CHAPTER 67

999 19 7
                                    

MULA sa pagkakaupo ko sa tapat ng aking lamesa na noo’y mesa ng itay nang nagtatrabaho pa ito rito sa Casa, dali-dali akong tumayo at pumasok sa banyo at sa lababo ay nagduduwal ako. Ewan ko kung ano ang nagyayari sa akin ngayon. Ilang araw na akong ganito. Sa umaga, pagkagising ko ay ganoon din ang pakiramdam ko. Nagduduwal ako pero wala namang may lumalabas sa bibig ko. Parang ang bigat ng pakiramdam ko, pero wala naman akong sakit. Tamad na tamad din akong kumilos na dati naman ay hindi ako ganito. Mas gusto ko pa ngang laging productive ang araw ko. Pero nitong mga nakaraang dalawang araw, mas gusto ko pang laging nasa kama ko at natutulog. Pero pinipilit ko lang ang sarili ko na bumangon kasi may klase ako sa umaga. Hindi ako puwedeng mag-absent, at sa hapon naman ay pumapasok pa ako sa Casa.

“Psyche!”

Narinig ko ang boses ni Ate She. Kaagad ko namang inayos ang sarili ko at pagkatapos ay lumabas ako sa banyo.

“Ate,” sabi ko.

Oh! Okay na pala kaming dalawa pati ni Jass. Dati, no’ng nasa ospital pa kami ng itay, bumisita sila ni Jass doon para kumustahin ang kalagayan namin. At simula no’ng araw na iyon, nang magkausap kami nang masinsinan at magkapatawaran sa mga nangyari noon, naging okay na kami. Nag-resign na nga rin ito noon dahil nahihiya raw ito sa akin at kay itay, pero ako ang nag-insist na pabalikin ito. Ito pa rin ang manager ng Bar. At ayaw na rin nitong magpatawag sa akin ng ma’am, kaya Ate She na ang tawag ko rito ngayon.

“Okay ka lang ba?” kunot ang noo na tanong nito sa akin.

Banayad ngunit malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko sa ere at naglakad palapit sa sofa. Roon ako umupo. “Ewan ko. Mabigat na naman ang pakiramdam ko.”

“May sakit ka ba?” tanong pa nito at lumapit din sa akin. Hinawakan nito ang noo at leeg ko. “Hindi ka naman mainit. Pero namumutla ka.”

“Ewan ko kung ano ang nangyayari sa akin, Ate She. Ilang araw na akong ganito. Lagi akong nagsusuka sa umaga at mabigat ang pakiramdam ko. Kahit sa hapon, nagsusuka rin ako.” Saad ko.

Napatitig naman ito sa mukha ko. “Teka. Kailan ka pa dinatnan?”

Saglit din akong natigilan at inisip ang sagot sa tanong nito. “Parang... last month yata,” sagot ko. “Ewan ko, ate. Nakalimutan ko.”

Oh, ngayon lang nangyari ito sa akin. Hindi ko naman nakakalimutan ang araw o petsa ng dalaw ko. Marahil kasi masiyado na akong naging busy nitong mga nakaraang linggo kaya nawala na rin sa isipan ko ang tungkol doon.

Bigla namang sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi ni Ate She. “My God!” sambit nito. “Buntis ka, Psyche!”

Bigla akong natigilan. Parang pakiramdam ko ay nabingi ako dahil sa sinabi nito. Ano raw? Ako, buntis? Dahil sa sinabing iyon ni Ate She, naramdaman ko ang unti-unting pagkabog nang puso ko hanggang sa lumakas iyon nang lumakas.

“B-Buntis? A-Ako... buntis ako, Ate She?” nauutal at hindi makapaniwalang tanong ko. Ewan, pero biglang naghalo-halo ang emosyong nararamdaman ko ngayon.

“Ang sabi mo ay noong nakaraang buwan ka pa dinatnan ng dalaw mo at nakakaramdam ka ng mga signs ng nagbubuntis. I’m sure na buntis ka nga, Psyche,” nakangiti pang saad nito.

Bigla ko namang naalala ang unang beses na may nangyari sa amin ni Kidlat. That was more than two months ago. Ang buong akala ko nga ay pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na ulit namin gagawin iyon, pero mali pala ako. Pagkatapos ng gabing iyon, sunod-sunod ng may nangyayari sa amin ni Kidlat. So hindi nga imposible na buntis na ako ngayon. Kagaya sa rason kung bakit isinuko ko kay Kidlat ang sarili ko. Dahil hiling ng itay ay magkaroon na ito ng apo sa amin ni Kidlat.

Hindi ko napigilan ang pag-iinit sa sulok ng mga mata ko. Alam kong dahil ito sa labis na kaligayahan na nararamdaman ng puso ko ngayon.

Oh, magiging mommy na ako? Magiging daddy na si Kidlat.

BELONGS TO HIM ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon