CHAPTER 53

342 13 0
                                    

“PSYCHE is your girlfriend?” tanong ni Ulap sa kaniyang kapatid.

Nakatalikod man ako mula kay Kidlat, pero naramdaman kong naglakad siya palapit sa puwesto namin, hanggang sa umalis sa tabi ko si Arn at doon naman siya tumayo sa gilid ko.

“Psyche is my girlfriend,” sabi niya.

“Oh, so, siya pala ang sinasabi mong girlfriend mo na inaway ka no’ng nakaraan?” tanong naman ni Arn.

Kunot ang noo na nilingon ko siya. At ang loko, ngumiti sa akin ng malapad at matamis. Ugh, hindi ako makukuha sa pangiti-ngiti niyang iyon. Inismiran ko siya pagkuwa’y tumayo ako sa puwesto ko.

“Halika na, Natalija! Umuwi na tayo.” Inis na saad ko.

“Huh? W-Wait, baby. Where are you going?” tanong niya sa akin nang hawakan niya ako sa braso ko upang pigilan sa aking akmang pag-alis.

Pumihit ako paharap sa kaniya. “Bitawan mo ako!” mahina ngunit mariing saad ko sa kaniya.

“But—”

“Ang sabi ko, bitawan mo ako.” Ulit na saad ko sa kaniya.

Naramdaman ko namang lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko hanggang sa binitawan niya nga ako. Tumalikod ako ulit.

“Baby, are you mad at me?” tanong niya ulit habang nakasunod na siya sa akin.

“Hindi ako galit sa ’yo, Kidlat,” wika ko. “Nagagalit at naiinis ako sa ’yo.” Dagdag ko pa nang lingunin ko siya ulit habang patuloy pa rin ako sa paglalakad ko.

Nagsalubong naman ang mga kilay niya. “What? Why? What did I do?”

Aba! Ilang araw siyang nawala nang walang paalam sa akin, walang paramdaman sa akin, tapos ngayon babalik siya na parang wala lang at magtatanong siya kung ano ang nagawa niya kung bakit ako nagagalit at naiinis sa kaniya? Loko pala ang lalaking ito, e! Ang sarap niyang upakan.

Huminto ako at tiim-bagang na muling tiningnan siya. “Hindi ka aware kung ano ang kasalanan mo sa akin Mr. Ortiz-Navarro?” mas lalo akong nainis sa kaniya.

“Um,” aniya at tila nag-isip pa.

Mas lalong kumulo ang dugo ko sa kaniya. “Walang-hiya ka!” hinampas ko siya sa dibdib niya. “Pagkatapos mong umalis at mawala ng tatlong araw na hindi man lang nagpapaalam sa akin at hindi ka man lang nagti-text o tumatawag sa akin, tapos ngayon tatanungin mo ako kung ano ang nagawa mong kasalanan sa akin?” naghalo na ang inis at galit ko sa kaniya. Muli ko siyang hinampas sa dibdib niya. Nang pangatlong beses na, hinawakan na niya ang kamay ko upang pigilan ako.

“I’m sorry!”

“Ah, buwesit! Ayoko ng sorry mo.” Galit pa ring saad ko sa kaniya.

Medyo nakakuha na kami ng atensyon ng mga customer na narito sa swimming pool area. Nagtitinginan na sa amin at nagtataka kung bakit kami nag-aaway.

“Bitawan mo ako!”

“I’m sorry.”

“Sabing bitawan mo ako, e!” Singhal ko sa kaniya at nang mabawi ko sa kaniya ang mga kamay ko, kaagad akong tumalikod at nagmamaktol ng naglakad palayo. Pero nagulat ako nang bigla akong umangat sa ere. Ang walang-hiyang lalaking ito ay bigla akong pinangko. “Ahhh! Ibaba mo ako, Kidlat.”

“I won’t.”

“Ibaba mo sabi ako, e!” Naiinis na saad ko ulit sa kaniya at pinaghahampas ang dibdib at balikat niya.

Pero hindi niya ako pinakinggan, sa halip ay nagtuloy lamang siya sa kaniyang paglalakad hanggang sa makapasok kami sa hotel.

“Saan mo ba ako dadalhin, huh?” inis pa ring tanong ko sa kaniya.

BELONGS TO HIM ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon