CHAPTER 64

346 10 0
                                    

BUMUNTONG HININGA ako nang malalim habang nasa labas ng bintana ang paningin ko. Malapit na kami sa bahay. Pagkatapos ng klase namin ni Natalija ay kaagad akong nag-aya na umuwi sa bahay dahil medyo masama ang pakiramdam ko ngayon. It’s been seven months, pagkatapos ng mga nangyari na hindi maganda. Marami na rin ang nangyari sa loob ng pintong buwan na lumipas. Si itay, awa ng Diyos ay naging okay na rin ang kalagayan nito. Ilang araw pa ang lumipas no’ng madala ako sa ospital ay nagkaroon naman ng malay ang tatay ko. Dahil nga na-stroke ito, kaya kinailangan namin na ikunsulta siya sa kaniyang therapist para kaagad na manumbalik ang kondisyon ng katawan niya. Naging maingat din kami sa pagpapakain at pag-aalaga sa tatay ko. At sa awa ng Diyos, kaagad din namang nakabawi ang katawan nito. Unti-unti na ring nagiging maayos ang pagsasalita nito. Si Kuya Vince at Arwin naman, isang beses pa lang din na umuwi rito sa Pinas simula no’ng umalis sila papunta sa abroad. Busy kasi sa trabaho si kuya, habang si Arwin naman ay nasa Hawaii ngayon at kumuha ng pangalawang kurso nito. Si Luana naman... ang balita ko ay nakulong daw ito dahil sa ginawang pagtangkang pagpatay sa akin at kay itay. Pero kalaunan ay iniurong ng itay ang pagsampa ng kaso rito at isinama ito ng daddy nito pauwi sa New York. After that, wala na akong naging balita rito. Ako at si Natalija naman ay nag-aaral na rin sa parehong eskwelahan. Nasa second semester na kami sa first year college namin. Magka-klase kami kagaya sa napag-usapan namin no’ng una. Kapag wala naman akong pasok sa school, sa Casa ako nagtatrabaho para kahit papaano ay matutunan ko na rin ang pamamalakad ng negosyo ng itay, kasi wala naman daw ibang hahawak at magpapatakbo niyon in the future kun’di ako. Sa tulong ng consultant ng itay, kahit papaano naman ay may natututunan na rin ako about sa business. And si Kidlat. How is he? Well, nang magkausap kami noon sa ospital nang magkamalay ako. Sinabi ko sa kaniya na tapusin na muna namin ang relasyon namin. Na kung dumating man ang araw na magkita ulit kami at pareho pa rin ang nararamdaman namin para sa isa’t isa... baka puwede na naming ituloy ang relasyon namin. Pero...

“I’m really sorry, Kidlat.”

“Please, Psyche. Huwag mo naman gawin ’to sa akin. I love you so much. And I don’t care if you think you are an immature. I don’t care kung ito man ang unang relasyon mo, kaya hindi mo alam kung paano i-handle ang mga bagay at problema sa pagitan nating dalawa. I love you so much that’s all that matters, baby. If you think that I don’t deserve you, nagkakamali ka, Psyche. I deserve you, you deserve me. We deserve to love each other. Hindi mo kailangang makipaghiwalay sa akin para lang mag-matured ka. Sa paglipas ng mga araw, habang magkasama tayo, I’m sure na marami kang matututunan about relationship. So please... huwag naman ganito, Psyche.” Maluha-luhang saad niya sa akin habang hawak-hawak niya ang mga kamay ko at malungkot na nakatitig sa mga mata ko. “I can’t leave without you. So please... bawiin mo ang sinabi mo sa akin na nakikipaghiwalay ka na naman sa ’kin. Hindi ako papayag, Psyche. I love you very much.” Tuluyang namalisbis ang luha sa mga mata niya at pagkuwa’y dumukwang sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

After that talked... that day, I decided na bawiin sa kaniya ang mga sinabi ko. Hindi na ako nakipaghiwalay sa kaniya. Labis ko siyang mahal, kaya hindi ko rin kakayanin kung magkakahiwalay kami. At simula no’ng araw na ’yon ay pinilit ko nang maging mabuting girlfriend sa kaniya. At tama nga ang sinabi niya sa akin na sa paglipas ng mga araw ay may mga matututunan pa ako tungkol sa relasyon. He taught me everything. At masaya naman ako para sa sarili ko na may improvement ako araw-araw. Hindi na ako ganoon ka-childish mag-isip. Kapag may kaunting problema sa amin ni Kidlat ay pinag-uusapan naman namin nang maayos at hindi kami maghihiwalay hanggat hindi kami okay. Kapag busy siya sa trabaho at hindi agad nakakapag-text o tawag sa akin ay hindi na ako kagaya dati na magagalit agad sa kaniya. I did my best para maging mabuti at understanding na girlfriend sa kaniya. I did everything to make him happy. I love him so much. At labis akong naliligayahan dahil hindi rin naman pumapalya si Kidlat na ipadama sa akin kung gaano niya ako kamahal.

BELONGS TO HIM ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon