White Lies 60

22 2 0
                                    

JILLIAN

"Business Ad. grad. ka diba?" maya-maya tanong niya habang pinaplantsa ko ang kanyang buhok.

"Bakit naitanong mo na naman?"

She grinned. "Pahiram ballpen."

Nagtatakang tiningnan ko siya pero tumalima pa rin ako. Binuksan ko ang drawer sa ilalim ng malaking built-in mirror sa harapan namin. Kinuha ang ballpen saka binigay sa kanya.

Nakangiti niya naman inabot iyon saka ang brochure. Napakunot-noo ako sa nakita kong email-add. na sinulat niya doon.

"O..." maang na nagpalipat-lipat lang ang tingin ko sa inaabot niyang brochure at sa nakangiti niyang mukha. "Hiring sila ngayon. Baka gusto mong mag-apply. Sigurado akong matatanggap ka diyan. Mabait 'yong may-ari ng company na 'yan."

Umiling-iling ako sa kanya saka pinagpatuloy ang pagpaplantsa ng kanyang buhok.

"Wala akong work experience kaya malabo pa sa blurred na matanggap ako diyan."

"'Di naman masama kung susubukan mo. Tsaka isa pa, kapag nakapasok ka sa DCC Corporation makakapag-ipon ka kaagad. Malaki ang sweldo doon ng mga empleyado. Kaya samantalahin mo na habang daycare pa lang si Max."

Kinuha ko ang brochure na inaabot niya sa akin. Akmang itatago ko iyon sa drawer ng pigilan niya ako. Kinuha niya ang straightening iron sa kamay ko sabay turo kay Jordan.

"Mag-send ka na ng resume ngayon. Baka maunahan ka pa ng iba."

Nakangiwing tiningnan ko si Jordan na nakikipagpalitan ng number sa customer na foreigner na pumasok kanina para magpagupit ng buhok.

"Bakit ganyan ang mukha mo?" angil ni Jordan ng makita niya akong nakatitig sa kanya. "Inggit ka, may afam ako?"

Bigla akong napaubo sa huling sinabi niya sabay tawa.

"Sira! Hindi no." binalingan ko si Jas. "Tapusin ko na mu--"

"Ako na muna magplantsa." sabad ni Cheena sabay kuha ng straightener sa kamay ni Jas at pinagpatuloy ang ginagawa ko. "Mag-send ka munang resume para mag-antay ka na lang ng update. Sayang 'yon Bess kung papalampasin mo pa."

"Lakas ng radar? Abot sa kabila ang usapan namin?"

Tumawa sila ni Jas. Pati si Blessie natawa din.

"Available 'yong laptop ni Jordan este Judy pala."

"'Yang kaka-Jordan mo sa akin Blessie tingnan mo, hindi dadaan sa curling iron 'yang buhok mo kulot agad."

Malakas kaming napahagalpak ng tawa pati ang ibang customer sa sinabi ni Jordan.

"Sorry naman Boss--"

"Boss Boss-in ko 'yang nguso mo e."

Nakangiting nilapitan ito ni Blessie saka umabrisiyete sa braso.

"Ito naman... tampo agad?"

Nakairap na winagwag ni Jordan ang braso niya pero lalo lamang iyong hinigpitan ni Blessie.

Humawak si Jordan sa braso no'ng afam na halos mawala na ang mata sa lapad ng ngiti habang nakatingin sa dalawa.

"Baby help me! She tsansing-tsansing me!"

Nakatawang binatukan naman ni Blessie si Jordan.

"Tsansing-tsansing ka diyan."

Hinarap ni Jordan 'yon afam sabay yakap sa bewang nito.

"Baby o, she pukpok my head."

"What?" nakatawang sabi no'ng afam.

"You have to help me." pinamewangan ni Jordan ang afam. "I'm your girlfriend and you just let her..." tinuro niya si Blessie. "...punch my head while keep laughing at me? Break na tayo."

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon