White Lies 32

23 1 0
                                    

JILLIAN

Mabilis lumipas ang mga araw, linggo at buwan.

Pagkatapos ng nangyaring iyon sa pagitan naming dalawa ni Marco ay sinikap kong iwasan siya. Ang kaso masyadong makulit kaya naglalagi na lang ako sa burol. Dumagdag pa si Kevin na araw-araw na lang nasa bahay. Bahala silang dalawa ni Marco magrambulan. Parehong may sapak.

Hindi ko rin masyadong kinakausap si Inay at subra-subra ang hiyang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko ang makahulugang ngisi niya sa akin. Daig niya pa si kupido kung makapag-match. Dati si Kevin tapos ngayon sa aming dalawa naman ni Marco. E ang luko mukhang salawahan naman. May pa sabi-sabi pang gusto niya ako tapos kaliwa't kanan niya naman sina Blessie at Cheena. Balak ata kaming pagtutuhugin na tatlong magkakaibigan. Tapos ang mga kurdapya kung makakapit kay Marco akala mo mga pinaglihi sa tuko. Nakakabwesit!

"O, ang aga ng gising mo Nak ah." nakangiting bati ni Inay sa akin paglabas ko ng kwarto.

Humikab ako habang kinukusot ang aking mga mata. "Alas otso na po Nay, maaga pa ba 'yon sayo?" sabi ko saka nag-inat. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang pananakit ng aking buong katawan.

She chuckled. "Hindi ka ba nakatulog kakaisip kay Marco--"

"Nay naman e, puro na lang si Marco ang bukambibig niyo. Pwede po ba tigilan niyo na rin ang pagma-matched sa akin sa lalaking 'yon?"

"Twenty-five ka na. Nasa tamang edad ka na para lumagay sa tahimik. Minsan isipin mo naman ang sarili mo hindi 'yong puro ako na lang lagi. Matanda na ako Jillian. Mas mapapanatag ang loob ko kung--"

"Nay..." saway ko sa kanya. "Fifty-two ka pa lang po. Marami pang kanin ang kakainin mo kaya 'wag kang magsalita ng kung ano-ano diyan. Kinikilabutan ako sayo e." sabi ko saka tinalikuran siya.

Dumeritso ako ng kusina para maghilamos at nag-toothbrush.

"Kahit isa sa kanila piliin mo. Pareho naman ako boto sa kanila pero mas bet ko na ngayon si Marco."

Bigla kong nalunok ang toothpaste na nasa bunganga mo matapos kong marining ang pangalan na binanggit ni Inay sa huli. Inabot ko ang tabo at nagmumog saka hinarap siya.

"Nay, wala po akong gusto sa kanilang dalawa."

"Ayy wala ba? So, bakit ka nakikipaghalikan kay Marco--"

"Nay!" naeeskandalong sabad ko sa kanya. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid at baka may nakarinig sa kanya. Mariin niya naman akong tinitigan. I sighed. "Aksidente lang po 'yong nangyari."

"Walang nabubuntis na aksidente lang, Jillian."

Whaaat? Napanganga ako sa sinabi niya. Naguguluhang napatitig ako sa kanya saka umiling. Tinakpan ko ang hawak kong toothbrush saka binalik sa lalagyan. Muli kong hinarap si Inay.

"Pa'no pong napunta tayo sa pagbubuntis e nag-kiss lang naman po kami ni Marco?"

"Hindi mo ba alam na sa kiss nagsisimula ang lahat?" nakapamewang niyang tanong sa akin. "Nag-summa cum laude ka pa naman kung hindi mo alam 'yong tungkol diyan." natigagal ako sa sinabi niya. Tinawanan niya ako sa naging reaksyon ko. Umiling-uling pa siya habang nakatitig sa akin. "Parang love 'yon Jillian. Na nagsisimula sa simpleng paghanga lang. Kapag tumagal doon na papasok yung nagugustuhan mo na siya hanggang sa nauuwi sa pag-ibig."

Napamulagat ako sa paliwanag ni Inay. Matagal ko siyang tinitigan. Nilapitan ko pa siya saka sinalat ng aking kamay ang kanyang noo.

"Hindi ka naman po mainit, Nay. Pero bakit parang masyado ka yatang makata ngayon?" sabi ko.

Kaagad niya naman akong sinamaan ng tingin sabay tabig ng kamay kong nakahawak sa kanyang noo. Napahalakhak ako.

"Seryoso ako sa sinabi ko."

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon