CHAPTER 18

560 31 2
                                    

“WHAT are you doing here?” ulit na tanong niya nang hindi agad ako nakapagsalita.

“Um,” napakurap ako nang sunod-sunod at nagbawi ng tingin sa kaniya. Seriously? Nandito rin siya? Don’t tell me rito din siya nakatira sa bahay ni Don Felipe?

Naglakad siya papasok sa kusina, palapit sa puwesto ko. Bigla ko namang nadama ang mas lalong paglakas ng tahip ng aking dibdib. Dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin at gagawin ko sa mga sandaling ito, napaatras na lamang ako nang hindi pa rin siya tumitigil sa paghakbang palapit sa akin. Mayamaya ay napahinto ako nang bumangga ang likuran ko; napalingon ako sa likod ko upang tingnan kung saan ako bumangga. Sa lababo. Sa marmol na lababo.

“I’m asking you woman, what are you doing here?”

Muli akong napalingon sa kaniya. “Um, a-ako... ako po ang bagong nurse ni Don Felipe.” Kanda utal na sagot ko.

Nagsalubong naman ang mga kilay niya dahil sa naging sagot ko. Mas lalo siyang napatitig sa mukha ko. Mayamaya ay bigla naman siyang tumawa ng pagak.

“Are you kidding me?” mapanuyang tanong niya pagkatapos ay nagtagis ang kaniyang bagang.

God, parang mas nakakatakot ata ang hitsura niya ngayon kaysa noong nakaraan. And holy lordy! Kung hindi lamang kami nasa war zone stage ngayon, sigurado akong kanina ko pa nadakma ang abs na ’yan na kanina pang nagpapapansin sa akin. Walang-hiya naman kasi! Ang ganda-ganda ng katawan niya. Perfect talaga sa paningin ko. Ang ugali niya lang ang hindi perfect.

Dahil hindi ko kayang salubungin ang nanlilisik niyang mga mata, paminsan-minsan akong napapatitig sa dibdib at abs niya.

Muli akong napalunok ng aking laway at nang mag-angat ako ng mukha ay muling nagsalubong ang mga paningin namin.

“M-mukha po ba akong nagbibiro sir sungit? Este, sir?” tanong ko.

Dahil sa sinabi ko, kitang-kita ko kung paanong mas lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Halos mag-isang linya na iyon. Kitang-kita ko rin kung paanong umigting ang kaniyang panga dahil sa galit o inis na nararamdaman niya para sa akin.

“Don’t be a philosopher. I ask you what are you doing here?”

Bahagya akong humugot nang malalim na paghinga ’tsaka ko iyon pinakawalan sa ere. Kahit ramdam kong unti-unti na namang nanglalambot ang mga tuhod ko, tinatagan ko iyon. Hindi ako puwedeng magpatalo sa sungit na ito. Aba, namumuro na siya sa akin, a! Kaya kahit wala akong lakas ng loob na salubungin ang mga titig niya, ginawa ko na rin. Kailangan kong ipakita sa kaniya na hindi lang siya ang marunong magsungit.

“Hindi po ako namimilosopo sa inyo sir,” sabi ko at nagtaas pa ako ng noo ko. “Sinagot ko lang po ang tanong ninyo.” Dagdag na sabi ko pa.

Muling umigting ang panga niya at bumuntong-hininga rin siya. Kung kanina ay seryoso lamang ang titig niya sa akin, ngayon naman ay matalim na iyon. Hindi niya siguro nagustohan ang pagsagot ko sa kaniya.

Humakbang siyang muli palapit sa akin. Hayon at mas lalong nagrambulan ang mga daga sa loob ng dibdib ko. Kahit kinakabahan ako, hindi ko iyon pinahalata sa kaniya. Sa halip ay mas lalo akong nagtaas ng noo sa kaniya, ganoon na rin ng kilay.

“Ikaw pa lang ang sumagot sa akin ng pabalang Ms. Goncalvez.”

“E ano ngayon kung ako pa lang ang sumagot sa ’yo ng—”

“Damn it!” mariing sabi niya at tinawid ang natitirang espasyon sa pagitan naming dalawa.

“Ano ba?” galit na sigaw ko sa kaniya nang magulat ako sa paglakas ng boses niya. Dahil inisang hakbang niya ang natitirang espasyo sa pagitan naming dalawa, mas lalo akong napasandal sa marmol na lababo habang nakahawak ako sa gilid niyon. Siya rin naman ay nakatuon ang mga palad niya sa gilid ng lababo, sa may magkabilang baywang ko. Sa labis na pagkagulat ko, nahigit ko ang aking paghinga habang nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sa kaniya. Halos gahibla na lamang ang layo ng mukha namin sa isa’t isa. Dahil sobrang lapit namin... amoy na amoy ko ang deodorant na gamit niya. Kahit pawisan man siya, mabango pa rin siya. Oh, holy lordy! Mas lalong kumabog ang puso ko ngayong sobrang lapit na niya sa akin. Ang mga mata niya, mas maganda pa lang titigan kapag ganito kalapit. Kulay tsokolate at sobrang pungay. Para bang nanghihiponotismo habang tumatagal na nakatitig ako sa kaniya. Ang mga labi niya, mamula-mula. Halatang hindi siya naninigarilyo.

BELONGS TO HIM ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon