White Lies 64

24 2 0
                                    

JILLIAN

"Sure ba kayo na okey lang ang suot ko?"

Kanina pa ako hindi mapakali sa harapan ng oval shape full length mirror. Hindi ako sanay sa nakikita kong itsura ko sa salamin lalo na ang suot kong damit. Black fitted pencil cut tube dress na lampas tuhod ang haba, pinatungan ko ng white blazer matching with 4 inches white high heels.

Pakiramdam ko masyadong revealing ang suot ko. Kahit anong hatak ko ng tube kita pa rin ang cleavage ko. Gusto kong magpalit kaso ang tatlong tarsier na 'tong nasa harapan ko ayaw akong pabalikin pa sa loob ng aking kwarto. Tapos sumabay pa ang oras, ang bilis! Nakikipaghabulan pa sa akin.

Nakakainis!

"Oo, subrang okey. 'Yan na ang pinaka-okey sa lahat ng okey."

"Yes, ang ganda-ganda mo Bess."

"At ang sexy pa. Tiyak tulo laway niyan ni Kuya Pogi."

Nanghina ako sa huling sinabi ni Cheena. Frustrated na naglakad ako papunta sa kusina pero kaagad din akong napabalik ng hatakin nila akong tatlo.

"Saan ka pa ba pupunta?"

"Tatanungin ko si Inay--"

" Naku, anong oras na. Duster pa ang ipasuot no'n sayo kapag 'yon tinanong mo."

"Tsaka nasa bahay namin si Nay Julie kanina pa." sigunda pa ni Jordan. "Baka ma-late ka pa Jillian sa kakainarte mong 'yan. Seven sharp ang sabi--" tinuro niya ang wall clock. "SEVEN SHARP. Six thirty na. Umalis ka na at--"

"Bakit ba kasi ito pa ang pinapasuot niyo sa akin e hindi nga ako komportable?" inis na sabad ko.

"Anong hindi komportable?" tanong ni Blessie. "Lampas tuhod na nga 'yan ayaw mo pa rin? Bahala ka na nga sa buhay mo. Magsuot ka na lang ng sako." binalingan niya si Cheena sabay hatak ng braso nito. "Punta na tayo ng grocery."

Binalingan naman ni Cheena si Jordan. "Ikaw na bahala--"

"Hay naku..." inis na sabad ni Jordan saka naglakad din palabas. "...bahala siya sa buhay niya. Tinutulungan na nga ang dami pang reklamo. Mag nga-nga siya kapag na late siya."

Hopeless na tiningnan ko ulit ang reflection ko sa salamin. Ayaw ko pa rin ng suot ko pero bagay naman talaga sa akin. I sighed. Hinablot ko ang bag na nakapatong sa ibabaw ng sofa saka hinabol sila.

"Taxiiiii!" sigaw ni Jordan sa dumaan na taxi.

Bumalik naman iyon at huminto sa harapan nilang tatlo. Nakabusangot ang mukhang nilingon ako ni Cheena.

"Dalian mo maglakad diyan at anong oras na!"

"Oo na!" balik sigaw ko saka binilisan na ang lakad.

"First day mo sa work tapos ganyan ang mukha mo." sermon niya pa sa akin pagkalapit ko sa kanila.

"Kung sa hanap-buhay malas 'yang mukha mo." inis na sabi ni Jordan. "Hay iwan, umagang-umaga naha-high blood ako sayo."

Binuksan ni Blessie ang pinto sa likuran ng taxi.

"O pasok na."

"Pasensya na." sabi ko sa kanila. "Nahihiya lang ako sa suot ko."

"Naku 'wag kang mahiya dahil walang nakakahiya sa suot mo."

"Bilisan mo na. Pumasok ka na sa loob at male-late ka na talaga." hinatak ni Jordan ang braso ko ng hindi pa rin ako gumalaw. Pinagtulakan niya pa ako papasok sa loob ng taxi. "Magpakitang gilas ka kaagad today, alalahanin mo lagi si Max 'wag 'yang puso mong sawi." binalingan niya si Kuya driver. "Kuya pagdating niyo sa unahan ihulog niyo po sa kalsada itong baliw na pasahero niyo ah."

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon