“SAAN mo ba ako dadalhin, Kidlat?” tanong ko sa kaniya habang nasa front seat ako at siya naman ang nagmamaneho sa kaniyang sasakyan.
“It’s a surprise, baby.” Nakangiting saad niya nang saglit niya akong nilingon.
Bahagya akong bumuntong-hininga. “Kanina mo pa sinasabi ’yan kaya mas lalo akong kinakabahan kung ano ba talaga ang surprise mo para sa akin,” wika ko sa kaniya. “Hindi ba puwedeng bigyan mo ako ng clue?”
“Baby, kung bibigyan kita ng clue, that means hindi na ’yon surprise.” Nakangiti pa ring saad niya.
Napairap naman ako at muling itinuon na lamang sa labas ng bintana ang aking paningin. Halos twenty minutes na kaming nasa biyahe at hindi ko alam kung nasaan na kami ngayon. Hindi pamilyar sa akin ang dinadaanan namin.
“Are you hungry?” tanong niya mayamaya.
Lumingon naman ako ulit sa kaniya nang kunin niya ang kamay ko na nasa kandungan ko at ipinagsalikop niya ang mga palad namin.
“Hindi pa naman masiyado. Kumain kami ni Natalija bago umalis sa bahay, e!”
“Okay.” Saad lamang niya saka dinala sa tapat ng bibig niya ang mga kamay namin ay hinagkan niya ang likod ng palad ko. “I missed you, baby.”
Napangiti ako. “Hindi mo alam kung gaano kita namiss, Mr. Ortiz-Navarro.”
“I know. Hindi ka magagalit sa akin kung hindi mo ako na-miss nang sobra.”
Inirapan ko siya habang nakangiti pa rin. “Pasalamat ka at mahal na mahal kita. Kasi kung hindi, nako, kahit habang buhay mo pa akong suyuin hindi kita kikibuin.”
“Thank you for loving me, Ms. Da Silva.”
Napahagikhik na ako nang ngumuso siya sa akin. Hindi naman ako nagdalawang-isip na dumukwang palapit sa kaniya at hinalikan siya sa kaniyang mga labi.
“I love you, baby.”
“Mahal din kita.” Kumilos ako sa puwesto ko upang lumapit sa kaniya at ipinilig ko sa kaniyang balikat ang aking ulo. Naramdaman ko pang hinalikan niya ang noo ko.
Ilang minuto pa ang naging biyahe namin bago kami nakarating sa isang hotel. Nang makababa siya sa driver’s seat ay nagmamadali siyang umikot papunta sa puwesto ko at pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan ding makababa.
“Imperial Palace?” nang mabasa ko ang pangalan ng hotel na pinuntahan namin. Kunot ang noo na binalingan ko siya ng tingin. “Bakit nandito tayo?” tanong ko sa kaniya.
“Nasa loob ang surprise ko para sa ’yo.”
“Dito sa hotel na ito?”
“Yeah.” Tipid na sagot niya saka iniabot sa valet attendant ang susi ng kaniyang kotse upang ipa-park iyon sa parking lot. “Let’s go inside.” Hinawakan niya ang baywang ko saka iginiya na papunta sa entrance.
Hindi na ako umimik sa kaniya at nagpatianod na lamang. Nang makapasok kami sa lobby ay kaagad na may sumalubong sa amin na isang babae at iginiya kami papunta sa elevator hanggang sa makapasok kami roon.
“Kinakabahan ako lalo, Kidlat.” Bulong ko sa kaniya.
Tumingin naman siya sa akin at ngumiti pagkuwa’y hinalikan ang pisngi ko. “Relax, baby. Wala naman akong gagawin sa ’yong hindi maganda.”
“Sigurado ka, a! Baka mamaya may binabalak ka kaya dinala mo ako rito.”
Tumawa lamang siya ng pagak at muling hinagkan ang noo ko at masuyong humaplos ang palad niya na nasa likod ko.
BINABASA MO ANG
BELONGS TO HIM ✓
RomanceGiulio 'Kidlat' Ortiz-Navarro & Psyche Goncalves HIM SERIES 1 *** "I believe I was made for loving you." When Psyche meet Kidlat Ortiz-Navarro, ang inaanak ng Don Felipe na siyang tumulong sa kaniya upang makapagtrabaho sa hotel na pag-aari nito, bi...