CHAPTER 11

561 32 7
                                    

“T-TULONG!” Sigaw ko nang bahagya akong makaangat sa tubig. Pero mayamaya ay lumubog ulit ako at nakainom ako ng maraming tubig.

Oh, Diyos ko! Tulungan n’yo po ako. Hindi na ako makahinga nang maayos. Kahit nahihirapan ay patuloy pa rin ang pagkawag ng mga kamay ko upang humingi ng saklolo.

Mayamaya ay may naramdaman naman akong braso na pumulupot sa baywang ko at hinila ako paangat sa tubig. Doon, malakas na paghinga ang pinakawalan ko at sunod-sunod na pag-ubo ang ginawa ko. Ang lakas nang kabog ng puso ko dahil sa labis na takot. Ang buong akala ko, sa dami ng tao rito sa swimming pool ay walang may tutulong sa akin. But thank God, may humablot sa baywang ko at dinala ako sa gilid ng pool.

“Are you okay, Psyche?”

Kahit nahihirapan pang huminga at masakit ang dibdib at lalamunan ko, nilingon ko ang lalaking nagligtas sa akin. Kitang-kita ko sa mukha ni Sir Arwin ang labis na pag-aalala para sa akin.

Yeah. Sir Arwin saved my life. At ang damuhong masungit na ’yon... nasa gilid lang ng pool at seryosong nakatingin sa akin.

Ano ba ang gusto niyang mangyari sa akin? Mawalan ng trabaho o mawalan ng buhay? Grabe naman ata ang ugali niya para gawin niya ito sa akin!

“S-salamat. Salamat... Sir Arwin.” Naluluhang sabi ko.

“That’s alright. Come.” Anito at inalalayan na akong makaakyat sa gilid ng swimming pool.

Lahat ng taong narito ngayon ay nakatingin sa akin dahil sa nangyari. Maging si Xia na nasa puwesto namin kanina ay nagmamadali na ring lumapit sa akin. Lumuhod ito sa tiles upang pantayan at daluhan ako. Hinagod-hagod pa nito ang likod ko.

“Bess.” Nasa mukha rin nito ang labis na pag-aalala. “Ano ang nangyari?” tanong pa nito.

Pero hindi naman ako makasagot dahil nananakit pa ang dibdib ko.

“Here, use my towel.” Anang Sir Arwin at ipinatong sa mga balikat ko ang towel nito.

“T-thank you!”

“Come on, dadalhin kita sa clinic.”

“H-hindi na Sir—”

“I insist.” Anito at inalalayan akong makatayo mula sa pagkakaupo ko sa tiles.

Mayamaya ay nagulat ako nang bigla ako nitong pinangko. Aalma na sana ako dahil nakakahiya naman dito, pero wala na rin akong nagawa nang mag-umpisa na itong maglakad. Sumama na rin si Xia sa amin.

Habang papalayo na kami sa pool area, muli akong napatingin sa kinaroroonan ni Kidlat... nakita ko siyang umahon na sa tubig at dinampot ang kaniyang gamit na naroon sa ibabaw ng lounge chair at umalis na rin doon.

Lihim na lamang akong nagpakawala nang malalim na buntong-hininga at itinapon sa malayo ang aking paningin, hanggang sa makarating kami sa clinic ng Hotel. Dahil si Sir Arwin ang nagdala sa akin dito, kaagad akong inasikaso ng nurse.

Nakaupo ako sa hospital bed habang iniinspeksyon ako ng nurse. Sa totoo lang, hindi naman na kailangan na dalhin ako rito kasi wala naman ako ibang naramdaman sa sarili ko kun’di ang labis na takot lang sa pag-aakala kong malulunod na ako kanina. Hindi na rin ganoon kasakit ang dibdib at lalamunan ko, pero nag-insist naman si Sir Arwin kaya wala na rin akong nagawa. Hindi na ako nakatanggi.

“Sige bess, babalik na ako sa puwesto natin. Kita na lang tayo mamaya.” Paalam sa akin ni Xia na sinagot ko naman ng tango at tipid na ngiti bago ito tuluyang lumabas ng clinic.

“Are you okay now?” tanong naman sa akin ni Sir Arwin nang umalis na rin ang nurse. Nakatayo lamang ito sa gilid ko.

Bahagya akong tumango. “Salamat ulit, Sir Arwin,” sabi ko at tipid ding ngumiti.

BELONGS TO HIM ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon