Epilogue

66 3 0
                                    

CLEOFATRA MONTEFALCO POV

2 DECADES AGO

Papasok na kami sa Hotel ng mapansin kong wala ang inaanak kong si Fernan. Nagpalingalinga ako sa paligid pero hindi ko makita ang anino niya. Dali-dali akong lumapit kay Lian na busy sa kausap sa kanyang cellphone.

"Lian..." hinawakan ko siya sa kanyang braso. Marahas niya naman akong nilingon. "...where's Fernan?"

"Ok Mr. Ricaforte, see you tomorrow." she ended the call, kunot-noong tinitigan ako. "Anong nasaan si Fernan? Diba..." iginala ang paningin sa paligid saka muli akong tiningnan. "...kasama mo siya?"

"Ha?"

Kaagad akong linukuban ng takot ng makita ko ang itsura niya.

"Damn it Cleo, tanungin mo sina Marga!"

Mabilis kong hinablot ang braso niya ng akma niya akong tatalikuran.

"Saan ka pupunta?"

"Babalikan ko sa parking lot baka naiwan doon."

"Anong naiwan mo sa parking lot?" sabad ni Eleanor na naglakad palapit sa amin.

"Anong meron?" ani ni Norman.

"Bakit ganyan ang itsura niyo?" tanong naman ni Stephano.

"Where's Fernan?"

Napalunok ako ng magtinginan ang mga ito.

"Baka kasama ni Margarita--"

"Ofcourse baby. I had fun!" muli kaming nagkatinginan ng makita naming hindi kasama ni Marga si Fernan. Bahagya pa itong natigilan ng matanaw na nakatingin kaming lahat sa kanya. "Ah... See you tomorrow in Bora Wills." may inabot itong kapirasong papel sa foreigner. "Call me baby or I'll call you na lang later, okey?" kaagad nitong tinalikuran ang lalaki saka malalaking hakbang na nilapitan kami. "What's that look for?"

"Hindi mo ba kasama si Fernan?"

"Si baby Ern?" nilingon niya ako. "Diba kasama mo siya kanina?"

Sunod-sunod akong umiling.

"Last na kasama ko siya no'ng nasa bangka tayo sa Isla Alona after lagoon. Humiwalay siya sa akin. Hinabol pa nga kayo no'ng bumili kayo ng pasalubong sa pier." tiningnan ko si Eleanor. "Nagtatawanan pa nga kayong dalawa habang namimili ng t-shirt diba?"

"Oo pero na-busy ako kakapili ng souvenir kaya 'di ko na napansin kung saan siya pumunta. Akala ko kasama niyo."

"Baka sa kabilang Van--

"T'ngna, baka naiwan natin sa Isla!"

"Wait, tatawagan ko si Wills..." mabibilis ang mga daliring nagpindot ng numero sa cellphone si Margs. "...mag-rent na lang tayo ng kotse para mas mabilis kaysa mag-commute. Balikan natin sa Isla. Hello Wills? Yes. Can we rent a car? Here outside the Hotel. Where are you?" nagpalinga-linga ito. "Oh--Hey Wills!" sigaw nito habang kumakaway sa lalaking nagpapalinga-linga sa kabilang kalsada saka pinatay ang tawag ng maglakad ang lalaki papunta sa amin. "Nagpapa-rent sila ng Van at mga kotse."

"Kilala mo ba siya?"

"Si Wilson? Yes, kanina lang."

"Kanina lang tapos nagtiwala ka kaagad?"

Namilog ang kanyang mga mata sa sinabi ni Eleanor.

"Hey, nagyaya ako ng bakasyon dito sa Pinas para makalimot."

"Si Cleo din naman diba?" sabad ni Norm. "Hindi ka namin pinagbabawalan but you have to be careful Margs."

"Oo na--"

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon