White Lies 14

26 2 0
                                    

MARCO

"Mom, Dad? Anong ginagawa niyo dito?" bulalas ko ng mabungaran ko sila pagkabukas ko ng pinto ng aking Unit.

"Ano itong nabalitaan namin na pinagtatanggal ni Miguel ang mga trabahador sa tubuhan?" galit na tanong ni Dad sa akin.

Malalim akong napabuntong-hininga sabay lock ng pinto. Nilagay ko sa gilid ang mga gamit na binili kong pang-camping sa SM.

Muli ko silang tiningnan saka naglakad palapit sa kanila sa may sofa. "Pinabalik ko na silang lahat. Mainit ang ulo--"

"Mainit ang ulo niya kaya sa mga trabahador na matagal ng naninilbihan doon ibinunton ang kanyang galit?! Nababaliw na ba siya? Nasaan ba ang g*gong 'yon at wala daw doon sa Hacienda sabi ni Nana Rosa?" singhal sa akin ni Dad.

"Kailan pa kayo dumating?"

"Sagutin mo ang tanong ko, hindi 'yong iniiba mo ang usapan."

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam kung nasaan siya."

"Hindi mo alam?" tanong niya saka salubong ang mga kilay na pinasadahan nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Anong nangyari sayo at ganyan ang itsura mo?" tanong ni Dad.

"Bakit gula-gulanit 'yang damit mo? Nakipagbasag-ulo ka na naman ba JM?" galit na tanong naman ni Mom.

I chuckled. "Galing kaming San Agustin. Nag--"

"Naglakwatsa? Kasama ng mga barkada mo? Kaya pala hindi ka mahagilap sa opisina sa tuwing tumatawag ako doon dahil nagbubulakbol na naman kayo ni Miguel. Kailan ba kayong dalawa titino ha?" sabad ni Mom.

"Hindi lang naman lakwatsa ang pinunta ko doon. Nakipagkita din ako kay Mr. Chua. Sa Lunes na ako mag-start pumasok sa opisina. Tsaka kahit hindi ako pumapasok updated naman ako sa nangyayari doon."

"Kayo talagang anim kahit saan kayo magpunta puro sakit sa ulo ang dala niyo. Iwan ko ba kung ano na ang gagawin ko sa inyo. Nakakapagod. Bahala na nga kayo sa buhay niyo!" sabi ni Dad sabay hakbang palabas ng Unit ko. Sumunod sa kanya si Mom.

"Saan kayo pupunta, gabi na?" nagtatakang habol na tanong ko sa kanila.

Huminto sila saka ako nilingon. "Uuwi ng probinsya. Kailangan kong bisitahin doon. Pati 'yong beterinaryo tinanggal ng Miguel na 'yon. Ano bang balak niyo sa Hacienda, pabagsakin? Pamana pa 'yon sa Lola niyo ng mga magulang nila tapos ginaganun-ganun niyo lang? Paano 'yong mga taong umaasa lang doon? Kahit kailan talaga wala kayong mga utak. Ano bang kinaaayawan niyo doon sa Hacienda ha?"

I sighed. "Wala po akong kinalaman diyan. Si Miguel na lang ang tanungin niyo. Ilang ulit ko na rin sinabi sa inyo ang dahilan ko kung bakit ayaw ko. Tsaka bumibisita naman ako doon ah."

"Siguraduhin mo lang na hindi ka na masasangkot pa sa kahit anong gulo. Tsaka 'yang itsura mo..." sabad ni Mom habang pinapasadahan pa rin ang kabuuan ko. Literal sa punit kong damit. "...ayusin mo nga ang sarili mo JM. Umuwi ka lang dito sa Pilipinas nabaliw ka na ng tuluyan."

Tumawa ako.

Sinamaan niya ako ng tingin.

Tumigil ako sa pagtawa pero abot tainga pa rin ang ngiti ko sa kanya. "Bukas na kayo umuwi. Gabi na. Tsaka kumain na ba kayo? Kailan pala kayo dumating?"

"Ang dami mong tanong. Sige na, aalis na kami. Mabilis lang naman ang byahe. Tsaka..." humakbang si Mom palapit sa akin. Hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa. Aw! Nakangiwing daing ko pa ng pingutin niya ang tainga ko. "...magtino ka ng bata ka, utang na loob. Mamamatay ako sa subrang pag-aalala sayo." sabi niya habang nanggigigil din ang pagpingot sa akin. Animo'y isa akong bata na nahuling gumagawa ng kalukuhan.

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon