White Lies 55

26 1 0
                                    

MARCO

"Sigurado ka bang dito ang kuta nila?" nag-aalangan na tanong sa akin ni Wayne habang iginagala ang paningin sa paligid.

Kasalukuyan kaming nasa mataas na tulay, ang 'Sula Bridge' na konektado papunta sa siyudad. Minamanmanan namin ang lugar kung saan dinala ang dinukot na kapatid ng kaibigan naming si Kate.

Isang liblib at napakagandang lugar ang dinatnan namin sa probinsya ng Albay habang tina-track ang kinaroroonan ni Ryan. Bundok, maraming puno at napapaligiran ng tubig dagat ang natatanaw kong isla. May mga nakahilirang kubo at mga fish pond ata ang nasa harapan ng mga iyon. May natanaw din akong dalawang malaking barko na nakadaong sa kabilang gilid. Nagkalat din ang mga armadong kalalakihan. May mga babae rin akong nakita, mukhang mga turista na iwan. Hindi ako sigurado. Subrang ikli ng mga suot na shorts, labas pa ang mga pusod at blonde hair. Napakunot-noo ako sa nakita kong tattoo sa braso no'ng isang babae. Tadtad pa ng hikaw ang tainga, pati ilong at kilay merong nakasabit.

Mangilan-ngilan din ang dumadaan na mga maliliit na bangka sa ilalim ng tulay. Meron din akong natatanaw sa malayo na mga lantsa at fiber boat na nasa laot papunta sa syudad. Puno ng pasahero. I wonder kung saan galing ang mga 'yon at kung ano ang mga sakay.

"Dito tayo dinala nitong GPS kaya sigurado akong nandito sina Ryan at Kate." tiningnan ko ang imaheng nakikita ko sa cellphone ko na pinadala sa akin ni Clayde saka lumingon sa labas. "Tingnan mo 'yon..." tinuro ko sa kanya ang isang napakalaking bahay na nasa tuktok ng bundok, napapaligiran ng iba't ibang naggagandahang bulaklak, saka pinakita sa kanya ang screen ng cellphone. "Parehas dito sa kuha ng hidden camera ni Ryan." tumingin ako sa ibaba ng tulay. "Malamang nandun sila sa kabila."

"Subrang daming bantay, Bro. Kakayanin kaya nating dalawa lang?"

"Siraulo. Ano ka si Lastikman? Walastik kung pumitik 'yon, washout lahat ng kalaban." I chuckled. "Malamang magdadala tayong back-up but we need to find out first where's the exit point. "

"Kala ko magpapakamatay ka nang tuluyan." he laughed. "Naligtas mo nga sila, ikaw naman 'yong pinaglamayan. Tsk tsk."

"Hindi ako kagaya mong nababaliw na--"

"Sus, kunwari ka pa. Three months ka nang 'di kinakausap man lang ng asawa mo, hindi man lang nagre-reply sa mga text messages mo. Imposibleng cool ka lang. Ang plastik mo kung ganun." umiling-iling siya ng magsalubong ang mga kilay ko sa kanyang sinabi. "'Wag ako Bro, kilala kita mula ulo hanggang paa. "

I sighed. "Yeah right... pero kaya ko pa naman tiisin ang tanaw-tanaw lang mu--" natigilan ako ng may biglang kabang bumundol sa aking dibdib.

Wala sa sariling napahawak pa ako doon. Napalunok ako ng tumibok iyon ng pagkabilis-bilis. Kaagad naman sumagi sa aking isip si Jillian.

"O, anong nangyari sayo at parang natuklaw ka ata ng ahas diyan?" nakatawang tanong niya. "Nasapol ba kita sa sinabi ko?"

Huminga akong malalim sabay tingin sa malayo. Binabagabag ako pero pilit kong winawaksi ang mga negatibong pumapasok sa aking utak.

I trust my men. I know they will never ever fail me.

"Wala. Parang... kinabahan lang ako."

He chuckled. "Hindi pa nga tayo nagsisimulang pasukin sila kinakabahan ka na agad."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ibang kaba ang mini-mean ko."

"Ha?"

"Feeling ko may masamang mangyayari."

"What do you mean?"

"Let's get out of here." tinanaw ko ang kahabaan ng tulay. "Saan kaya ang end point nitong tulay?"

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon