White Lies 91

31 3 0
                                    

JILLIAN

"Napansin niyo ba 'yong asawa ng kapatid ni Kuya Pogi?"

"Sino? Si Shienna?"

"Oo."

"O, ano na naman napansin mo?"

"Parang. . . may gusto siya sa pinsan ni Kuya Pogi."

Nagkatinginan kaming lima sa sinabi ni Cheena.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng kwarto namin ni Marco, inaayusan ako ni Jordan para sa bonggang garden wedding ko. Si Cheena naman kay Mia, at si Blessie kay Jas. Si Margz, iwan kung saang lupalop na naman pumunta. Simula ng dumating dito noong nakaraang araw hindi na namin mahagilap.

Hindi ko akalain na matagal ng pinagplanuhan lahat ni Marco ang kasal naming dalawa.

It's been four years since he started to make this wedding plan!

Akala ko minaniobra niya ang lahat in just two weeks. 'Yon pala, noon pa ready ang lahat. Ako na lang ang kulang.

Nakokonsensya tuloy ako sa ginawa kong pagpapahirap sa kanya but still it's all worth it. And now, the wait is over. I'm getting married to Jeff Marco Del Carpio for real!

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kanina pa ako nate-tense.

Dalawang linggo kami hindi nagkita. Hindi ko alam kung saan siya pumupunta at kung ano ang inaasikaso niya, laging wala sa Mansion.

Masyado siyang busy!

Hinayaan ko na lang din.

I know he will come back to me.

And now, It's our grand wedding day!

Lahat ng kaibigan niya at mga kamag-anak ay imbitado. Pero till now nagtataka pa rin ako bakit hindi kasama ni James ang asawa niya. Tanging ang dalawang anak na lalaki lamang ang kasama. Nahiya naman ako magtanong lalo't nakakaintimidate ang kanyang awra. Although nakangiti siya sa akin, still masyadong siyang tahimik at seryoso. Unlike sa ibang mga kaibigan ni Marco or maybe may problema siya? I don't know and I'm not sure.

"Si Wayne?" tumango si Cheena. "E, asawa 'yon ng kapatid niya diba?"

"Oo."

"Naman pala--"

"Napansin ko din." sabad ni Jas. Napatutok kaagad ang tingin namin sa kanya. "Iba 'yong tingin ni Ate Shienna kay Kuya Wayne. Parang. . . iwan. Ang hirap e-explain."

"Weee? Anong klasing tingin? Ganito ba?" matalim na tinitigan ni Mia si Jas. "O ganito--Aww!" hiyaw nito ng hatakin ni Cheena ang kinukulot na buhok. "Bakit ba?!"

"Ang sama ng tingin mo."

"E 'yon ang nakita ko habang nakatingin siya kay Sam."

"Seryoso ka?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

I sighed. "Napansin ko rin 'yan simula ng dumating sila dito no'ng nakaraang linggo. Mukhang mainit ang dugo niya sa amin ni Sam."

"O diba? Sabi sainyo e, may iba talaga."

"Plastik."

"Yes, korek ka diyan."

"Naka-smile siya kapag kaharap tayong lahat pero kapag nakatalikod ang sama ng tingin niya."

"E bakit hindi ko makita ang mga nakikita niyo aber?" nakapamewang na tanong ni Jordan.

"Malamang nakatutok lang 'yang malaki mong mata sa mga machong trabahador doon sa rancho."

Malakas kaming nagtawanan sa sinabi ni Jas. Parang bulateng nabudburan naman ng asin si Jordan sa likuran ko sa subrang kilig saka pinagpatuloy ang pag-aayos ng aking buhok.

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon