White Lies 53

27 2 0
                                    

MARCO

"Iuuwi ko naman po talaga 'yon dito pero dun sa bahay ko kami mag-e-stay." pabalang naman na binitawan ni Mom ang tainga ko. Nakangiwing hinawakan ko iyon. "Aww-F*ck! Ang sakit no'n ah."

"Sa tingin mo 'yong asawa mo hindi nasasaktan ngayon sa ginawa mo?"

Napatitig ako kay Mom sa kanyang sinabi. Galit niyang mga mata naman ang sumalubong sa akin. Umiwas ako ng tingin saka malalim na bumuntong hininga.

"Tinago ko sa kanya ang totoong pagkatao ko. Alam niyo naman na nagpapanggap akong isang mahirap lang diba?"

I sighed again.

"Hindi ko inaasahan na mae-in love ako sa kanya. I mean... I must admit I never like her the first time I saw her. Magkaaway kaming dalawa. Pero hindi siya mawaglit sa isip ko. Kahit inis na inis ako sa kanya may pwersang humahatak sa akin palapit sa kanya. Hindi ko alam kung ano at bakit. Hanggang sa maaksidente ako doon sa Mount Quasinta at siya mismo ang nakakita sa akin. Sinagip niya ang buhay ko. Inalagaan niya ako, Mom. Maliban sayo, siya lang ang bukod tanging babaeng gumawa no'n sa akin. Silang lahat tinulungan ako ng walang alinlangan, hindi huminge ng anumang kapalit. At noong araw mismo na nagising ako pagkalipas ng isang linggong walang malay... na-realized ko sa sarili ko na gusto ko na pala siya. And I want her to be my wife kaya sinamantala ko ang pagkakataon no'ng magkasakit siya at pinapirma sa form na bigay ni Uncle Robert para makakuha akong marriage license namin."

"What do you mean?"

"Inakala niyang pera ang dahilan kung bakit iniwan sila ng Tatay niya kaya galit siya sa mga mayayamang tao. Nagawa ko lang naman 'yon para wala na siyang ibang choice kundi ang tanggapin na mag-asawa na kami." napakunot-noo si Mom sa sinabi ko. "Sumama si Julius Montecellio kay Misis Kristel Chua, sa asawa ni Mr. Rex Chua. Kaya napilitan akong itago sa kanya ang pagkatao ko dahil magpahanggang ngayon sagad sa buto ang galit niya sa Tatay niya."

"Kristel Chua? 'Yung asawa mismo ng may-ari ng Chua Group Company?"

Tumango ako. Nagkatinginan naman sila ni Dad.

"Pinagbibintangan din si Julius ni Mayor Sarmiento na pumatay ng asawa niya and he's after him for revenge. But the fact is... set up lang ang lahat. Rex Chua did it all behind Mayor Sarmiento knowledge. They were friends yet stabbing each other back."

"So, this Julius na Tatay ng asawa mo really cheated his wife?"

"No..." paulit-ulit akong umiling. "Sabi ni Keith aksidente lang na nabuntis ni Julius si Misis Chua noong minsan bumyahe sila paluwas ng Manila para mag-deliver ng mga naani nilang mga gulay. Five years old no'n ang asawa ko. Hindi pa namin alam ang buong detalye. Masyadong mailap si Montecellio. Hindi rin siya makausap ng matino."

"May nakalap na ba kayong sapat na ibidensya para malinis ang pangalan ni Julius?" tanong ni Dad.

"Yes we have it all now." sabad ng pinsan ko. Nilingon niya ako. "Pero ang nakakapagtaka Bro, bakit naatim bugbugin ni Montecellio ang asawa niya kung hindi niya talaga totoong mahal si Kristel Chua?"

Malakas na napasinghap si Mom. Kaagad naman siya inakbayan ni Dad.

"Doon ka na muna sa labas. Baka mahimatay ka pa sa mga pasabog nitong dalawa."

Alanganing tumango si Mom. "D-Doon muna ako kina Cora." tiningnan niya pa muna kaming tatlo bago dahan-dahan na naglakad palabas ng Library.

Makahulugan kaming nagkatinginan ni Dad ng makita naming napatayo ang pinsan ko mula sa pagkakaupo sa sofa. Animoy gustong sumunod kay Mom matapos banggitin nito ang pangalan ng Nanay ni Sam. Bahagya pang nakaawang ang mga labi. Napangisi ako sa itsura niya.

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon