White Lies 22

25 1 0
                                    

MARCO

"What...?" bigla akong napamulagat sa sinabi ni Mom saka napahalakhak ng mag-sink in na sa utak ko ang sinabi niya.

Did I heard her right?

Yeah, I must admit that I kinda like her the first time I saw her but still she's too young for me. I prefer her older sister perhaps? I smirked at the thought.

Oh well, she's not my type though.

I just like her age than Sam. Perfectly fits with an old man like me. And I don't want to be accuse as cradle-snatcher. Kaagad akong natigilan sa tinatakbo ng aking utak. Damn man... what am I thinking! She's Migz possession for Pete's sake!

Naiinis na biglang tumayo si Mom sa sopang kinauupuan niya. Nakapamaywang na tiningnan niya ako ng masama.

Tumayo rin ako at nakangiting pinamulsa ang mga kamay. "Sam is too young for me Mom. And they're just like sister to me."

"O e 'di tama lang na si Miguel. Ilang taon lang naman ang agwat--"

"Iba nga ang gusto ni Migz."

Nanliit ang kanyang mga mata sa sinabi ko. "Kung 'yong babae niyang pakawala na bigla na lang sumusulpot dito sa bahay ang gusto niya, pwes tumigil siya. Mas mabuti pang sa anak nina Cora siya mapunta kasya kung kani-kanino lang. Tapos ikaw..." duro niya pa sa akin.

"Whoa..." nakangiting napaatras ako.

"...kung ayaw mong magpirme sa bahay bigyan mo kami ng apo ng Daddy mo ng may ibang mukha naman akong makita at makausap. Hindi 'yong puro mukha na lang ni Fernan ang nakikita ko. Kung kailan tumanda saka naman nagiging clingy." nakairap pang sabi niya.

Malakas akong napahagalpak ng tawa sa huling tinuran niya. Halos yumugyog ang mga balikat ko kakatawa. Napahawak pa ako sa aking tiyan. Nabwesit siya sa akin. Aww! Pinagkukurot niya ako kahit saang parte ng aking katawan. Todo naman akong ilag sa mga kurot niya habang malakas na tumatawa.

"Narinig ko ata 'yong pangalan ko?"

Napatigil si Mom sa pagkurot sa akin. Sabay pa kaming napalingon sa labas ng pintuan ng may magsalita doon. Nakita kong nakahalukipkip na nakasandig sa hamba ng pintuan si Dad habang nakapamulsang nakangiting nakatingin sa amin.

"Aww!" she pinch my tits.

Ang sakit! Hinihimas-himas ko ang aking dibdib ng maramdaman ko sa aking tagiliran ang isa pang pinong kurot niya bago ako tinigilan. Napapaigtad pa ako sa sakit.

"Ayaw mo na pala ng clingy ngayon, Isme?" tinitigan ni Dad ng pailalim si Mom. "Noon, tandang-tanda ko pa ikaw 'tong dikit ng dikit sa akin. Pinikot mo pa nga ako e."

Nanlaki ang mga mata ni Mom. "Aba't... binabaliktad mo ata ngayon Fernan!" asik niya.

He laughed. "Aminin mo na kasi. Ikaw 'tong dead na dead sa akin noon. Tapos ngayon kung kailan may dalawa na tayong binata saka ka naman nagiging pakipot." pang-aasar pa ni Dad.

Nakangising napailing na lang ako sa takbo ng usapan ng mga magulang ko. Parang mga bata. Naglakad ako palapit sa mesa at muling naupo sa edge nito. Pinagkrus ko sa harapan ng aking dibdib ang aking mga braso. Mataman akong nagpapalipat-lipat ng tingin at nakikinig lang sa sagutan nila. I missed this. 'Yong ingay ng bahay namin. 'Yong tawanan at kwentuhan, asaran. Parang kailan lang nagsusuntukan pa kami ni Migz at sabay din kaming pinapalo ni Dad. Kasalanan ng isa, damay lahat. Grounded pa ng isang linggo. I smirked at the memory.

Napailing si Mom. "Susko ginoo... napakayabang nito. Bakit, sino ba yung lumuhod na umiiyak sa labas ng bahay namin habang nagmamakaawa na balikan ko pagkatapos kong break-an, aber?" nakapamaywang pang sabi niya.

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon