White Lies 68

28 1 0
                                    

JILLIAN

"Aww-MARCO ano ba?!"

Pabalang akong binitawan ni Marco pagkapasok namin sa loob ng kwarto. Napahikbi ako sa sakit habang hinihimas ang namumula kong kamay na halos durugin niya habang kinakaladkad ako. Pakiramdam ko nabali 'yong buto ko sa subrang higpit ng pagkakahawak niya doon. Parang inipit ng pagkalaki-laking bakal.

"Don't you dare cry!"

"Ano bang problema mo?!"

"IKAW!" malakas na sigaw niya sa aking mukha. "Ikaw ang problema ko!"

"Ano bang ginawa ko sayo para--"

"Diba sinabi ko sayong antayin mo ako dito?" sabad niya. "Pero anong ginawa mo? Nakipagkita ka kay Gallardo!" dumadagundong na sigaw niya. Napapikit ako sa sakit ng hawakan niya ng mahigpit ang aking panga. "Nagpapaligaw ka ba sa kanya ha?"

"M-Marco... nasasaktan ako--"

Parang napapasong lumayo siya sa akin. Napapitlag pa ako ng sumigaw siya ng malakas sabay suntok sa pader. Sunod-sunod tumulo ang masagana kong luha sa subrang takot. Hindi ko kilala ang Marco na kaharap ko ngayon. Para siyang nababaliw na iwan. Nakakatakot. Parang halimaw. Kagaya ng dragon, namumula ang mukha sa galit. Kulang na lang bumuga siya ng apoy.

Nanlilisik ang mga matang tiningnan niya ako.

"H-Hinintay kita kanina..." basag ang boses na sabi ko. "...pero tanghali na wala ka pa rin. Sabi mo kasi saglit ka lang kaya..." pinalis ko ang luha sa aking mga mata. "...inisip ko nagsisinungaling ka lang sa akin."

"Kaya ka lumabas?"

Tumango ako. "Nasa dalampasigan ako ng makita ako ni Austin. Kakilala ko siya... matalik siyang kaibigan ni Kevin. He invited me to have lunch with him. Hindi na ako nakatanggi pa ng hatakin niya ako papunta sa restaurant na 'yon."

"Do you think I believed that crap?"

"'Yon ang totoo!" I sobbed then wipe my tears again.

"Siya ang ka-meeting ko kanina. Tapos..." He scoffed. "...aabutan ko kayong dalawa in a very sweet scene. 'Yong asawa ko nagpapaligaw sa iba."

"Hindi ako nagpapaligaw sa kanya!"

"Talaga? Hindi? Kaya pala magkahawak pa ang kamay ninyong dalawa habang nakatitig sa isa't isa."

"Siya ang humawak sa kamay ko!"

"Nagpahawak ka naman!"

"Alam mo... bakit ba ako nage-explain sayo e alam ko namang makitid 'yang utak mo?"

Nagtagis ang kanyang bagang sa sinabi ko. Nagtaas baba din ang kanyang dibdib na para bang pinipigilan niya ang sariling sumabog ang matinding galit sa akin. Nag-iwas siya ng tingin saka makailang ulit na nagbuga ng malalim na buntong hininga.

"Alam mo bang miyembro siya ng gang na tumutugis sa Tatay mo?" nahigit ko ang aking hininga sa sinabi niya. Mapakla siyang ngumisi. "Hindi diba? Alam mo ba kung gaano ako natakot kanina ng hindi kita naabutan dito sa loob ng kwarto? Alam mo ba ha?" mabilis niyang pinalis ang isang luhang pumatak sa kanyang mata. Natigilan naman ako sa akin nakita. "Tapos makikita kitang kasama niya. Pa'no na lang pala kung hindi kita nahanap? Pa'no kung tinangay ka n'ya? Alam mo ba kung ano ang mararamdaman ko no'n ha, Jillian?"

Nadurog ang puso ko sa sakit na nakikita ko sa mukha ni Marco. Hindi ko inaasahan ang mga sinabi niya. Ayaw kong maniwala pero sa itsura niyang nakikita ko ngayon sa harapan ko imposibleng pinaglululuko niya lang ako.

I heaved out a sighs saka dahan-dahan akong humakbang palapit sa kanya. Galit pa rin siyang nakatingin sa akin, sinusundan ang bawat galaw ko. Ginagap ko ang kamay niyang nagdurugo dahil sa pagsuntok niya sa pader. Pilit niya iyon nilalayo sa akin pero hindi ko pinakawalan. Pinagsalikop ko iyon sa aking kamay at marahan na hinaplos.

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon