White Lies 66

24 1 0
                                    

JILLIAN

"Bwesit ka! Siraulo! Abnoy! Walang puso!"

Malakas kong pinaghahampas ng bag si Marco ng maabutan ko siyang pinagtatawanan ako habang nakatayo sa hamba ng pintuan. Hindi ko na inisip pa kung ano ang mga katagang lumabas sa bibig ko. Basta ang alam ko galit ako sa kanya. Todo naman siya iwas at sangga ng braso para 'di tamaan ang kanyang nakakabwesit na mukha.

Pero inaamin kong subrang gwapo niya sa aking paningin ngayon habang malakas na tumatawa. Though nag-mature siya dahil sa tumutubong munting balbas sa gilid ng kanyang mukha still, ang lakas pa rin kanyang sex appeal. Lalo ko tuloy na-miss si Max. Magkamukhang-magkamukha talaga silang dalawa. Siguradong hahanapin ako no'n kapag hindi ako umuwi mamayang gabi. Baka mag-iiyak na naman 'yon at nag-aalala ako na baka hindi mapatahan ni Inay lalo't hindi ako nakapagpaalam sa kanya kanina bago ako pumasok ng trabaho. Subrang himbing pa kasi ng tulog niya. Ayaw ko naman gisingin lalo't masyado pang maaga at alas otso pa ang pasok niya.

Inagaw ni Marco ang bag sa akin saka nakakaluko akong nginitian. Animoy aliw na aliw siya sa akin.

"Marco... kailangan kong umuwi--"

Kaagad nalukot ang kanyang mukha sa sinabi ko sabay talikod bitbit ang bag ko.

"NO. Ayoko."

Humabol ako sa kanya. Hinatak ko ang damit niya sa likod pero hindi siya huminto. Patuloy lang na naglakad.

"Marco naman..." frustrated na tawag ko sa kanya. "Sige na naman please..."

Madilim ang mukhang hinarap niya ako.

"HINDI." inabot niya sa akin ang bag. "Bukas na tayo uuwi."

Hinatak niya ang braso ko saka dinala sa room kung saan ako mage-stay habang magme-meeting siya. May isang matangkad na lalaking nakangiting nag-aantay sa labas no'n.

"Here's your key card, Boss." sabi no'ng lalaki sabay abot ng card kay Marco pagkahinto namin sa harapan niya.

"Thanks Franz."

Tumango siya. "Enjoy your stay with your wife, Boss." binalingan ako ni Franz. "Hi Misis Del Carpio, I'm Franz, your husband friend." inabot niya ang kamay sa akin. "Masaya akong makilala ang babaeng nagpatino sa babaero kong kaibigan."

I heard Marco's pissed groaned.

I sweetly smiled at him. Itinaas ko ang kanan kong kamay para makipag-shake hands sana sa kanya pero mabilis iyon hinawakan ni Marco sabay tabig sa kamay ni Franz na nakaumang sa harapan ko. Malakas naman itong napahagalpak ng tawa na ikinakunot ng noo ko.

"So possessive..."

"Lumayas ka na Franz at nagdidilim na ang paningin ko."

Muli itong tumawa ng malakas.

"See you around Misis Del Carpio." sabi pa nito sa akin bago humakbang palayo sa amin.

Nagtatakang nasundan ko na lang ito ng aking tingin pero kaagad din akong napabaling kay Marco ng marahas ako nitong hinatak papasok sa loob ng kwarto.

"Aww--hmmmp." nakulong sa lalamunan ko ang daing ko sa sakit ng pagtulak niya sa akin sa pader pagkapasok namin sa loob.

Marahas niyang siniil ang labi ko. Hinawakan ko ang kanyang mukha at inilayo sa akin pero nakipagmatigasan siya sa akin. Iniwas ko ang mukha ko pero hinabol niya iyon ng mapagparusa niyang mga labi.

"Marco ano baaa!"

"What? You like him?"

Malakas ko siyang sinampal.

"Anong akala mo sa akin kaladkaring babae? Kahit kanino papatol?"

"E bakit ang tamis ng ngiti mo kanina sa damuhong na 'yon?"

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon