White Lies 85

28 2 0
                                    

JILLIAN

Kanina pa ako gising pagkaalis nina Inay at Max para ihatid ito sa eskwelahan pero nanatili pa rin ako sa higaan. Nakatulalang nakikipagtitigan sa kisame. Nag-iisip ng tamang approach kung paano ko kakausapin at haharapin sina Itay at Jas.

Beep. . .

Inabot ko ang phone ng tumunog iyon.

BUDOL GANG:

It's fine my loves. How are you anyway? Will go there and see you. I love you!

Kumirot na naman ang puso ko sa sinabi niya.

I need to make it up to him. To all of them. They owe me a lot. And also Max. . . I know both of them will be very happy once they see each other.

Sigurado akong magagalit siya sa akin sa ginawa kong pagtatago kay Max sa kanya ng apat ng taon pero buong puso kong tatanggapin ang lahat ng sasabihin niya basta mapatawad niya lang ako. And will do everything whatever he want me to do. As long as na makakapagpasaya iyon sa kanya, sa anak namin. . . at sa puso ko, will do it with all my heart without thinking twice.

Binaba ko ang phone sa bedside table.

"Jillian..?"

Napatingin ako sa pintuan ng biglang bumukas iyon at iniluwa si Inay.

"Nay? Kanina pa po ba kayo?"

"Kararating ko lang. Hindi ka ba papasok ngayon?"

I sighed. Naupo ako sa kama.

"Hindi po Nay. Nakapagpaalam na rin ako kay Marco. Balak ko pong puntahan at kausapin sina Itay at Jas..." tumigil ako sa pagsasalita saka tinitigan si Inay sa kanyang mga mata. "Okey lang po ba sa inyo kung. . .yayayain ko silang dito na tumira sa atin?"

Ngumiti si Inay sana naglakad palapit sa akin. Naupo siya sa kama paharap sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan iyon pinisil.

"Kung 'yan ang gusto mo at mapapayag mo sila, bakit hindi?"

Mabilis kong pinalis ang luhang nakipag-unahan din sa akin sabay kabig kay Inay. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Sorry po ulit Nay sa lahat ng mga nasabi at nagawa ko. Hindi ko sinasadya--"

"Ano ka ba..." inilayo ako ni Inay sa kanya. "Wala 'yon. Naiintindihan naman kita anak. Kalimutan mo na 'yon. Ang importante nalinawan ka na ngayon." pinunasan ni Inay ang luhang tuloy-tuloy lang na dumadaloy sa aking mga mata. "Tigilan mo na rin ang pagdadrama. Lalo kang pumapangit."

I chuckled. Ngumiti din si Inay.

"Sige po Nay. Mag-aasikaso na ak--"

"E kay Marco anong balak mo? Hindi mo pa rin ba sasabihin ang tungkol kay Max?"

"After ko pong makausap sina Itay pupuntahan ko po siya sa DCC."

Kaagad akong bumaba ng kama. Kinuha ko ang towel saka nagmamadaling pumunta ng banyo para maligo.

Nagsasabon na ako ng katukin ako ni Inay sa loob.

"Bakit po, Nay?" sigaw ko pero hindi ko naman maintindihan ang sinasabi niya sa labas. Binuksan ko ang pinto saka bahagya siyang sinilip. "Ano pong sabi niyo, Nay?"

"Sabi ko tumutunog 'yong cellphone mo. Kanina pa, importante yata kasi sunod-sunod."

"Pakisagot--"

"Ikaw na lang." sabad niya sa akin sabay talikod. "Pupunta ako kina Dolor."

Muli kong sinarado ang pinto saka binilisan na ang pagligo.

Pagkatapos dali-dali akong nagtungo sa kawarto sabay dampot ng aking cellphone. Nagulat pa ako ng makita kong nakalimang missed calls at five text messages si teacher Giselle. Mabilis ang mga kamay na binuksan ko iyon.

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon