White Lies 58

22 1 0
                                    

MARCO

"Yes?" matabang kong tiningnan ang secretary kong si Zephanie na pa-slowmo pang naglalakad palapit sa aking mesa.

Habang tumatagal napapansin kong umiikli na ang suot niyang palda pati ang upper garments niya masyadong revealing na. Kulang na lang lumuwa sa harapan ko ang dibdib niya. Minsan sinasadya niya pang idikit sa akin. Hindi ko alam kung anong plano niya, but one thing I'm sure, she's Chua's gang member daughter.

We're still investigating about her family background. Iba kasi ang apelyidong gamit niya. I'm not sure if it's intentional or sadyang 'yon na ang kinalakihan niya since malinis ang pagkakagawa ng mga papeles na pinasa niya sa akin noong unang nag-apply siyang trabaho dito sa kompanya ko. But knowing Serafin Lopez, there must be a hidden agenda in it. If why? I don't know yet. Kailan ko lang din nalaman na connected sila.

Soon will break your neck, bitch!

"Ito na po 'yong files na hinihingi mo sa akin, Sir."

"Okey, Thanks." muli kong binalingan ang computer. "Just put it in the table then leave."

"Remind ko lang po Sir 'yong meeting n'yo ng 9am sa CEO ng Starlin Group Company then around 11:30 lunch meeting niyo po kay Mr. Fontanella."

"Copy."

"Hindi mo ba ako isasama sa meeting mo ngayon Sir?"

"NO."

"Gusto niyo po ng kape, Sir? You looked exhausted--"

"Can you just leave me alone?" inis na sabad ko sa kanya. "I'm busy, can't you see?"

Matamis niya akong nginitian saka naglakad palapit sa akin. Umikot pa ang bruha sa mesa ko. Tumayo sa likuran ko at marahan na minasahe ang mga balikat ko. Lalong uminit ang ulo ko sa ginawa niya. Pero pinigilan kong sumabog at baka 'di ko siya matansya mabalibag ko siya palabas ng building.

"Masyado namang mainit ang ulo mo Sir."

"Get off your hands in my shoulder, Zephanie."

Warning ko sa kanya pero hindi siya natinag. Inilapit pa niya ang kanyang mukha sa tainga ko kasabay ng pagdiin ng dibdib niya sa aking likod. Malutong akong nagmumura sa aking isip.

Sh*t, kunti na lang talaga at mapapatalsik ko na ang babaeng 'to.

"Ayaw mo na ba sa akin, JM--"

"Kailan ba kita nagustuhan, Zephanie?"

"Ang harsh mo naman, Baby. Dati ang sweet-sweet mo pa sa akin. Lagi mo akong tinatawagan pero nitong mga nakalipas na taon bigla ka na lang nagbago. Nakahanap ka na bang iba? Mas maganda ba at sexy kasya sa akin?"

Mabilis akong napatayo ng dilaan niya ang tainga ko. Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa. Nanlaki ang aking mga mata ng hatakin niya ang panloob niyang tube sabay tanggal ng kanyang itim na blazer. Nakatiwangwang sa aking harapan ang malusog niyang dibdib. Bigla ko tuloy naalala si Jillian. Ang masasayang araw na magkasama kaming dalawa. Ngunit saglit lang iyon at napalitan ng matinding puot at galit ng maalala ko ang ginawa niya sa akin.

FLASHBACK...

I grab my phone then composed a message.

AKO: Hello Love... how are you? Miss na Miss na kita. Nasaan ka na ba? Okey ka lang ba? Naiisip mo pa kaya ako? Bumalik ka na sa akin please... Will never stop searching for you. Just hold on a little bit more. Ililigtas kita. Wait for me please...

Hapo-hapong sinandal ko ang katawan sa upuan. Nilapag ko ang cellphone sa table saka marahan na hinilot ang sentido. I did it almost everyday--NO every hour pala. Walang palya ko siyang pinapadalhan ng messages. Nagbabakasakaling mabasa niya at kontakin ako. Although suntok sa buwan na mangyari 'yon, still, malakas ang kutob kong babalik siya sa akin. I know Jillian. She's a brave woman and never quit. And... she loves me too. Knowing that fact makes me not to give up searching for her. Makakahanap din akong lead.

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon