White Lies 86

27 3 0
                                    

JILLIAN

"I. . .want to feel--touch you Clark." daing ko sa kanya habang paulit-ulit na minumura siya sa aking isip.

Nag-angat siya ng tingin saka tinitigan ako sa aking mga mata. Bahagya pang nakaawang ang kanyang mga labi.

"Please. . ."

Nakita ko pa siyang napalunok bago ako muling hinalikan, mapusok at nagmamadali.

Siguro nadala siya sa pagtugon ko, pagpapaubaya at peke kong mga daing na para bang nagugustuhan ko ang ginagawa niya sa katawan ko kaya bigla niya na lang kinalagan ang pagkakatali sa aking mga kamay.

Tinulungan ko pa siyang matanggal iyon ng maramdaman kong lumuwag na ang tali. Ipinulupot ko kaagad ang aking mga braso sa kanyang leeg at nakipagpalitan sa kanya saglit ng halik.

Gusto kong bumunghalit ng iyak pero tiniis ko ang lahat. Sina Marco at Max ang tanging laman ng aking utak habang ginagawa ko iyon.

I need to escape no matter what!!

Nang masiguro kong tangay na tangay na siya, malakas ko siyang itinulak. Hindi niya inaasahan ang ginawa ko kaya nahulog siya sa kama kasabay nang biglang mga putukan ng baril na umalingaw-ngaw sa labas.

Marahas akong napalingon sa pinto saka tumakbo doon ngunit naagapan niya ang isa kong paa. Bumagsak ako sa sahig pero mabilis kong itinukod ang isa kong kamay sabay sipa sa kanyang mukha ng kabila kong paa. Nabitawan niya iyon at malutong akong pinagmumura.

"You tricky bitch! I'll f*cking kill you!"

"Boss Clark, napasok tayo ng mga tauhan ni Del Carpio!" humahangos na sabi no'ng lalaki pagkabukas ng pintuan.

Nagkagulatan pa kaming dalawa pero kaagad akong kumilos. Mabilis kong hinatak palayo ang dulo ng baril na akmang itututok niya sa akin sabay tuhod sa kanyang sikmura at siko sa kanyang mukha. Umikot ako sa likod no'ng lalaki, ginamit ko ang kanyang baril kay Clark ng makita kong babarilin ako nito. Nakailag naman ito sa bala habang galit na galit at paulit-ulit akong pinagmumura.

Pabalya kong itinulak ang lalaki papunta kay Clark sabay karipas ng takbo palabas. Muntik-muntikan pa akong matamaan ng ligaw na bala sa pagmamadali ko.

Pagdating ko sa dulo ng pasilyo napaatras ako ng makita kong may dalawang lalaki doon, pinaputukan nila ako kaagad. Buti na lang nakaiwas ako sabay takbo pabalik, lumiko ako sa kabilang pasilyo ngunit pagdating ko sa unahan may biglang sumulpot na tatlong tauhan doon. Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita. Kaagad akong nagtaas ng dalawang kamay. Pero saglit lang at kaagad bumulagta ang mga ito sa sahig. Wala ng buhay, may tama ng bala sa ulo. Sunod-sunod akong napalunok kasabay ng malakas na tibok at paghampas ng puso ko. Pinagpawisan din ako ng malamig habang nakatitig sa duguan nilang katawan.

"At--Jilliaaaaan!"

Marahas akong napaangat ng tingin nang marinig ko ang boses ni Jas na humahangos na lumabas sa dinaanan ng tatlo.

"Jas. . ." I murmured.

Patakbo itong lumapit sa akin, may bitbit na baril.

"Okey ka lang ba?" sinipat niya ang buong katawan ko. "Sinaktan ka ba nila--" biglang nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatingin lampas sa aking likuran, lumingon din ako doon. "NOOOOOO!" nilamon ang sigaw niya sa lakas ng putok ng baril sabay tulak sa akin.

Bumagsak ako sa sahig kasabay niya.

Halos panawan ako ng ulirat ng makita kong may tama siya sa kanyang balikat.

"Jaaaas!" sigaw ko sabay lapit sa kanya. "Jasmin..?"

"Aww--t'ngna. I'm okey. . ."

"Not so fast Montecellio."

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon