White Lies 21

32 1 0
                                    

MARCO

"Kahit kami din, Iha. Sabik din kami nitong si Fernan magka-anak na babae." sigunda naman ni Mom. "I'm sure your Parents is eager to have a son too. Right Balae?"

Natawa ako sa sinabi ni Mom. Ramdam kong nabwisit lalo si Sam sa kanyang narinig.

"Ano ba Señorito JM!" asik niya sa akin sabay kalas ng mga braso kong nakayakap at kamay na nanggugulo sa kanyang buhok.

Kaagad ko naman siyang pinakawalan. "It's Kuya JM, Sam." nakatawang sabi ko.

Napatitig siya sa akin sa sinabi ko. 'Yong tipong parang tigre sa galit pero sa isang iglap bigla siyang naging maamong tupa sa harapan naming lahat. And it makes me think that she just go with the flow. Knowing her, I'm sure may niluluto na siyang plano sa kanyang utak.

She sighed. "Yeah right, kuya." mahinahon niyang sabi.

What a best actress..!

I grinned. "Tiyak magkakaroon ako nitong pogi at cute na cute na pamangkin." pang-aasar ko pa sa kanya. I even wiggle my thick eye brows while staring at her and saying those words. "What can you say Mom, Dad?"

Lalo akong napangisi sa subrang inis na nakikita ko sa kanyang mga mata. Bagamat ang galing niya magtago ng emotion, pero sa akin hindi 'yon nakaligtas. Pakiramdam ko gusto niya na akong umbagin pero pinipigilan niya lang ang kanyang sarili dahil nakatingin sa amin ang mga magulang namin.

"Naku, excited na kami nitong Mama mo magkaroon ng mga makukulit na batang nagtatakbuhan at naghahagikhikan sa loob ng Mansyon." sagot ni Dad.

She released a pissed groaned at what Dad said.

I grinned widened. "You heard that Sam?" I teased her. "Kaya bilisan n'yong dalawa ni Migz. Gumawa kayo agad. Puro kayo away. Sa simbahan din pala ang bagsak n'yong dalawa. Tsk Tsk..."

Nagulat pa ako ng bigla niyang hablutin ang buhok ko. Buti na lang dumulas ang kamay niya. Bigla din umigkas ang kanyang kamay para suntukin ako pero kaagad naman akong nakaiwas.

I laughed wholeheartedly. "Gotta go Mom, Dad, Tay Philip and Nay Cora." mabilis na paalam ko sa kanila sabay hakbang palabas ng kusina.

"Kuya J...M!" sigaw niya sa akin pero tumawa lang ako.

Nagpalinga-linga ako pagdating ko sa labas. Wala akong makitang tao na pwede kong utusan para mapapunta doon sa Mansyon si Tay Ising para ibigay 'yong wine kaya naglakad ako papunta sa tubuhan.

Ilang kilometro pa ang layo nito sa akin ng biglang umalingaw-ngaw ang call ringtone ng cellphone ko. Kaagad ko iyon hinugot sa aking bulsa. Napakunot-noo pa ako ng makita ko ang tumatawag.

Migz calling...

I pressed the answer button then put it in my ear.

"Yes? Problema mo? Bakit Philippine number ang gamit mo? Don't tell me--"

"I just arrived."

"So why come home early dear brother?"

He sighed. "May problema ako kay Shienna."

I chuckled. "Kailan ka ba nawalan ng problema do'n? Baka naman pwede magtino--"

"Ang dami mong sinasabi." inis na sabad niya sa akin. "I just called to inform you but don't tell Mom and Dad yet. Next weekend na ako uuwi sa Hacienda."

"Why is that?"

"Bakit ba puro ka tanong? I'll hang--"

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon