White Lies 78

26 1 0
                                    

JILLIAN

Nang makapasok sa loob, kaagad kong ni-lock ang gate. Nagtago ako sa gilid at napasandal sa pader. Nakahawak ang isang kamay sa dibdib habang kinakalma ang sarili. Malakas at mabilis ang tibok ng puso ko na para bang nakailang lap akong tinakbo.

Ilang minuto akong nanatili doon. Nang marinig kong umandar na paalis ang kotse ni Marco, muli kong binuksan ang gate at tinanaw ang papaalis niyang sasakyan.

"Sino 'yon?"

"Aww--!"

Sabay na daing namin ni Jordan habang hinihimas ang bunbunan kong nauntog sa chin niya.

Nagulat ako ng may biglang nagsalita. Hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala silang tatlo at nakikiusyuso na rin sa tinatanaw ko sa labas.

"Ano bang ginagawa niyo dito?!"

"Taray... ikaw na nga nakasakit ikaw pa galit?" inis na sabi nito habang nakangiwing hinihimas din ang kanyang baba.

Ni-lock ko ang gate.

"Malay ko bang nasa likuran ko na pala kayo."

"Bakit ginabi ka ng uwi?"

"Sino 'yong naghatid sayo? Ang gwapo ng kotse ah."

"Si Kuya Pogi ba?"

Sunod-sunod na tanong nila sa akin.

Hindi ko sila pinansin. Nilayasan ko sila at naglakad papasok sa loob ng bahay pero kaagad din akong napabalik ng hablutin ni Jordan ang braso ko, humarang naman 'yong dalawa sa daraanan ko.

"Wala ka na bang ibang alam gawin kundi mag-runaway lagi?"

"Ayaw mo na kaming kausap?"

"Hanggang kailan mo kami de-deadmahin?"

"Pati ang Nanay mo nagawa mong tiisin."

"Kaya nga, masyadong iwan 'to si Jillian."

"Nakakapika na."

"Subra..."

I sighed. Isa-isa ko silang tiningnan. Pinagtaasan naman nila akong kilay.

"Tapos na kayo magsalita? Pwede na ba ako pumasok sa loob?"

"Ano bang drama mo?" galit ng sikmat sa akin ni Jordan.

"Gusto ko lang mapag-isa to figured out things on my own."

"Pwede mo naman e-figured out ang mga bagay-bagay sa harapan namin ah."

"Agree... 'di mo need kaming iwasan."

"Tsaka para mapa--"

"Hindi niyo naman ako naiintindihan kahit anong explain ko sa inyo... mas nagmumukha pa tuloy akong masama--"

"Akala mo lang 'yon!" sabad ni Cheena. "Ayaw mo rin kasi makinig sa sinasabi namin."

"Tsaka Bess, wala kaming kinakampihan sa inyong tatlo. Sinasabi lang namin sayo kung ano ang nakikita namin."

"Tsaka feeling ko talaga Jillian may malaking dahilan ang Tatay mo kaya nagawa niya 'yon."

Tiningnan ko si Jordan.

"Sa tingin mo anong dahilan?" mabilis kong pinalis ang mga luhang sunod-sunod na pumatak na naman. "Diba nandun ka din habang pinagbubuhatan niya ng kamay si Inay? Sinisigawan at pinagsasalitaan ng kung ano-anong masasakit na salita? Diba no'ng mismong araw na iniwan kami ni Itay nandun ka rin? Nakita kitang nakatanaw sa amin ni Inay habang humahagulhol at halos mamaos kakasigaw, nagmamakaawa kay Itay na 'wag kaming iwan. Pero anong ginawa niya? Nagbingi-bingihan siya. Hindi man lang siya nagdalawang isip na ipagpalit kami sa iba. Mas pinili niya ang kabit niya kaysa sa amin, Jordan. Tapos ngayon sasabihin mo na baka may dahilan siya? Or baka naman palpak ang ipinalit niya kay Inay kaya nagsisisi siya at ginugulo niya ngayon ang tahimik naming buhay."

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon