Prologue

239 3 1
                                    

Jillian

Present day.

"Marco." mahina kong tawag sa kanya habang sinusuklay ng aking mga daliri ang malambot n'yang mga buhok habang nakahiga s'ya sa ibabaw ng aking mga hita at nilalaro ang kaliwa kong kamay ng kanyang mga kamay.

"Hmmmm." nakapikit n'yang tugon sa akin.

"Naniniwala ka ba sa love at first sight?" tanong ko.

Nasa mataas na burol kami ngayon kung saan ang lugar na naisuko ko ang sarili ko sa kanya ng buong puso at walang pag-aalinlangan noong isama n'ya akong mag-night camping.

I felt in love with this mesmerizing place the first time I get lost in the woods and accidentally came here. Nalalatagan ng carabao grass ang malawak na lupa at may mangilan-ngilan na puting mga ligaw na mababangong mga bulaklak. Nag-iisang napakalaking puno ang ginawan namin ni Marco ng tree house ang punong kahoy ng Oak sa gitna ng burol na halos sumayad na sa lupa ang napakaraming malalaking sanga. Maraming ibat-ibang kulay na bulaklak ng orchids sa katawan ng kahoy.

Napakalamig ng simoy ng hangin at tanaw ang buong syudad mula dito sa itaas ng burol. Nakakawala ng stress at problema ang subrang ganda at katahimikan ng lugar na tanging mga huni ng mga ibon sa itaas lamang ang ingay at pagaspas ng mga dahon ng mga puno dahil sa hangin.

Walang nakakaalam nitong liblib na burol na ito maliban sa akin. Kahit sa mga matatalik kong mga kaibigan ay hindi ko kailan man sinabi sa kanila ang lugar na 'to. Tanging kay Marco lang. Sa lalaking naging una lahat sa akin. Ang lalaking minahal ko ng walang alinlangan. Ang inalayan ko ng lahat sa akin at nagpabago ng pananaw ko sa buhay. Ang estrangherong lalaking natagpuan ko sa gilid ng sapa na walang malay at punong-puno ng sugat ang katawan na ngayon ay mahal na mahal ko at ganun din s'ya sa akin. Ang gumamot at nagpalimot sa madilim na bangungot ng aking pamilya. Ang lalaking nagpapangiti sa amin ni Inay, tumutulong sa pang-araw-araw naming pangangailangan at naging kapalit ni Itay sa aming buhay.

Akala ko kasi pare-pareho lang silang mga lalaki. Kagaya ng Itay. Mangluluko, babaero, sinungaling. Ngunit ng dumating s'ya sa buhay ko sa isang iglap nagbago ang lahat. Nagkaroon ng saya at liwanag ang madilim naming tahanan. Ang dating malungkot, lasingera, mainitin ang ulo at sakitin kong Ina sa isang iglap ay nagkaroon ng buhay muli. Nagbago at bumalik sa dati.

And this is our secret haven. Ang naging saksi sa pag-iibigan naming dalawa.

He opened his eyes and lovingly stared at me. "You know, Jil, no'ng una kitang makita, I want to believe in love at first sight. Pero that's not the reason why I stayed in love. Sa totoo lang, hindi naman ikaw 'yong pinakamaganda, pinakasexy, pinakamaalaga or pinakamabait. Minsan nga napakasungit mo at napakaselosa pa. Mainitin ang ulo. Noong una... naisip ko na wala sayo 'yong katangian na hinahanap ko sa isang babae. Pero habang tumatagal na nakakasama kita na-realize ko na may natagpuan akong mas higit pa sa ideal girl na tinatak ko sa puso't isip ko. Basta ko na lang natagpuan 'yong sarili kong hinahanap-hanap ka. At sa bawat pag ngiti mo ay nagbibigay sa akin ng 'di maipaliwanag na saya. Nag-uumapaw ang puso ko sa subrang tuwa at galak. Nagliliwanag ang madilim kong mundo. Para kang isang bituin sa langit na bumagsak sa buhay ko para tanglawan ang naliligaw kong landas. Para ituro sa akin kung saan ba talaga ako nararapat at 'yon ay papunta sayo. Nahanap ko 'yong sarili ko... na hindi ako kompleto kapag wala ka. Para sa akin, ikaw lang ay sapat na. Wala na akong mahihiling pang kahit ano sa buhay ko, Jil. I will trade everything I had just to have you. And no... It was never love at first sight... I stayed... dahil ikaw na 'yong gusto kong makasama sa hirap at ginhawa. And now, everytime I look at you, I'm falling in love with you over and over and over again." madamdamin n'yang sabi habang nakatitig sa akin ang nagniningning n'yang mga mata at hinahalikan ng kanyang mainit na mga labi ng paulit-ulit ang mga kamay ko.

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon