White Lies 44

21 1 0
                                    

MARCO

Kinabukasan maaga akong umalis ng bahay, nagmamadaling pumunta ng bayan matapos ko magpaalam kay Nay Julie at makipag-usap saglit kina Arthur sa kakahuyan. Wala kasing palya ang tawag sa akin ni Wayne. Animoy may sunog at kailangan ng agaran na responde. Kahit tinadtad ko na ng text messages hindi naman nagre-reply at sige pa rin ng sige kakatawag sa akin.

"Ano na naman bang prob---lema--" natigilan ako ng makita ko ang itsura niya pagkapasok ko sa loob ng sasakyan. "...okey ka lang ba? Anong nangyari diyan sa mukha mo? Napaaway ka ba?"

"M-My wife was missing."

"What the hell...!" bulalas ko. "Anong... missing? Nasaan sina Alex at Diego? Tsaka bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? Kailan pa nangyari?" I bombarded him a questions but didn't recieved any response from him.

"F*ck it Wayne... say something!" singhal ko sa kanya ng ilang minuto na ang lumipas hindi pa rin siya umiimik. Parang tangang nanatili lang na nakatitig sa akin.

"I don't know." frustrated napasabunot siya ng kamay sa kanyang buhok. "Umalis si Sam ng bahay--"

"Umalis?" sabad ko. "Anong dahilan at umalis siya?"

"Siguro nakita niya kami ni Jelyn--"

"You moron! Nakikipagrelasyon ka pa rin ba kay Jelyn kahit may asawa ka na?!"

"Hell No! Ofcourse not!"

Nagdilim ang paningin ko sa sagot niya sa akin. Mariin kong naikuyom ang aking mga kamao. Ayaw kong maniwala sa kanya. Knowing Samantha, hindi basta-basta aalis 'yon ng walang matinding dahilan. And I know my cousin's caliber when it comes to women.

Damn him!

Nakatiim bagang na tinuro ko ang pinto ng sasakyan sa gilid niya.

"Get out of the car." sabi ko sa kanya. Tigagal na napamaang naman siya sa akin. "I said get out of the car!"

Mabilis akong lumabas ng kotse matapos niyang bumaba. Malalaking hakbang na nilapitan ko siya saka walang babalang inundayan siya ng suntok sa panga. Wala akong pakialam kung may black-eye pa siya at may mga pasa pa ang mukha niya.

"You asshole!" kwenilyuhan ko siya. "Now tell me the truth or else I will f*cking kill you!"

"Hold on your temper bro--"

Hinigpitan ko lalo ang pagkakahawak sa kanyang kwelyo.

"Tell me the truth!"

"Damn it." he cursed multiple times that outgrow my anger.

I gripped his collar harder, wanted him to choke to death but I restrained myself.

"Tell me the f*cking truth..!"

"Pumunta ng bahay si Jelyn to seek an advice dahil hindi gusto ni Tito ang boyfriend niya. She's pregnant with her boyfriend named William. Nakita kami ni Sam na magkayakap sa sala habang kino-comfort ko si Jelyn. Umalis siya ng walang paalam. That's why she's missing. Hindi ko siya mahanap."

Pabalya ko siyang binitawan. Kaagad niya naman inayos ang nagulong damit saka marahan na hinihimas ng tatlong daliri ang kanyang panga na tinamaan ng kamao ko.

"Pinuntahan mo ba sa Hacienda?"

"Yes but... she wasn't there."

"Sila ba ang may gawa niyan sa mukha mo?"

"Migz and Keith... Ryan and James just watched while those two punched and kicked me to death."

I evily smirked. "Kulang pa nga 'yan e."

"I know... but this is not the reason why I came here, bro. I need your help."

"Pinahanap mo na ba kina Suarez and Santos?"

"I did but didn't find any trace of--"

"M-Marco?" sabad ng boses ng babae.

Naitulos ako sa aking kinatatayuan ng makilala ko ang boses ni Jillian. Marahas akong napalingon. Kaagad nanlamig ang aking buong katawan habang nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kanya. Kunot-noong nagpapalipat-lipat ang nagtatanong niyang mga mata sa aming dalawa ng pinsan ko. Nakatayo siya 'di kalayuan sa sasakyan. Bigla akong linukuban ng matinding takot. Humampas ng pagkabilis-bilis ang puso ko. Halos mabingi ako sa subrang lakas ng tibok nito.

Tinuro niya ang pinsan ko. "Anong ginawa mo sa mukha niya?"

"J-Jillian..." malalaking hakbang na nilapitan ko siya. "What are you doing here? Kanina ka pa ba?"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Anong kasalanan niya para bugbugin--"

"Hey..." sabad ng pinsan ko. "Hindi si JM ang may gawa nito sa akin."

Mariin akong napapikit ng banggitin ng magaling kong pinsan ang palayaw ko.

"Jillian--"

"JM?" lalong lumalim ang pagkakakunot ng kanyang noo habang nakatitig kay Wayne.

"Yeah..." lumapit pa ang h*nayupak kay Jillian. "I'm glad to finally met you in person. Kaya pala nagmamadali ang lalaking 'tong pakasalan ka." nakangiting tinapunan niya ako ng makahulugan na tingin saka iniumang kay Jillian ang kanang kamay. "Joyce Jillian, right? I'm John Wayne Santiago, your husband cousin."

Namilog ang mga mata ni Jillian sa sinabi ni Wayne. Bahagya pang nakanganga ang mga labi. Tapos ako si tanga parang tuod na hindi na makakilos pa sa aking kinatatayuan. Nilayasan ng aking utak at nalulon pati ang aking dila. Hindi ako makapagsalita. Ni hindi ako makagalaw para sana pigilan ang pinsan ko. Mas nangibabaw ang takot sa aking dibdib. Na ngayon mas dumoble or millions times ata dahil sa nakikita kong pagbabago ng expression ng mukha ni Jillian.

F*ck I'm dead trouble...

"C-Cousin?" mahinang sambit niya sabay tingin sa kotse ni Wayne. "J-John W-Wayne S-Santiago, the famous car racer and b-business t-tycoon..."

Nagtatakang nilingon ako ng pinsan ko. I glared at him with my dagger eyes. Nakita ko pa siyang napalunok sabay lingon kay Jillian na ngayon ay unti-unti ng tumutulo ang luha sa kanyang pisngi habang umiiling na nakatitig sa akin.

"Jil, I can explain..." humakbang ako palapit sa kanya ngunit umatras siya. Umiwas din siya ng tangkain ko siyang hawakan.

"You didn't tell her the truth, yet?" narinig ko pang sabi ng pinsan ko pero hindi ko siya pinansin.

"Jillian... listen to me first, please..." I beg but she continued shake her head. Not wanting to listen with my plea. "My loves... please... it's not what you think--"

"J--M..." she murmured. "...that lead vocalist of PRINX boy band... kaya pala magkamukha kayo." she chuckled while her tears keep falling on her cheeks. "Para akong tangang pinagkukompara pa kayong dalawa 'yon pala ikaw din 'yon... iisa lang kayo."

Damn it... "Jillian--"

"Stay where you are..!" madiing sabi niya habang nakataas pa ang isang kamay ng humakbang muli ako palapit sa kanya. "...don't you dare get near me." she chuckled again then look away. "JM... J---M... Jeff... Marco..." tumango-tango siya sabay punas ng luha. "...make sense."

"Jil, please listen to me first--"

"No..." umiiling na sabi niya. "No. Go away... go away." pumiyok ang kanyang boses sabay talikod.

Pinara niya ang dumaan na tricycle na walang sakay saka nagmamadaling pumasok doon.

"Jillian..!" sigaw ko pero umandar na papalayo ang tricycle. "F*ck..!"

"I'm sorry bro, I didn't know--"

"Pahiram muna ng kotse." sabad ko sa kanya saka nagmamadaling pumasok sa loob niyon.

Kaagad kong pinaandar iyon at hinabol si Jillian.

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon