White Lies 59

25 2 0
                                    

JILLIAN

"Alam mo bang may Joyce din ang pangalan ko?"

Napatigil ako sa paghagod ng buhok ni Jasmin sa sinabi niya. Napatitig ako sa kanyang mukha. Dumilat naman siya at nakangiting tiningnan ako.

Nasa washroom kaming dalawa. Binabanlawan ko ang nire-rebond kong buhok niya. Pagkatapos niyang ipakulot noong nakaraang buwan ngayon naman pinapaunat niya. Buti hindi nasisira ang buhok niya kahit kung ano-ano na ang kanyang pinaggagagawa.

Ganun ba talaga ang mayayaman? Hindi alam kung ano ang gagawin sa pera kaya rebond dito, kulot doon. Shopping dito, bar hopping doon. Gala dito at kung ano-ano pa. Or baka ganun lang talaga siya? Sabagay unica iha. Sunod sa luho.

Nahihilo ako sa kanyang ginagawa sa sarili niya. She's just twenty five years old. Ginawang tambayan 'tong parlor ni Jordan. Hindi naman siya spoiled brat dahil subrang bait. Kaya kasundo niya kaming lahat. Pero dikit siya masyado sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero magaan ang loob ko sa kanya.

Hindi gaanong busy ang Salon ngayon kaya ang ingay no'ng tatlo doon sa labas. Pinagti-trip-an 'yong mga foreigner na dumadaan. Parang mga kiti-kiti na iwan at panay ang tili. Akala mo naman ngayon lang nakakitang gwapo.

"Joyce Jasmin ang buong pangalan ko. Joyce Jasmin Montefalco."

"Ang ganda pala ng pangalan mo, sing ganda ng mukha mo."

Tumawa siya. Pinagpatuloy ko naman ang aking ginagawa.

"Sabi ni Dad yong panganay niyang anak may Joyce din daw 'yong pangalan."

"Panganay na anak?"

"Oo. Sa unang asawa niya." mariin niya akong tinitigan. "Kabit lang ang Mommy ko, Jillian."

"Ha?"

"Kasal si Dad sa una niyang asawa kaya 'yong marriage nila ni Mom ay void."

"Bakit hindi muna pina-annulled ng Daddy mo 'yong kasal sa una niyang asawa bago pinakasalan ang Mommy mo?"

"Ayaw ni Dad. Mas mahal niya 'yon kaysa sa Mommy ko."

"Paano mo naman nasabi na mas mahal 'yon ng Daddy mo e iniwan nga niya para sa inyo?"

She sighed. "Hindi ko alam ang totoong kwento. But I know na mas mahal sila ni Dad kaysa sa amin. Lagi kasi silang bukambibig ni Dad. Lagi niyang kinukwento sa akin."

"Buti hindi nagagalit ang Mommy mo?"

"Walang issue 'yon kay Mom as long as na sa amin umuuwi si Dad. High school na ako no'n nang makilala ko si Dad." napakunot-noo ako sa sinabi niya. "May ibang asawa kasi ang Mommy ko noon."

Lalong kumunot ang noo ko. Tumawa naman siya.

"Complicated ang istorya ng buhay ko Jillian."

Mapakla akong tumawa. "Parehas lang pala tayo ng kwento ng buhay."

"What do you mean?"

"Like you, complicated din ang kwento ng buhay ko. Pero ang kaibahan lang, kami ang iniwan ng Tatay ko. Pinagpalit niya kami sa mayamang kerida niya. Mahirap lang kasi kami."

"Baka may dahilan ang Tatay mo kaya umalis."

"Syempre meron." I chuckled. "Dahil sa pera... Hindi niya na makayanan 'yong hirap ng buhay kaya inabandona niya kami na parang tuta."

"Grabe, nagawa niya 'yon sa inyo?" tumango ako. "Ang harsh niya naman pala. Buti pa si Dad kahit iniwan niya 'yong mag-ina niya para sa amin tinulungan niya pa rin ang mga 'yon lalo na 'yong anak niya para makapagtapos ng college. Pumunta pa nga si Dad no'ng graduation no'n e. Proud na proud siya kasi grumaduate 'yong ate ko as Summa Cum Laude."

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon