PINUNASAN ko ang mga luhang mabilis na namalisbis sa aking mga pisngi. Nanginginig pa rin ang kalamnan ko dahil sa galit ko sa kaniya. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere upang paluwagin ang naninikip kong dibdib. Diyos ko! Ano ba ang pumasok sa isipan niya para paratangan ako ng ganoon? Hindi niya ako kilala, so bakit siya magsasalita sa akin ng ganoon?
Simula nang unang araw na tinulungan ako ng Don Felipe na makapasok sa Casa de Esperanza, kahit kailanman ay hindi sumagi sa isipan ko na gamitin o abusuhin ang kabaitan ng matanda para lang makakuha ako ng pera mula rito. Alam ng Diyos iyon. Kaya nga hindi ko matanggap ang tulong na ibinibigay sa akin ng Don kasi nahihiya ako at labis na tulong na para sa akin ang pagbibigay nito sa akin ng trabaho sa hotel.
Tapos ang Kidlat na ’yon ay ganoon ang sasabihin sa akin?
Are you flirting with him?
You’re doing this because of his money, right?
How much money do you need para tigilan mo na ang matandang ’yon at umalis ka na lang dito?
Five hundred thousand? One million? Name your price.
Bumuntong-hininga akong muli. Parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig sa aking isipan ang mga kataga niya kanina.
“Psyche!”
Bigla akong napahinto sa paglalakad ko papunta sa lobby nang may tumawag sa pangalan ko. Napalingon naman ako sa may elevator at doon ay nakita ko si Sir Arwin. Nakangiti ito nang malapad at nagmamadaling lumapit sa akin.
Kaagad ko namang pinatuyo ang mga luha sa pisngi ko.
“Hey!”
“H-hi.” Bati ko rito at tipid akong ngumiti.
“How are you? Ilang araw tayong hindi nagkita.”
“Okay naman. Ikaw, kumusta?”
Nagkibit naman ito ng mga balikat. “I’m good. Actually, kakarating ko lang kanina galing London.”
Uh, kaya pala ilang araw ko itong hindi nakita.
“Wait, are you okay? Did you cry?” mayamaya ay kunot ang noo na tanong nito nang mapatitig ito sa mga mata ko.
Nag-iwas naman ako rito ng tingin. “Okay lang ako,” sabi ko.
“Are you sure? Mukhang... umiiyak ka?!”
“Hindi. Napuwing lang ako.” Pagdadahilan ko pa. “So, paano... mauuna na rin ako. Kailangan ko ng umuwi, e!”
Akma na sana akong maglalakad upang lagpasan ito, pero pinigilan naman ako nito sa palapulsuhan ko.
“Wait. Uuwi ka kaagad?” tanong nito. “Kanina pa kita hinahanap, e!”
“B-bakit?”
“Aayain sana kitang kumain sa labas. I mean, I just want to treat you. Pasasalamat lang dahil sa pagtulong mo sa akin sa dance practice ko. You know, hindi kita na-i-treat bago ako umalis no’ng isang araw.”
“Nako, okay lang, Sir Arwin. Huwag mo na akong i-libre. Okay lang naman ’yon at masaya akong nasamahan kitang mag-practice.”
“I insist. Please!” Ngumiti pa ito lalo at nag-puppy eyes sa akin. Nagpapa-cute.
Hay! Manang-mana nga ito sa lolo nito. Hindi tumatanggap ng No answer. Kapag gusto nito, dapat iyon ang masusunod.
“I just wanted to treat you, ’yon lang ’yon. Kung nag-aalinlangan ka at may iba kang iniisip bukod sa gusto kitang pasalamatan dahil sa tulong mo sa akin.” Turan pa nito.
BINABASA MO ANG
BELONGS TO HIM ✓
RomanceGiulio 'Kidlat' Ortiz-Navarro & Psyche Goncalves HIM SERIES 1 *** "I believe I was made for loving you." When Psyche meet Kidlat Ortiz-Navarro, ang inaanak ng Don Felipe na siyang tumulong sa kaniya upang makapagtrabaho sa hotel na pag-aari nito, bi...