White Lies 40

24 2 0
                                    

MARCO

"Marco..?" narinig kong boses ni Jillian.

Napahinto ako sa pagsasalita sabay atras papunta sa likod ng puno ng Oak.

"E-message mo ako kaagad kapag nasa bayan ka na, pupuntahan kita. Bilisan mo..." sabi ko sa pinsan ko habang nakatanaw sa tent ni Jillian pero pinagtawanan lang ako nito sa kabilang linya. I released a pissed groan. "Hindi ako nagbibiro sayo bro, I need that as soon as possible. Baka magbago pa ang isip ni Jillian."

He laughed again. "Sinabi kong daanin mo sa santong paspasan pero hindi ko sinabing agad-agad." malakas itong tumawa ulit. "Grabe ang lupet mo talaga bro! Superb! Wala akong masabi. Tiyak hindi 'yon makalakad ngayon. Three years ka pa namang na bakante."

"Gagooo! Siraulo! Napakarumi niyang utak mo!" sunod-sunod na singhal ko sa kanya na ikinalakas lalo ng tawa nito. Napangiti ako. "But thanks to the idea though... she's mine now. My soon to be Mrs. Del Carpio."

"Marco..?" tawag ulit sa akin ni Jillian.

"Sige na, gising na ang My loves ko." humalakhak na naman ito. "Bilisan mo bro... masasapak talaga kita kapag nabuliyaso ang plano ko." mahina kong sabi sa kanya sabay pindot ng end call button ng akmang aapela pa ito sa sinabi ko habang malakas na tumatawa.

Kahit kailan talaga mapang-asar ang hinayupak na John Wayne na 'yon...

Nakangiting umiiling na sambit ko pa sa aking sarili. Nagmamadaling tinago ko kaagad ang phone sabay hakbang palapit kay Jillian. Nakatayo siya sa labas ng tent, nagpapalinga-linga't hinahanap ako. Nagulat pa siya ng malingunan niya ako. Kaagad naman napalis ang ngiti sa aking mga labi ng makita ko ang itsura niya. Nag-aalalang dinaluhan ko siya kaagad, hinawakan sa kanyang braso. Natigilan ako ng maramdaman ko ang init ng kanyang balat.

"Mainit ka..." sinapo ko ang kanyang mukha, pati leeg at noo. "Okey ka lang ba, Jil? Bakit subrang init mo..? Nilalagnat ka ba?" hinapit ko siya sa kanyang bewang ng maramdaman ko ang panginginig ng kanyang katawan.

Hindi niya ako pinansin. Nagpalinga-linga ulit siya sa paligid bago nag-angat ng tingin sa aking mukha.

"Sinong kausap mo kanina?"

"Ha?"

"May..." muli siyang nagpalinga-linga sa paligid. "May kausap ka ba kanina?"

Nakangiting niyakap ko siya ng mahigpit. "Wala.. I'm just practicing my speech, my love."

"Speech?" kumalas siya mula sa pagkakayakap ko sa kanya. "What speech?"

I didn't answer her. Walang babalang binuhat ko siya in bridal style. Gulat na kaagad siyang napakapit naman sa leeg ko.

I give her a swift kiss on her reddish and swollen lips. "We need to go back home--"

"No..." umiiling na sabad niya sabay baba ng kanyang paa pero kaagad ko iyon napigilan. Tinitigan niya ako. "I'm okey. I-It's normal to have a fever I guess... after all it was my first time, right?"

"I... uhmmm... I-I don't have an idea. M-Maybe... I overwhelm you with my size, that's why."

She blushed and looked away. "I-I'm okey, Marco." tumingin siya sa damuhan saka muli akong tiningala. "Put me down please--"

"No." matigas kong sabi sa kanya sabay hakbang, tinungo ko ang daan pauwi sa bahay. "You're not well--"

"Don't be over reacted, Marco."

"I'm not over reacted. I'm just taking good care my soon to be wife."

Natahimik siya sa sinabi ko. Patuloy lang ako sa paghakbang palabas ng kakahuyan.

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon