White Lies 81

28 2 0
                                    

JILLIAN

"Hi Sam." bati ni Jas sa babaing kasama ni Marco. "Pregnancy really suit you... you're blooming."

She gently laughed. "Thanks, I'm flattered. You're beautiful too, Jas." binalingan no'ng babae si Marco na parang natuklaw na ng ahas sa tabi nito. "Siya ba si Joyce Jillian na sinasabi sa akin ni Wayne?"

Marahas naman na napalingon sa akin si Jas sa tanong nong babae.

"Oh Jillian, nand'yan ka pala. Hindi. . . kita. . . napansin. . ." nakangiting sabi ni Jas sa akin ngunit unti-unti ring humina ang kanyang boses habang sinasabi ang huling mga katagang iyon ng makita niya ang itsura ko. Nag-aalalang nilapitan niya ako sabay hawak sa aking braso. "Okey ka lang ba? Nanlalamig ka. May masakit ba sayo?"

Right there my world collapsed.

"N-NO. . ."

"Ha?"

Sunod-sunod akong napailing ng unti-unting maproseso ng utak ko ang dahilan ng bangungot ng aking nakaraan.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang lahat. Pati 'yong kaibigan ko at iba pang mga empleyado nakita ko sa peripheral vision kong nakatingin din sa akin lahat. Narinig ko pang tinawag ako ni Margz at Mia pero para akong bingi, wala sa sariling nakatitig lang sa harapan. Sa mga taong paulit-ulit na nananakit sa akin. Noon at magpahanggang ngayon.

'Yong samo't saring katanungan na hindi ko mabigyan dati ng tamang sagot, sa isang iglap ay bumagsak sa aking harapan ngayon. Sa subrang lakas halos yanigin ang buong kamalayan ko.

"No... No... It's not real." sambit ko sa aking sarili habang umiiling na umaatras. "It's just a dream. No... No.. This can't be true. . ."

Nanlabo ang paningin ko sa sunod-sunod na luhang bumagsak sa aking mga mata. Animo'y gripo na nabuksan at 'di na mapinid pa. Halos mag-breakdown ako, nanginig ang mga labi sa subrang pagpipigil ko sa emosyon na gusto ng sumabog sa harapan nila.

Kaagad akong tumalikod, mabilis na kumaripas ng takbo palayo sa kanilang lahat.

"Jil..!"

"Jillian...!"

"Joyce Jillian..!"

Narinig ko pang sabay-sabay nilang tawag sa akin ngunit hindi ko sila pinansin pa.

Halos nagkandatapi-tapilok pa ako sa mabilis kong pagtakbo. Kaagad akong pumasok pagkabukas ng pinto ng elevator. Nanginginig pa ang aking mga kamay sa pagmamadaling pagpindot ng ground floor button. Lahat ng number button napindot ko na ata e pero wala na akong pakialam pa. Hinayaan ko na lang. Ang importante makalabas ako sa building na 'to at makalayo sa kanilang lahat.

Pagdating ko sa ground floor nagulat pa sina Vince at Jack pagkakita sa akin.

"Misis Del Carpio--"

Malakas ko silang tinulak ng harangin nila ako. Binilisan ko ang lakad nang marinig kong umalingaw-ngaw ang call ringtone ng cellphone nila.

"F*ck--What happen? Ha? A e, nakalabas na Boss--Sh*t, HABULIN DAW!"

Narinig ko pang sabi ni Vince.

Kaagad ko naman pinara ang dumaan na taxi. Nagmamadali akong pumasok sa loob no'n. Nilingon ko sila pagkaandar ng taxi. Lalong dumilim ang paningin ko sa galit ng makita ko sina Marco at Itay na patakbong lumabas ng building. Nagpalinga-linga pa sila sa paligid. Malamang hinahanap ako. Nakita ko pang tinuro ni Jack ang taxi na kinalulunaran ko.

Binalingan ko ang driver.

"Kuya, pwede po pakibilisan--THUR?!" bulalas ko ng makita ko ang kanyang mukha sa rear-view mirror. "Anong. . . Taxi driver ka na ngayon?"

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon