White Lies 35

28 2 0
                                    

JILLIAN

Hinanda ko na ang sarili ko sa sakit na maaari kong maramdaman oras na bumagsak ako sa damuhan pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi iyon nangyari.

Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata ng maramdaman kong nakalutang pa rin ako sa ere. Tiningnan ko si Marco. Nakangisi siya sa akin habang mahigpit na hawak ang baging. Naglakad siya palapit sa pwesto ko na hindi pinuputol ang titig sa akin. Nakasunod lang sa kanya ang aking mga mata hanggang sa huminto siya mismo sa lugar kung saan ako babagsak.

"Marco--Aaaaaaaaaaaaaah!" tili ko ng bigla niya na lang iyong binitawan.

Mabilis akong bumulusok pababa. Halos takasan ako ng hininga sa ginawa niya.

"Gotcha!" narinig kong sabi niya ng lumanding ako mismo sa kanyang mga bisig.

Adrenaline rush on my whole body. Trembling and scared. Ilang minuto akong nanatiling mariin na nakapikit nang maramdaman ko ang kanyang mainit na mga labing dumampi sa aking noo. I slowly opened my eyes. Nag-aalalang mga mata pero nakangiting mukha ni Marco ang sumalubong sa akin.

I can literally hear the strong and fast thud of our heart inside our chest while staring at each other intently. Ilang minuto kaming nanatili sa ganung posisyon. Him, standing still while carrying me in a bridal style. Walang nagsalita. Wala din may gustong magbawi ng tingin. Animo'y na-star struck kami sa isa't isa at parang ngayon lang muling nagkita.

Looking at his damn brown eyes brought me back again from the past, in SM, the first time I laid my eyes on him. And still has the same effect on me! This is insane but damn... I can't take off my eyes on him!

"Don't stare me like that, Jil... I might lose my sanity and force you to be mine..."

What did he mean by that?

Napakurap-kurap ako sabay suntok sa kanyang dibdib.

"Walanghiya ka. Balak mo pa talaga akong iwan kanina."

He laughed. "Sa tingin mo ba gagawin ko 'yon sayo?"

"Aba malay ko. Baliw ka pa naman."

"Yeah, baliw na baliw sayo." ngumiti siya ng matigilan ako. "You even look sexy while hanging up there..." nakatawang sabi niya. "...but you scared the hell out of me." at mahigpit akong niyakap. "I thought someone... shit."

Ang matigas niyang braso nakapulupot sa ilalim ng aking leeg at ang isa naman ay sa ilalim ng aking mga hita. Nagmistula akong isang bata sa ibabaw ng kanyang mga bisig. And it felt like he's squeezing me the way he hugged me and I kinda loved it. Tumatagos sa aking mga balat ang init ng kanyang katawan.

"I can't breath anymore, Marco." sabi ko ng humigpit pa lalo ang pagyakap niya sa akin.

He chuckled. "Sorry... I just can't help it."

"Ibaba mo na ako." sabi ko saka ginalaw ang aking mga paa para makababa pero nakatali pa pala iyon ng baging. Nagpalinga-linga ako sa paligid. "Pakibaba ako dun." turo ko sa kanya sa patag na damuhan pero hindi ito gumalaw. Tiningala ko siya. Kaagad nangunot ang aking noo ng makita kong nakatitig siya sa aking dibdib. "Really, Marco?!"

He blinked his eyes twice. "What?" nakatawang sabi niya.

"Sabi kong ibaba mo ako dun..." sabi ko habang nakaturo ang kamay sa patag na damuhan. "...hindi 'yong tinititigan mo pa ang dibdib ko. Bastos ka talaga kahit kailan e no."

He laughed wholeheartedly. "Why? The view is breathtakingly beautiful. I just can't take off my eyes on it. In fact I've seen it before without... your... bra's... on." he's voice faded little by little while saying those words.

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon