White Lies 47

30 2 2
                                    

MARCO

Parang ginigiling ng pinung-pino ang puso ko sa subrang sakit na naramdaman ko habang nakatanaw kay Jillian na tumatakbo't malakas na humahagulhol papunta sa kakahuyan. Alam ko papunta siya sa burol. Gusto ko sana siyang sundan pero mahigpit akong pinigilan ni Nay Julie sa aking braso at paulit-ulit na umiiling sa akin.

Damn... hindi ko akalain na ganito pala katindi ng impact ng nagawa kong paglilihim sa kanya. How much more 'yong nasaksihan niya mismo ang panluluko ng kanyang sariling ama?

F*cking sh*t Marco!! Napakaduwag mo kasi! Kung kailan pure 'yong intention ng babae saka ka naman naduwag. Langit na ang nakuha mo, lumagapak ka pa pabalik sa lupa! Damn man...

"Bumalik ka na muna sa inyo, Marco. I'm sure miss na miss ka na ng pamilya mo. Ilang taong ka rin nawala. Malamang subra-subra ang pag-aalala nila sayo."

Tiim bagang na naikuyom ko ang aking mga kamao habang nanatiling nakatanaw sa dinaanan ni Jillian. Ayokong umalis nang hindi siya kasama but damn... knowing her, I don't think mapapayag ko siya ngayon.

Damn it!

Mabibilis ang mga kamay na dinukot ko ang cellphone sa aking bulsa. I dialled Arthur number. Isang ring lang ay kaagad itong sumagot.

"I saw your girl... ikaw ba nagpaiyak don?" bungad niya.

I cursed him.

"She knows everything now, hindi mo na kailangan pang mag unggoy-ungguyan diyan sa itaas ng puno na bwesit ka." malakas itong napahagalpak ng tawa sa kabilang linya. "Umayos ka Thur, baka maibaling ko sayo ang galit ko."

"Grabe... sa akin talaga?" he laughed again. "Anyways, condolence sa puso mong sawi--"

"T'ngna ka. Ikaw ang dahilan kaya naghinala sa akin si Jillian. Palpak ka talaga kahit kailan!"

"Sus ako talaga?"

Lalong uminit ang ulo ko sa mga sagot niya sa akin. Kung kaharap ko lang siya, siguradong comatose ang bwesit na Arturo na 'yon. Nawiwili na akong asarin e.

He cleared his throat. "Anyways, what's the next plan, Boss?"

"Bantayan niyo siya--"

"Nakakatakot Boss..." kaagad na sabad niya. "...lagi kaming natatakasan. Ang dami niya pa naman na patibong dito sa kakahuyan. Sino bang naghukay ng pagkalalim ng hukay na 'yon? Magdamag akong na-trapped do'n a."

I released a pissed groaned. "Sa subrang dami n'yo tinalo lang kayo ng maliit na babae? Nasaan ang well trained na binibida-bida mo sa akin na h*nayupak ka?! Sana pala 'di ka na nakalabas sa hukay na 'yon. Tinabunan ka na lang. Wala ka talagang kwenta--"

He laughed wholeheartedly. Nakagat ko ang aking kamay ng pagbaling ko masamang titig ni Nay Julie ang sumalubong sa akin.

"Sorry po Nay..." nakangiwing hinging paumanhin ko sa kanya.

Bahagya akong tumalikod at paulit-ulit na pinagmumura si Arthur sa aking utak.

"Sabi mo kasi bawal hawakan e." katwiran pa niya sa kabilang linya. "Ayaw pa namin ma-double kill no."

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon