White Lies 88

29 2 0
                                    

JILLIAN

"Mama kooo!" malakas na sigaw ni Max pagkapasok namin ng Mansion sabay takbo palapit sa amin. "Daddy ko!"

Kaagad ko siyang binuhat at pinupog ng halik sa kanyang mukha pati leeg. Gumaya din si Marco kaya malakas siyang nagtitili at humagikhik.

Pagkahatid sa amin dito sa Hacienda ni Matt, kaagad itong bumalik ng Manila.

Nasa himpapawid pa lang kami kanina halos hindi na ako makapaniwala sa subrang ganda ng tanawin na natatanaw ko sa ibaba lalo na ng makalapag kami sa rooftop ng bahay nila.

Subrang lawak ng lupain na tinuturo sa akin ni Marco na pagmamay-ari daw ng mga magulang niya. Maraming mga ibat-ibang hayop akong nakita sa ranchong tinuro niya sa akin. Marami ding mga tao, kumakaway sila sa amin lalo na 'yong mga nasa tubuhan. Natawa pa siya ng sabihin kong atat na pumunta doon sina Margz at Mia para makapag-hunting ng poging ranchero.

Pagtapak ko pa lang sa mansion nila nalula na ako sa subrang ganda. Lalo tuloy akong nanliit sa aking sarili. Pakiramdam ko kasi parang hindi ako belong sa lugar na 'to pero sa paraan ng paghawak at tingin sa akin ni Marco na para bang isa akong babasaging kristal habang inaalalayan ako hindi ko mapigilan ang sarili kong maluha sa subrang saya.

Having him in my life is a miracle. Napakalaking himala na ang lalaking pinag-aagawan ng mga kababaihan ay bumagsak lang sa isang katulad ko at handang isugal ang buhay para sa kaligtasan naming mag-ina at ng mga mahal ko sa buhay.

"Hmmm--ang asim na ng kili-kili mo baby."

"Kiliti ako diyan, Daddy ko!"

"Ah, may kiliti pala ha."

Malakas na humagikhik naman si Max at nagkakawag ng paulit-ulit iyon hinalikan at inamoy ni Marco. Halos mabali na ang kanyang likod kakalayo. Kung hindi ko lang nahawakan ng mahigpit baka nabitawan ko na.

"Kanina pa 'yan panay tanong kung nasaan na daw ang Mama niya."

Napatingin ako sa magandang Ginang na nakangiting naglalakad palapit sa amin.

"Rawrrrr--"

"Marco 'yang ngipin mo baka magmarka sa balat ni Max." sita ko sa kanya ng malingunan kong kinakagat niya na ang braso nito. "Hindi 'yan pagkain."

"Sorry, Love. Can't help it. Kakagigil e." binalingan niya ang Ginang na matamis na nakangiti pa rin habang nakatitig sa akin sabay akbay. "...meet my beautiful wife, Mom." niyuko ako ni Marco. "She's my Mom, Love. . .your terror mother in law--Awww!" daing ni Marco ng kurutin siya nito sa tagiliran. "Mom!"

"Anong terror ang pinagsasasabi mo diyan?" asik ng Mommy niya. "Sinisiraan mo pa ako kay--"

"Ofcourse not." nakangiting sabad ni Marco sabay yakap at pinaghahalikan ito.

Inis na inis na nagpumiglas naman ito, todo iwas. Pinaghahampas pa si Marco. Tawa ng tawa naman 'yong isa.

I was stunned with the beautiful view in front of me. Ngayon ko lang ulit nakitang subrang saya ni Marco. Ang unang beses na nakita ko siyang ganito kasaya 'yong nasa burol kami, noong pagkabalik niya matapos kumuha sa bahay ng mga gagamitin namin sa paggawa ng treehouse.

Seeing him now how happy he is makes my heart melt. And can't help myself to fell in love with him over and over and over again.

Sa isang iglap biglang naglaho ang lahat ng alinlangan, agam-agam, takot at sakit ng aking buong katawan habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Bakit naman po kita sisiraan sa asawa ko? You're the best Mom I've ever had..." tumanaw siya sa loob. "...and Nay Julie."

Mabilis lumipad doon ang tingin ko matapos niyang banggitin ang pangalan ni Inay. Nagulat pa ako ng makita kong maraming mga mata doon na nakatutok sa akin, lahat nakangiti. Hindi ko sila napansin kanina. Naka-focus lang kasi ako sa aking mag-ama.

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon