White Lies 87

26 3 0
                                    

JILLIAN

"Nandun si Boss. . ." tinuro ni Thur ang kinaroroonan ng private plane sa pinakadulo pagkaparada ng sasakyan sa loob ng compound. "Hindi na kita sasamahan, kailangan kong bumalik sa Hospital."

"Salamat Thur. Kung hindi kayo dumating--"

"You know na darating kami kahit anong mangyari." sabad niya. "But. . .sorry kasi na-late kami. Nagkaroon kasi ng aberya sa Salon ni Jordan kaya natagalan. Kahit nahabol kayo nina Jasmin at Kevin at iba pang tauhan, still, 'di sila sapat para sagupain ang nagkalat na mga tauhan ni Clark. Hindi ko akalain na nakalabas sila sa kulungan. Like damn. . .I forgot na anak pala siya ng isang Steves."

"Anong atraso ng Lola Cleo ko sa kanila--"

Sunod-sunod itong umiling.

"Si Boss na lang ang tanungin mo tungkol diyan. Sige na. Puntahan mo na 'yon, baka mainip, mayari na naman ako."

"Sorry--"

"Nah--Its fine. Sanay na ako sa kanya. Ganun lang 'yon pero ang totoo super babaw ng luha no'n. He's the best man among the best, lahat silang magbabarkada."

Natitigilang napatitig ako sa kanyang mukha sa sinabi niya.

He t'sked then grinned.

"'Wag mo akong titigan ng ganyan Misis Del Carpio. I know pogi ako pero bawal kang ma-in love sa akin."

"Yucks--kapal mukz!" malakas ko siyang hinampas sabay baba ng kotse. "'Di kita type no! Siraulo. . ."

Malakas itong humagalpak ng tawa. Pabagsak kong isinara ang pintuan. Ibinaba niya naman ang bintana no'n, abot langit ang nakakabwisit niyang ngisi sa akin.

"I'm glad. You're not traumatized after what happen." sigaw niya sabay andar ng sasakyan.

Naiinis na nasundan ko na lamang ng tingin ang papalayong sasakyan nito.

"Kanina pa po kayo inaantay ni Boss, Ma'am." kaagad akong napabaling sa guard, sinasarado na nito ang malaking gate. "Dumeritso po kayo do'n sa dulo."

Alanganin ko siyang nginitian sabay talikod matapos ko magpasalamat.

Habang palapit ako ng palapit sa kinaroroonan ni Marco palakas ng palakas din ang kalabog ng dibdib ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero hindi ko makita si Max.

"Marco, nasaan ang anak ko?" tanong ko sa kanya pagkahinto ko sa harapan niya. "Nasaan si Max? Saan mo dinala ang anak ko?"

Seryoso ang kanyang mukhang nakatitig sa akin, nakapamulsa ang dalawang kamay habang nakatayo sa tabi ng private plane.

Nakaka-intimidate ang presensya at aura niya ngayon sa harapan ko, lalo na ang paraan ng titig niya sa akin. Animoy may nagawa akong malaking atraso sa kanya. . .well meron naman talaga. And I'm guilty...

He arched his brows.

"Anak mo?" he scoffed. "Diba anak ko rin siya, Jillian?"

"Marco. . ."

"What? Hanggang kailan mo ba balak itago sa akin ang tungkol kay Max? Or may plano ka man lang bang sabihin sa akin ang totoo na nagkaanak tayong dalawa?"

"Sorry--"

"Sorry?" galit na sabad. "'Yan lang ba ang sasabihin mo sa akin pagkatapos mong nakawin ang apat na taon na dapat kapiling ko si Max, kayong dalawa, SORRY? Alam mo bang inggit na inggit ako at selos na selos sa mga kaibigan ko na may mga anak na silang lahat samantalang ako problemado pa rin sa babae tapos bigla ko na lang malalaman na may apat na taong gulang na din pala akong anak sayo. Ipinagkait mo sa akin ang maging ama sa kanya. Tapos sasabihin mo ngayon sorry?"

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon