White Lies 5

57 1 0
                                    

MARCO

"Are you ready?" nakangiting tanong sa akin ng kaibigan kong si Jigz.

He's eager to hit the drum in front of him. Matagal-tagal na rin namin hindi 'to nagagawa, ang mag-perform ng live sa harapan ng maraming tao. For me it's just more of a lifestyle choice than a career.

I was once dreamed to be a pilot so I took my Bachelor's degree in Aviation but my Dad was against with it. Well, he never liked anything and every choices I've made in my life. He prefered me to follow his step. At first I was adamant with the course I chose that I wanted to be but at the end I gave it up without finishing with it and took the course he chose for me to be someone like him. A successful businessman.

Kasalukuyan akong nasa Galaxy Stardust Bar And Restaurant na pagmamay-ari ng kaibigan kong si David. Grand opening ngayon nitong panlima niyang branch. He invited me to perform a live show with my band. Pinagtawanan ko pa siya sa sinabi niya sa akin noong bisitahin niya ako sa bahay matapos niyang mabalitaan ang nangyari sa akin three months ago. Hindi ko akalain na ganun siya kabilib sa banda namin para imbitahan niya.

Like... It's been a long time since we've been performed. Hindi ko pinaghihinalaan ang kapasidad ko lalo na ang mga kasamahan ko sa banda but still, mas marami ang mga baguhan at mas sikat. Sila ang kailangan niya para maging tanyag ang negosyong bubuksan niya pero kami ang mas pinili niya. Kung anong rason, hindi ko alam. Imposibleng sa pagkakaibigan namin. In fact marami siyang mga kaibigan na famous singer, band and celebrity.

At first I rejected it thinking that he was just fooling out of me but he was persistent so I got no choice but to agree. That's why I am here now up in stage. Kasama sina Jigz, Nick, Ken and Travis. Nakatayo ako sa gitna ng stage, napapaligiran ng napakaraming tao habang hawak-hawak ang aking gitara, nasa harapan ko ang mic.

Matapos ang nangyaring pagtatambang at pambubugbog sa akin ng hindi ko kilalang mga armadong kalalakihan ay hindi na muling nagpakita pa sa akin si Sofia. Though sumasagot siya sa mga tawag at text messages na pinapadala ko sa kanya, hindi pa rin siya nagpapakita sa akin. Kung anong dahilan hindi ko alam dahil ayaw niya namang sabihin kahit anong pilit ko sa kanya.

I never stop courting her. I sent her flowers, chocolates, etc. Ganun ako kadesididong mapa sa akin siya. Makailang ulit ko rin siyang pinuntahan sa Condo niya noong maka-recover na ako pero isang beses niya lang akong hinarap at hindi na naulit pa. Hanggang sa nabalitaan ko na lang na hindi na siya doon nakatira, ibenenta na ang Unit niya. Pinutol niya na rin ang ugnayan sa akin. Hindi ko na siya ma-contact pa. Halos mabaliw ako kakaisip kung anong nangyari sa kanya. Kung napaano na ba siya? Bakit ganun ang ginawa niya? Hindi man lang nagpaalam sa akin. Bigla siyang naglahong parang bula matapos niya akong sagutin sa panliligaw ko sa kanya!

Kung gaano kabilis ng pagdating niya sa buhay ko ganun din siya kabilis nawala. Sa subrang bilis hanggang ngayon tulala pa rin ako, gulong-gulo. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin, saan ko ba siya hahanapin. Ngayon ko lang na-realized na wala pala akong gaanong alam sa buong pagkatao niya. Hindi ako nag-usisa at hinayaan ko na lang din. Puro puso ang pinagana ko hindi ang aking utak. Kaya ng mawala siya sa akin para akong tanga na nakabitin ng patiwarik sa gilid ng hampas na sa isang pitik lang sa akin ay siguradong kaagad akong mahuhulog, babagsak sa kailaliman. Hanggang ngayon nawawala pa rin ako sa aking sarili at hindi ko siya makalimutan. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya sa akin but damn... hinahanap-hanap ko pa rin siya!

Kahit anong sermon sa akin ng mga kaibigan ko wala ding silbi. Ayaw sumunod ng puso ko. Wala akong magawa. Kahit anong pilit kong kalimutan siya, patuloy pa rin siyang umuukilkil sa aking utak. Ilang ulit ko na rin tinanong ang sarili ko kung mahal ko ba talaga siya but damn...! Kahit ibang babae ang kasama ko siya at siya pa rin ang nakikita ko. Kung wagas 'tong pag-ibig na nararamdaman ko sa kanya, damn it... I was hit then to the core!

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon