White Lies 30

22 1 0
                                    

MARCO

Hindi ako mapakali sa aking kinatatayuan. Nagkakandahaba na rin ang leeg ko kakatanaw kung nasaan na ba sila. Kanina pa kami dito sa bukid nagha-harvest ng carrots pero ang bwesit na dalawang 'yon ang tagal dumating. Tapos hinayaan pa ni Nay Julie maiwan mag-isa sa bahay si Jillian kasama ang lalaking 'yon!

Ganun ba kalaki ng tiwala nila kay Kevin? Sino ba kasi 'yon sa buhay ni Jillian?

Umuusok ang ilong na tanong ko pa sa aking sarili habang kaliwat kanan na binubunot at tinatapon ang carrots.

Pa'no kung gawan ng masama no'n si Jillian? F*ck... Lalaki siya. Magandang dalaga naman si Jillian. Tapos silang dalawa lang nandun!

Hep... they've known each other for a long time and they're best friends.

Bigla akong natigilan.

Korek. Tsaka isa pa ano naman ang pakialam mo sa kanila? Boto naman sa lalaking 'yon si Nay Julie.

Oo nga. Baka nga mag-dyowa sila e.

Arrgh! Tinanggal ko ang bonnet na suot ko ng magsagutan na ang nababaliw kong utak. Bakit ba nag-aalala ako sa babaeng 'yon? Ano ba namang pakialam ko kung anong gawin nila? Buhay nila 'yon.

F*ck!

"Aww--! Kuya Pogi!" malakas na hiyaw ni Cheena.

Marahas akong napabaling sa gilid ko. Natigilan ako ng makita kong naiiyak na nakahawak si Cheena sa kanyang mata.

Oh damn! Kaagad ko siyang nilapitan. "Okey ka lang?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Bwesit ka Kuya Pogi... Ang sakit t'ngna!" inis na sabi niya habang nakahawak pa rin ang kamay sa kanyang mata. "Ano ba kasing iniisip mo at wala ka sa sarili? Kanina ka pa namin tinatawag tapos ngayon binigwasan mo pa ako ng carrots. Kung saan-saan mo pa pinaghahagis."

Wala sa sariling napalinga-linga ako sa paligid dahil sa sinabi niya. Kaagad kong nabitawan ang carrots na hawak ko matapos kong makita ang resulta ng ginawa ko. Nagkalat lang naman ang mga nabunot kong carrots.

Damn... Binalingan ko siya. "Sorry na. Hindi nga kita narinig." napatitig ako sa kanyang mukha. Nakangiwi siya. May nakita pa akong luha na pumatak sa kabila niyang mata. Sh*t.. 'di ko naman kasi alam na nasa gilid ko lang siya... "Patingin nga." sabi ko sabay hawak sa kanyang mukha. Umiwas siya pero kaagad ko din iyon binaling sa akin. "Tanggalin mo muna 'yang kamay mo para makita ko."

"Ang sakit nga e. Nalagyan ata ng lupa sa loob--"

"Tanggalin mo na nga sabi 'yang kamay mo."

Sumunod naman siya. Binuka ko ang kanyang mata gamit ang mga daliri ko at tiningnan kong may lupa ba sa loob.

"Wala naman akong makitang lupa." sabi ko saka hinipan ang kanyang mata.

Kaagad niya naman iyon kinusot ng kanyang kamay.

"Ano okey na ba?"

"Ano 'yon magic? Isang ihip mo lang biglang mawawala?" mataray niyang sabi sa akin sabay tabig ng mga kamay kong nakahawak sa kanyang mukha.

I chuckled. "Bigla ka na lang kasi sumusulpot diyan--"

"So kasalanan ko pa tuloy ngayon?" nakapamaywang na sabad niya sa akin.

I laughed.

"Ayy--! Ano ba Kevin!" malakas na tili ni Jiilian.

Kaagad akong napalingon. Halos magdilim ang paningin ko ng matanaw ko silang dalawa. Nakaakbay ang braso ni Kevin kay Jillian. Hindi lang 'yon... halos nakayapos na ang damuhong na 'yon sa katawan niya habang naglalakad papunta sa kinaroroonan nina Nay Julie. Nakasunod sa kanila ang aking nagbabagang mga mata. Hanggang sa hindi ko namalayan na naikuyom ko na pala ang aking kamao habang nakatitig sa kanilang masayang nagtatawanan kasama ng iba pang mga naninirahan dito sa bundok. At mukhang kilalang-kilala ang lalaking 'yon dito.

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon