White Lies 31

22 1 0
                                    

JILLIAN

Haist... ano bang pumasok sa utak ko at pati 'yon sinabi ko pa sa kanya?

Makailang ulit kong pinagtatampal ng kamay ko ang aking ulo bago pumasok sa aking kwarto. Lumapit ako sa drawer saka naghalungkat ng pwede kong ipalit sa suot ko. Nakakita akong isang malaking dilaw na t-shirt. Kinuha ko iyon pati ang isang maong shorts sa kabilang drawer. Nilapag ko iyon sa papag. Umayos ako ng tayo at akmang maghuhubad na sana ng damit ng malingunan ko si Marco na nakatayo sa bukana ng pintuan ng kwarto ko. Bahagya pa akong napaatras sa subrang pagkagulat.

"Anak ng... anong ginagawa mo dito?!" sighal ko sa kanya.

Pero hindi siya natinag. Ni hindi niya nga ako pinansin. Nakanganga at nanlalaki pa ang mga matang pumasok sa loob ng kwarto ko habang walang kurap-kurap na nakatitig sa mga ginupit kong larawan sa magazine na nakadikit sa dingding. Matagal niya iyon tinitigan animo'y gulat na gulat at hindi makapaniwalang meron ako ng mga ganun saka ako binalingan.

"Bakit marami kang picture na nakadikit diyan sa pader ng lead singer ng PRINX boy band?" nakakunot-noong tanong niya sa akin habang nakaturo pa ang isang kamay doon.

Bumuka ang bibig ko pero wala ni isang salita ang lumabas doon. Animo'y tinakasan ako ng aking utak at wala akong maapuhap na tamang sagot sa tanong niya. Nagpalipat-lipat pa ang aking tingin sa kanya at sa pader. Hanggang sa nagsalubong ang aking mga kilay ng nakakaluko niya akong nginisian.

Putakte... isa ring marumi ang utak.

Tinuro ko sa kanya ang pintuan. "Lumabas ka. Magbibihis ako."

Pinagtaasan niya ako ng kilay. "So you're obsessed with that guy huh?"

Nalukot ang mukha ko sa sinabi n'ya. "Obsessed? Anong obsessed ba ang pinagsasasabi mo?" sabi ko pero pinagtawanan niya lang ako. Naiinis ko siyang nilapitan saka tinulak palabas ng kwarto. Nagpatianod naman siya habang abot tainga ang ngisi sa akin. "Next time 'wag kang papasok ng walang paalam dito sa kwarto ko ha."

He chuckled. "Sabi ni Cheena man hater ka pero bakit grabe ka kung makadikit kay Kevin? Tapos..." huminto siya sa pagsasalita saka tiningnan ang tadtad na picture na nakadikit sa pader at muli akong tinitigan ng makahulugan "...marami kang collection ng mukha niyang singer."

Uminit ang ulo ko sa mga sinabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin at dinuro para pagtakpan ang aking pagkapahiya. "FYI hindi ako dumidikit kay Kevin at..." nilingon ko ang pader saka tinuro. "...ang mga 'yon ay collection ko sa paborito kong banda. Tsaka isa pa..."pinamewangan ko siya. "...pakialam mo ba kung nangongolekta ako ng picture niya?"

"Crush mo siya?" nakangising tanong niya sa akin. "Or maybe you love him that much kaya nangongolekta ka ng larawan ng lalaking 'yon."

"Love him that much... agad-agad? Ganun ako kababaw? Tsaka never akong na-in love no. Crush... hmmm..." nilingon ko ang pader habang nag-iisip saka binalingan siya. "...maybe crush ko siya, oo. Tsaka ano naman sayo kung crush ko nga or love ko siya? Damn..." natampal ko ang aking noo. "Bakit pala ako nag-e-explain sayo?"

Tumawa siya. "You know what, you look even more prettier when you get angry."

Napamaang ako sa sinabi niya pero kaagad ko rin siya sinamaan ng tingin sabay sara ng pinto. Ngunit nagulantang ako ng itulak niya iyon pabukas. Napaatras pa ako sa ginawa niya.

Pinamewangan ko siya. "Kahit kailan talaga bastos ka e no."

Tumawa na naman siya na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. "Ako pa talaga itong bastos? Nag-uusap pa tayo tapos bigla mo na lang ako pagsasarhan ng pinto. Sino ngayon ang bastos sa ating dalawa aber?"

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon