexy ako kaya hindi n’yo na po kailangang sabihin sa akin everytime na pupunta po kayo rito sa office.”
Nagkibit-balikat naman ang binata. “Well I can’t help myself from praising the beautiful and sexy lady standing in front of me.” Kumindat pa itong muli na siyang lalong ikinakilig ng babae. “So, is your boss in his office?” mayamaya ay tanong din nito.
“Opo. Nasa loob po si Sir Giulio.”
“Alright. Thanks.” Saka ito naglakad palapit sa nakasaradong pinto ng opisina ng kaniyang kapatid. Tatlong beses na kumatok doon ang binata bago hinawakan ang doorknob at binuksan iyon. “Hey, Mr. CEO!” bungad nito sa kapatid.
Kaagad namang nag-angat ng mukha niya si Kidlat nang marinig niya ang boses ng kaniyang kapatid. Kunot ang noo na tumitig siya rito. “What are you doing here?” tanong niya.
“Seriously? Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita tapos ganiyan agad ang tanong mo sa ’kin? Don’t you miss me?” nakangiti pa ito ng nakakaloko saka umupo sa visitor’s chair na nasa gilid ng mesa.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya sa ere at muling ibinalik ang atensyon sa ginagawang trabaho. Knowing his brother, alam niyang mangungulit na naman ito sa kaniya. Well, kailan ba ito nagpunta sa opisina niya na negosyo ang sadya sa kaniya? Lagi lang naman ito nangungulit na parang batang maliit.
“Wala akong panahon para sa pang-iisturbo mo ngayon, Guilherme. If you don’t want me to kick your ass, you’d better just leave my office. Don’t you see, I’m busy with my work?”
“Come on, hindi naman ako nagpunta rito para abalahin ka. Ano ang akala mo sa ’kin... batang maliit na—”
“Exaclty,” sabi niya hindi pa man ito tapos sa pagsasalita. “Umalis ka na kung wala ka naman importanteng sasabihin.” Dagdag pa niya at saglit na tinapunan ng tingin ang kapatid bago muling ipinagpatuloy ang trabaho.
Bahagya namang tumawa ng pagak si Ulap. “Masiyado ka namang seryoso sa buhay mo kapatid.” Anito at dumekwatro. Inilibot pa ang paningin nito sa buong opisina ni Kidlat. “Masiyado mo na talagang siniseryoso ang pagiging businessman, a! Look at you, mukhang wala ka ng social life at lagi ka na lang nagkukulong dito sa apat na sulok na ito.”
Muli siyang nagpakawala nang malalim na paghinga at inabot niya ang intercom na nasa gilid ng mesa niya. “Aly, call the security guard para palayasin ang surot na ito.”
“Hey! Ang baho naman ng surot.” Pag-alma agad nito sa sinabi niya. “Puwede namang... guwapong nilalang.” Nagtaas-baba pa ang mga kilay nito habang may nakakalokong ngiti sa mga labi.
Nagtitimping binitawan niya ang hawak na ballpen ganoon na rin ang mga papeles na kanina pa niya binabasa at pinipirmahan. Sumandal siya sa kaniyang swivel chair at seryosong tinitigan ang kaniyang kapatid.
“Alright. Just chill... for a sec.” Anang Ulap.
Nagtiim-bagang lang naman siya.
“Okay. Okay. Masiyado ka namang hot. I mean, mainitin ang ulo,” sabi nito. “Nagpunta lang naman ako rito kasi may ipinapabigay si Sky sa ’yo.” Anito at may inilapag sa mesa na flash drive.
Nagsalubong naman ang kaniyang mga kilay nang tapunan niya ng tingin ang bagay na iyon. “What is that?”
“Files.”
BINABASA MO ANG
BELONGS TO HIM ✓
RomanceGiulio 'Kidlat' Ortiz-Navarro & Psyche Goncalves HIM SERIES 1 *** "I believe I was made for loving you." When Psyche meet Kidlat Ortiz-Navarro, ang inaanak ng Don Felipe na siyang tumulong sa kaniya upang makapagtrabaho sa hotel na pag-aari nito, bi...