NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman kong may palad ang masuyong humahaplos sa balikat ko at panaka-nakang humahalik sa pisngi ko. Nang magmulat ako ng aking mga mata, bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ko ang anino ng lalaking nakaupo sa gilid ng kama ko. At dahil dim lamang ang ilaw sa loob ng kuwarto ko kaya hindi ko agad nakilala kung sino ang lalaking ito. Pero nang mag-adjust na ang paningin ko, nakita ko na ang mukha ni Kidlat habang mataman siyang nakatunghay sa akin.
“K-Kidlat?” mahinang sambit ko sa pangalan niya. At kikilos na sana ako sa puwesto ko para bumangon, pero pinigilan niya naman ako.
“Shhh! Just stay, baby.”
Umayos ako sa puwesto ko. Mayamaya ay narinig ko naman ang pagsinghot niya kaya napakunot uli ang noo ko.
“U-Umiiyak ka ba?” tanong ko sa kaniya.
“No I’m not,” sagot niya. Pero muli siyang suminghot.
“Umiiyak ka, e!”
“I’m not. I’m just a little bit... Drunk.”
At doon ko nga lang din na amoy ang amoy alak niyang paghinga. Kumilos ako sa puwesto ko upang umupo at magpantay kami. “Naglasing ka?” tanong ko pa sa kaniya.
Bumuntong-hininga naman siya at umayos din sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama ko. “Are you still mad at me, baby?” sa halip ay balik na tanong niya sa akin. “Nagseselos ka pa rin ba?”
Oh! So naglasing siya dahil sa akin? Kasi nagkasagutan kami kanina roon sa opisina ng itay? Bumuntong-hininga rin ako. “Kidlat,” sabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya. Kahit hindi ko man maaninag nang husto ang mukha at mga mata niya, tinitigan ko pa rin siya ng mataman. “Bilang babae, bilang girlfriend mo, hindi mo naman kasi ako masisisi kung bakit nagalit at nagselos ako kanina dahil kay Luana. Ex mo ’yon, e! May nakaraan kayo,” malumanay na sabi ko sa kaniya. “Kung ikaw rin ang nasa posisyon ko, hindi ba’t magseselos ka rin kung makita mo akong may kausap na ibang lalaki, na sumasandal sa balikat ko, hinaplos-haplos ang braso ko at tatawagin akong babe! Hindi ba’t ganoon din naman ang mararamdaman mo?” mahinang tanong ko pa sa kaniya. Banayad na buntong-hininga ang muli kong pinakawalan sa ere. “Nasaktan lang ako kanina kaya nagselos ako, kaya... Kaya nagkasagutan tayo. Naiintindihan mo naman ako, hindi ba?”
Dahan-dahan naman siyang tumango kasabay niyon ang pagbuntong-hininga niya ulit ng malalim. Kumilos ang isang kamay niya at hinawakan din ang kamay ko na nakahawak sa isang kamay niya. Masuyo niyang pinisil-pisil ang palad ko. “That’s why I’m sorry,” aniya. “I’m sorry kung hinahayaan ko si Luana na dumikit sa akin at tawagin pa rin akong babe. I’m sorry kung nagselos ka dahil doon. But I swear to God, wala akong plano na sumama sa kaniya sa reunion na ’yon kasi ayokong iyon pa ang maging dahilan ng pag-aaway natin. Ayokong mag-away tayo.” Ramdam ko ang lungkot sa kaniyang tinig habang binibigkas niya ang mga katagang iyon.
“Ayoko rin naman na mag-away tayo, Kidlat.” Saad ko at tipid akong ngumiti sa kaniya.
“So, are we good now? Hindi ka na galit sa akin?”
Ngumiti ako ulit sa kaniya at dumukwang ako upang halikan siya sa pisngi niya. “Apology accepted,” wika ko. “Sana hindi na maulit ’yon.”
Kahit medyo madilim naman ang kuwarto ko, nakita ko pa rin ang pagguhit ng ngiti sa mga labi niya at dumukwang din siya palapit sa akin. Akma na sana niya akong hahalikan sa mga labi ko, pero pinigilan ko siya. Bahagya kong itinulak ang mukha niya palayo sa akin.
“Amoy alak ka, Mahal. Hindi ako magpapahalik sa ’yo sa labi hanggat hindi ka nagto-toothbrush.” Saad ko.
Walang salitang binitawan naman niya ang kamay ko at umalis siya sa harapan ko. Nagmamadali siyang tumakbo papasok sa banyo ko.
BINABASA MO ANG
BELONGS TO HIM ✓
RomanceGiulio 'Kidlat' Ortiz-Navarro & Psyche Goncalves HIM SERIES 1 *** "I believe I was made for loving you." When Psyche meet Kidlat Ortiz-Navarro, ang inaanak ng Don Felipe na siyang tumulong sa kaniya upang makapagtrabaho sa hotel na pag-aari nito, bi...