White Lies 16

32 1 0
                                    

JILLIAN

"Bakit mo naman ginawa 'yon?" nagtatakang tanong sa akin ni Jordan pagdating namin sa dalampasigan.

Humihingal na kaagad akong sumalampak sa buhanginan. Napagod ako kakatakbo makalayo lang sa lalaking 'yon. Akala ko hahabulin niya kami. Hindi ko naman sana gagawin 'yon e. Kaso iwan ko ba sa sarili ko at naisipan kong pag-trip-an siya. Tuloy sa subrang pagkataranta ko naibato ko ang cellphone sa kanya. Sapol ito sa noo. Napahagikhik ako.

"Anong bakit ginawa ko 'yon? Dasurb niya 'yon no." nakatawang sabi ko sa kanya. "Tsaka siya ang dahilan kung bakit pinahirapan mo akong magbibit ng pagkabigat-bigat na groceries!"

"Kawawa naman 'yon--AWW!" maarteng daing ni Jordan ng batukan ko siya.

"Naawa ka sa kanya pero sa akin hindi?" singhal ko sa kanya sabay ngiti habang inaalala ang umuusok sa galit na mukha ng lalaking 'yon. "Well amanos na kami ngayon. Pero infairness ang wafu niya no. Kamukha niya talaga 'yong lead singer ng PRINX Boy Band."

"Napansin ko nga din e. Akala ko nga siya 'yon kaso naka-long hair tsaka may tattoo at earings 'yong sa PRINX band samantalang siya naka-Ivy league haircut, walang tattoo. Ang linis-linis niya tsaka simple lang. Mukhang 'di makabasag pinggan hindi kagaya ni JM astig."

"JM? Sinong JM?" nagtatakang tanong ko kay Jordan.

"Sino pa ba? 'Yon ang tawag no'ng babaeng nagsabunutan do'n sa live show nila sa New York."

"Bakit JM? Diba Jeff ang pangalan niya?"

"Malay ko. Baka screen name lang niya 'yon. Tsaka misteryoso ang grupo nila. Kahit anong search ko sa google wala na akong mahanap na impormasyon tungkol sa kanya. Pinagde-delete pa 'yong iba."

"Wala na nga din akong update sa kanya--AYY ANO BA?!" singhal ko kay Jordan ng bigla niyang sundutin ang tagiliran ko.

He laughed. "Akala ko ba man hater ka? Ano 'yong nakita kong mga picture sa kwar--"

"Pumasok ka sa kwarto ko?!"

"Well aksidente lang nam--Aray! Pokang ka. Bitawan mo ako!" sigaw ni Jordan ng sabunutan ko ang buhok niya.

"Kaya pala may nawawala akong album doon."

"Wala akong kinukuha--Aray ang sakit Jillian!" hiyaw niya ng higpitan ko pa ang pagkakasabunot sa kanya.

"Ibalik mo 'yon. Luko ka. Matagal kong pinag-ipunan 'yon para makompleto ko ang lahat ng album niya tapos nanakawin mo lang."

"Isa lang naman--"

"Kahit na!"

"E sa akin naman 'yong dalawa no'n ah? Ibalik mo muna sa'kin 'yong dalawang kinuha mo saka ko ibabalik 'yon sayo."

"Eiiiiii." napapadyak ako sa sinabi niya.

Pinagkakalas niya ang kamay kong nakasabunot sa buhok niya. "Eiiiiii." naka-wacky face na gaya nya pa sa akin habang hinihimas ang kanyang anit. "'Wag mo ng pagpantasyahan ang lalaking 'yon. Never ka no'n magugustuhan. Kita mo naman ang itsura ng mga babaeng naghahabol sa kanya. Ingrown ka lang nila. Baka gusto mo din makatikim ng sabunot sa mga praning na babaeng 'yon."

"Ingrown." Iningusan ko siya. "Hindi ko siya pinagpapantasyahan no. Bilib lang ako sa ganda ng boses niya."

"Sus kunwari ka pa."

"Ito parang tanga. Langit at lupa ang agwat namin sa buhay no. Sa tingin mo magkokrus man lang ang landas naming dalawa? Mamuti na siguro 'yang mata mo hindi 'yon mangyayari."

"Nasa business industry din siya, remember? So malamang may chance. Kaya nga Business administration ang kinuha mong kurso." tumawa siya ng matigilan ako sa sinabi nya. "Um--um, kala mo 'di ko alam? Kaso malas wala kang mahanap na info about sa family business nila dito sa Pinas."

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon