White Lies 76

31 2 0
                                    

JILLIAN

"Lunch ka muna Madam."

"Ano bang nangyayari sayo at parang pinapatay mo na 'yang sarili mo sa trabaho?"

Huminto ako sa aking ginagawa ng ilapag ni Mia at Margz ang dalawang plastic clamshell mealbox at sprite in can sa harapan ko. Kumalam kaagad ang tiyan ko matapos kong malanghap ang masarap na amoy ng pagkain.

Isinandal ko ang likod sa swivel chair. Mariin na ipinikit ang aking mga mata at inunat pataas ang mga braso.

"Wala ba kayong trabaho?" sabi ko saka iminulat ang aking mga mata, seryoso silang tiningnan.

"Duh..? Ano bang problema mo at iniiwasan mo kami?"

"Para kang others, alam mo ba 'yon?"

I chuckled. "Sorry guys, ang dami ko lang na problemang iniisip this past few months. Ayaw ko--"

"Ang problema hindi iniisip 'yan." sabad ni Margz. "The more na iniisip mo 'yan, the more na lumalala. Hindi 'yan nauubos. Hayaan mong ang problema ang mamroblema sayo."

"Ayy--hindi ko akalain may utak ka pala vakla?"

"Tsee!" angil niya kay Mia. Lumapit sa akin si Margz. Sumiksik sa kinauupuan kong swivel chair. "Alam mo Madam Jillian..." hinimas-himas niya ang buhok ko. Natitigilan naman akong napatitig sa kanyang mukha. "...lahat ng tao dito sa earth may problema. Kahit nga mga hayop namomroblema din e.

Sadyang ganun talaga ang buhay natin dito sa mundo. Minsan masaya, minsan malungkot. Lahat ng bagay dito sa earth ay pansamantala lang kaya dapat enjoy every moment of your life, 'wag puro problema ang pinagtutuunan mo ng pansin, ganurrn!

Cherish all the people that surrounds around you. Hindi mo alam kung kailan sila kukunin ni Lord. Kaya habang bata ka pa at may oras pa, gawin mo na ang lahat na gusto mong gawin na makakabuti at makakapagpasaya sa mga mahal mo sa buhay, hindi 'yong pinapairal mo ang galit diyan sa puso mo. Ikaw rin... baka magsisi ka rin sa huli."

Napakunot noo ako sa huling sinabi ni Margz.

Never akong nagkwento sa kanila ng problema ko pero bakit parang... may alam siya?

Makahulugan ko siyang tinitigan sa kanyang mga mata. Kaagad naman siyang nag-iwas ng tingin sabay tayo.

"Pa'no mo naman nasabi na galit ako?"

"Ah... may sinabi ba ako?" nilingon niya si Mia. "Wala naman vakla diba? Ang sabi ko lang naman ang buhay parang layf, diba, diba?" pinanlakihan niya ng mata si Mia ng hindi ito umimik. "Tumango ka kung hindi tatanggalin ko 'yang leeg mo."

Pinanliitan ko siya ng aking mga mata.

Nagpalipat-lipat naman ang tingin nilang dalawa sa akin saka malalim na bumuntong hininga.

"Sorry... narinig kasi namin kanina si Sir Chad kausap si Boss--"

"Si Marco--este Sir JM?"

"Kalat na kalat na sa buong building na asawa ka ni Sir kaya 'wag mo ng itago."

Nangalumbaba ako sa ibabaw ng table ko.

"Hindi ko siya deserve diba?"

"Sinong may sabing hindi?" inis na tanong ni Mia. "Si Boss mismo ang pumili sayong maging asawa niya kaya malamang deserve na deserve mo 'yon no. 'Wag mong pansinin ang mga mosang na 'yon. Inggit lang sila."

"Korek..." maarteng sigunda naman ni Margz. "Mas maganda ka naman sa malantod na Zephanie na 'yon. Akala mo kung sino umasta. Buti na lang at pinatalsik na 'yon dito."

"S-Sinong Zephanie?"

"Sino pa ba?" nakairap na sabi ni Mia. "'Yong dating secretary dito. Makaasta 'yon parang amo, mukha namang pukpok. Kulang na lang maghubad sa harapan ni Boss."

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon