White Lies 50

29 1 0
                                    

MARCO

"Ano 'to?" tanong ko kay Ryan nang ilapag niya sa harapan ko sa ibabaw ng mesa ang brown envelop.

Ilang oras kaming naghintay sa kanila sa hideout namin dito sa Fairview bago ito humahangos na dumating. Tinambangan sila ng panibagong Van at hindi kilalang mga armadong kalalakihan on the way here kaya iniligaw muna nila. Kung anong pakay ng mga 'yon wala pa kaming idea. They're must be in different group.

"Open it."

Kaagad ko naman iyon binuksan.

"F*ck! Anong ibig sabihin nito?" galit na tanong ko sa kanya matapos ko mabasa ang documents at makita ang litrato ni Shienna kasama ang isang batang babae.

Nagkibit balikat siya. "Kompleto 'yan. But don't tell Migz about that yet. Tayong lima lang ang tanging makakaalam muna tungkol diyan. We need further investigation about her and Kevin Sarmiento."

"How about my wife?" sabad ni Wayne. "Wala man lang bang update sayo si Curtis?"

Umiling si Ryan. "...but we're working on it Bro, no worry."

He cursed then angrily walked back and fort in front on us. Napangiti ako sa aking isip sa reaksyon ng pinsan ko saka makahulugan na sinulyapan si Ryan. He wink at me.

Alam na namin kung nasaan si Sam pero hindi muna namin sinasabi sa pinsan ko para pahirapan ito dahil sa panlulukong ginawa nito. Uncle Win know about it too but Tita Vangie didn't know yet. Pero masaya kami at si Tita ang nakatagpo kay Sam hindi ang kalaban lalo't mortal nitong karibal si Stacey. And Tita loves those two like her own daughter and grandchild. Also Calderon and his friends helped us to protect Sam too kaya kahit papa'no panatag kami.

Iniisip nga namin na baka kasabwat si Stacey sa plano ng grupo nina Christian pero sabi ni Suarez kailan lang nalaman ni Stacey na ampon siya. After that incidents in Winx State University where Sam studied, naglahong parang bula ang babaeng 'yon. Then suddenly Christian is at large. Malamang may mga kasabwat din sa loob ng presinto na pinagdalhan ni Sheriff Martin maliban sa bruhang 'yon.

Napahawak ako sa aking sugat ng maramdaman kong kumirot iyon. Habang tumatagal kasi ang malawakang imbestigasyon na ginagawa namin lalong nagiging masalimuot ang operasyon. Nagiging mas lalong delikado at komplikado, dumadami pa ang kalaban! Ang ipinagtataka ko lang, bakit alam ng kalaban ang bawat kilos ko? Animoy may mga matang nakasunod sa bawat galaw ko at bigla na lang may panganib na nakasunod sa akin para patumbahin ako.

F*ck! I have to be very careful or else maraming madadamay. Malalagot ako nito kay Dad kapag nabuliyaso ang plano naming anim.

"Bakit sa iba ang bilis ng reports ng mga bwesit na private investigator niyo tapos pagdating sa asawa ko wala silang makalap na ano mang impormasyon?" naiinis na tanong sa amin ni Wayne.

Pinanliitan ko siya ng aking mga mata. "Bakit hindi mo sisihin ang sarili mo sa kag*guhan na ginawa mo kaya nilayasan ka at hindi mo mahanap ang asawa mo? Tapos sa lahat ng babae na papatulan mo si Stacey pa talag--"

"Look who's talking?" nakaismid na sabad niya. "Mas malala nga sayo dahil si Collins--"

Malakas kong sinuntok ang kanyang panga. Hindi ko inaasahan ang pagganti niya sa akin kaya tinamaan din ako ng kanyang kamao sa mukha. Hanggang sa nauwi iyon sa suntukan naming dalawa. Kaagad naman kaming pinaghiwalay ni Ryan pero hindi kami tumigil. Pati siya nasuntok namin ni Wayne.

"Damn it--'Wag kayong magpatayan!" sigaw niya habang sinasangga ang bawat mga suntok at sipa namin ni Wayne sa tuwing umaawat siya sa amin. "Pati ako dinadamay niyo na, t'ngna niyo... Tumigil kayo!"

Hanggang sa nabwesit siya sa amin at pinagsusuntok na rin kami ni Wayne. Napapangiwi pa ako sa sakit sa tuwing pinapatamaan ni Wayne ang sugat ko sa balikat. Todo at malakas naman ang suntok at tadyak ko sa kanya. Kahit napahiga na siya sa lapag pinagtatadyakan ko pa rin siya. Kung hindi lang ako binigwasan ng malakas na suntok ni Ryan sa panga hindi pa ako hihinto.

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon